CHAPTER 54: I LOVE YOU!

20 3 0
                                    

ELLE MADISSON'S POV

Hay. Last subject na namin. Puro numbers at worksheets na naman ang kaharap ko. Kung sana lahat nang digits na isinusulat ko maging pera, malamang ako na ang pinakamayaman sa buong mundo.

Kung sana ang pag-ibig ay parang accounting, kapag minahal mo siya ay magiging love payable niya yun. At kapag isinauli niya na yun ay madami akong receivables, naku! Di talaga ako magbibigay ng Trade and Cash Discounts. Wish ko lang sana ay wag magkaroon ng accumulated depreciation ang pagmamahal niya kasi lahat ng ibinibigay niya ay itinatago ko sa aking heart inventory. Sisiguraduhin kong magkakaroon ng profit maximization ang pagmamahal na in-invest niya. Siguro nga ang pagmamahal ay parang merchandising, nakakatanggap ka ng pagmamahal at ibinibigay mo rin ito. Ngunit sa kaso ko parang service concern lang naman dahil isa lang itong one-sided love.

"Miss Young, are you with us?"

Nakakainis! Service Revenue naman kasi dapat ang matatanggap ko sa lahat ng effort ko kaso mukhang naging loss lang yata ito.

"Miss Young?"

Kung pwede lang sanang mag-avail ng Prepaid Rent para tumira ako sa puso mo, kung pwede lang sanang mag-avail ng Prepaid Insurance para ensured ang safety ko sa pangangalaga mo, uubusin ko ang pera ko mapa-infinity lang ang pagka-avail ko. Yung puso mo kasi ang official receipt ng pagkatao ko.

"MISS YOUNG?!"

Dear Stof,

      Alam mo ba na ang pagmamahal ko sayo ay kasing lapad ng isang columnar pad? Kasing dami ng linya nito at kasing lito ng columns, kasing bright ng color at kasing sikip nito na halos wala ng space pa.

*BOOOGSH!*

"OUCH!"

Lumanding sa tuktok ng ulo ko ang isang white board pen.

"MISS YOUNG, GET OUT!"

Huh? May ginawa ba ako?

"But Sir, why?"

"YOU ARE NOT LISTENING! MUKHANG LUMILIPAD ANG IYONG ISIPAN SA OUTERSPACE! HINDI MO BA NA RE-REALIZE YUN?!"

Namumula sa galit ang mukha ni Sir.

"But Sir, I was actually thinking about our topic and how it can be applied to real life."

"REALLY? THEN WHY DON'T YOU SHARE THAT TO THE CLASS."

Teka, dapat ko bang sabihin na about sa love? Nakakahiya! (>_<)

"SEE? YOU ARE CLEARLY NOT LISTENING! NOW, GET OUT!"

Dali-dali kong kinuha ang bag ko at lumabas na. Mahirap na at baka tapunan na naman ako nun ng white board pen, or worse, baka yung monoblock chair na ang itapon. Pero tama naman yung mga iniisip ko diba? Why would I listen if alam ko naman na ang lessons na itinuturo niya? Nagpapaka realistic lang naman ako ah! Matalino eh. *AHEM*

Pumunta muna ako sa cafeteria at hinintay na mag bell para maka-uwi. Hihintayin ko pa kasi si Stof KO. Gusto ko siyang maka sabay eh. *pout* Namiss ko na yung mga araw kung kailan siya pa ang sumusundo sa akin. *sigh*

"HEY, STOF! GIVE ME A RIDE!"

Akala niyo ba ako yun? Obviously, not. Sino pa ba ang ibang Englisherang character dito? Edi si Flirt! Psh!!! Eh si author na man kasi! Nahihirapan na nga sa grammar, umeenglish pa!

(Eh kasi nga para hindi malito ang readers if ever na madaming shifting of POVs)

Ahh, okay? Kung mag Korean na lang rin kaya ako nang sa ganun hindi malito ang mga readers. English si Flirt; Tagalog kay ex; Baklush Lenggo kay Stof, Korean sa akin?

Ano sa tingin mo kung mag Korean ako? Pabo!

(Aba! Sumasagot ka na ah! Pabo ka jan! Ostritch itech! Ah basta, mixed ang sayo, mostly Filipino. End of convo dahil napaka irrelevant na nito sa ating chapter.)

Fine. Pero author, one last question, magiging lalake pa ba si Stof?

(Secret! May TWIST ang story, sinasabi ko sayo, makikita mo sa ending ng story.)

Pero magiging lalake pa ba si Stof or magiging Becky Belo na forevah?

(.......)

Hoy, author, sumagot ka!

(......)

PSH! Wala ka talagang kwentang sumagot, author.

(Eh kung gawin ko kayang mala-Romeo and Juliet ang love story mo?)

De, joke lang author. Mehehe. Sige, alis na! Shooo!

"Hey, Stof!!" tinawag ko rin si Stof. Tinignan ako ni Flirt at sinamaan ako ng tingin. Siyempre, papatalo ba ako? *death glares*

Aba! Biglang hinila ni Flirt si Stof! Who do she think she is para gawin yun?!

Sinundan ko sila hanggang sa parking lot kaso nandun din pala si Reil. Talking about awkward here. *roll eyes*

Biglang napayuko si Flirt for an unknown reason. Malamang, nahihiya yun kasi sinira niya na nga kami, inaagaw pa niya si Stof. Wala na talagang makakatalo sa pagka malandificent niya. Siya na! Biglang napayuko si Reil at umalis kaso may biglang sumigaw ng,

"I LOVE YOU, REIL!"

NAKAKAHIYA ANG MGA PINANGGAGAWA NG TAONG 'TO!

"STOF, LET'S GO!"

Inis na nag walk-out si Flirt at hinila si Stof. Bigla akong napatingin sa paligid. *sigh* Buti na lang at walang tao dahil super nakakahiya ang pinanggagawa ni Stof.

How I wish na ako na lang si Reil para masabi niya ring, 'I love you, Elle'.

WAIT--- YOU MEAN NA I-INSECURE AKO SA ISANG LALAKE?!

WHAT THE!! THIS IS NOT SO ME!

Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon