Sa chapter na to, hindi ko po talaga gine genaralized. What I mean is karamihan talaga ay ganito. SISIHIN NIYO SI ELLE!
_____________________________________ELLE MADISSON'S POV
School ulit. Kaloka ang bestfriend ko may admirer! Jeremy Tom ang name! [Tom and Jerry kids.]
Ka M.U. nya daw yun nung 4th year pa sila tapos ngayon dito rin sya sa Farmville nag-aaral para daw maipag patuloy daw nila ang kanilang naudlot na love story. Choos. By the way, si Mira Belle nga pala ang bestfriend ko. [Mirabella ang peg. Wehehe.]
Belle ang apelyedo. Mukhang nakalimutan kong ipakilala.
Mas maganda na man ako ah pero bat ako wala?! Kasi ang boys na nagkaka crush sakin mga loser eh. Bakit? kasi ...
Hindi marunong mag effort.
Puro salita, walang gawa.
Walang time, kung meron man, napaka konti lang.
Magaling lang sa simula, pag nasagot mo na, tapos na rin ang efforts.
Dapat sila gumaggawa, pero pinapaggawa nila sa iba kesyo *nahihiya* raw pero kung ipagmalaki ang sarili ... psh.
Andaling gumive up.
Gusto ako, gusto rin sya, gusto lahat.
Porket maganda, babanatan na.
Porket sexy, add agad sa fb kahit di kilala.
Mataas ang pride.
Hindi ka kayang ipag laban at piliin.
Kadalasang selfish.
Ligaw dito, pagkatapos ng 1 month at di mo sinagot, ligaw na naman sa iba. Ano to expiration date?
Masikreto at sinungaling.
Masyadong seloso. Pinagseselosan kahit close friend nyo. Ang malala, wala ka na ngang kasalanan sya pa ang may ganang magalit.
Masyadong possessive.
Napaka bossy.
Yea. Ganun sila. Madami akong suitors dati kaso wala akong sinagot kasi ganun sila eh. Maldita raw ako, pakipot, pa trying hard to get, churva ek-ek. You see? Hindi lang sinagot maninira na. Tapos after that, konti na lang nanliligaw sa akin. Yung iba tinataboy ko, pinapaalis. Sa ang sasama nila eh. Hindi ka naman talaga nila mahal, sinisiraan ka eh. Kasi kung mahal ka talaga nila, magtitiis yan para masagot mo lang. Hindi mag gi give up at tatanggapin ka nila ng buong-buo. Kung hindi kaya ako maganda liligawan kaya nila ako? Syempre hindi. Hindi na man kasi talaga nila alam kung nasaan ang totoong ganda ko no. Nasa puso yata yun. Kaso sila outer beauty lang ang tinitignan which is temporary lang na man. Maldita ako sa kanila kasi gusto kong malaman kung sino ang totoo at karapat dapat na bigyan ng 'Yes' ko. Dun ko malalaman kung kaya ba talaga nilang mahalin yung buong ako. Yung hindi lang sa panlabas.
And I can say na napaka swerte talaga ng bestfriend ko. He's one of a heck guy! Todo effort talaga. Kahit alam nyang sureball na na sasagutin sya, effort pa rin ng effort. Hindi nagsasawa. Hindi nauubusan ng sorpresa. Lahat ng important dates, meron sya. Kung busy man, lagi itong gumaggawa ng paraan para ma contact ang kanyang minamahal, mapa facebook, text, or tawag. Lahat ng binanggit ko sa taas? Opposite nya yun lahat except sa isang bagay, hindi sya seloso. Parang natutuwa pa nga eh pag may mga lalakeng kasama ang girlfriend nya. Ganun talaga. Masyadong buo ang tiwala nya.
Ayyyy. Kakainggit na man. Almost perfect na sya kasi gwapo na hot pa. Kaso there's no thing as perfect talaga.
Ang swerte lang pag ang lalakeng nagmahal sayo ganyan.
Itali niyo na yan sa matres!
Teka, masyado na yata akong nanghuhugot dito. Sorry, na carried away lang.
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________