CHAPTER 12: NEWBIES

16 3 0
                                    

_____________________________________

ELLE MADISSON'S POV

As usual, ano nga ba ang ginaggawa ng mga tao the day after an event? Ano pa ba? Edi chismis dito, chismis doon, chismis everywhere!

" ... oo nga ang galing talaga ni Albert my labs nanalo daw sa poem making at ang ganda ng piece!"

Sa kakadakdak nila ay naiistress na ako dito. Kay aga aga pinaalala agad. Ano ba ang maganda dun? Wala naman eh. =_=

But anyways, panalo naman kami sa play namin! Ako yata ang magaling na script writer namin. Bakit tragic ang ending? syempre para ma iba. "And they live happily ever after." parang ang corny yata nun eh mga gulay at prutas lang naman sila. Parang ang childish naman kapag ganun.

Natahimik ang buong klase ng dumating si ma'am. Himala, good mood siya ngayon.

"Okay Class, may transferee student tayo na galing sa 2Fuse Academy. Miss, please come inside and introduce yourself." nakangiti pang sabi niya. Kaya naman pala, nagpapa-impress siguro. Psh.

"Hello everyone, I'm Nova Jane Shin. Please be good to me! V^_^." - at nag peace sign pa sya. Para naman tong bata.

"Okay you may sit beside Mr. Lee and Mr. Jang." tinitigan pa sya nila WB at barkada nya. Anong meron ba't parang shocked sila, parang kilala na nila to dati or baka nagandahan lang sila? For the first time, masasabi kong mas cute nga sya sakin. CUTE LANG, HINDI MAGANDA. :| Alam nyo yun? Nakaupo na nga yung barkada ni WB dun, nakisiksik pa to. At himala yata na hindi sya sinigawan ni WB, anong meron? Ah ewan. I don't really care.

So ang bagong seating arrangement ay: ako - WB - isip bata - Reil

Lumipas ang buong araw at sikat na sikat na itong isip bata na transferee. Usapan dito, usapan doon. Nakakainis naman, dati ako yung campus princess eh ngayon siya na. Pasalamat siya hindi ako pumapatol ng mas bata sakin. 15 pa lang kasi siya. Mabait naman ako eh kaya ok lang naman. Ako parin naman ang campus cutie. Sabi nga nila, "Give chance to others." kaya magpaparaya na lang ako. Ayaw ko kasi ng gulo. Marami parin namang nagsasabi na mas maganda daw ako.

Ay, hindi lang pala "DAW" dahil it is the only and ultimate truth.

---------- sa bahay ----------

"Uh, hello Tesa? Pakiluto mo nga kami ng fried chicken. Nagugutom ako eh. Sige, salamat." bago ako sumakay pauwi ay nagbilin muna ako kay yaya na magluto.

Pag dating ko sa bahay, nandun na si yaya nagluluto, at si WB sa TV.

Tumabi ako kay WB at nakinood na rin. Pampalipas oras lang habang naghihintay na matapos si Tesa sa pagluluto. Tiningnan ko siya ngunit tutok na tutok siya sa TV at naka-kunot noo pa. Napatawa ako ng mahina. Mukha siyang violet minion ngayon.

"Stop staring, that's rude." nagulat ako ng nagsalita siya.

"At anong tinatawa-tawa mo jan. Kinikilig ka ba sa kagwapuhan ko?" dagdag pa niya.

"What?! Excuse me, tumatawa lang ako dahil mukha kang minion!" pagdedepensa ko. Totoo naman eh.

"Are you telling me that I am cute? Almost every girl wants a minion. So you want me too?" maangas na sabi niya.

Wala na bang ikakahangin to?

"No, not that one. What I mean is mukha kang violet minion!" pang-aasar ko at tumawa pa ng malakas.

"Whatever." sagot niya at nanood muli.

"Uy, pikon siya. Hahaha." pang-aasar ko pa na nagpakunot lalo ng noo niya. Halos magdikit na ang kilay niya.

"Asar talo. Hahaha. Pikon! Pikon!" sabi ko pa pero hindi ulit siya namansin.

"Uy, minion!"

Sa asar niya ay tinodo niya ang volume ng TV hanggang sa di niya na ako marinig. Ayoko namang mabingi kaya ako ay umalis na lang at pumunta sa kusina ng tumatawa. Asar pala yung isang yun.

Pagdating ko sa kusina, sakto namang nakahain na ng pagkain si Tesa.

"Ah, sige makakauwi ka na, eto pala dalawang chicken para sa inyo ng nanay mo." nakangiting ibinigay ko ito.

"Naku salamat po, ang bait nyo po talaga."

Napangiti ako sa sinabi niya. Mabait daw ako, totoo naman.

"Ano ka ba okay lang yun no, sige umuwi ka na baka nagugutom narin ang nanay mo."

"Sige po, mauna na po ako. Salamat po talaga."

"Walang anuman" napangiti ako ng umalis siya. Kumagat na ako sa chicken. Ang sarap.

"Tsss, mabait daw?" sulpot ng boses lalake sa kung saan. Muntikan na tuloy maibuga ang kinakain ko.

"Kung ako sayo, kumain ka na lang. Mamaya ubusan pa kita jan eh." pagsasawalang bahala ko sa pagsasabat niya at kumain na lang ulit.

"Takaw talaga, parang di babae. Tsss." pagpupuna niya.

Naman tong lalakeng to. Di ba pwedeng kumain na lang ng matiwasay? Kailangan talagang nagsusungit siya hanggang dito?

"Oh, eh ano naman ngayon? Ikaw ba ang kumakain? Di ba ako naman? Kaya manahimik ka na lang." sagot ko at kumain ulit.

Ng matapos kaming kumain ay nauna na siyang umalis. Akalain mong ang lakas niyang kumain, ang bilis pa.

"Hoy saan ka pupunta? Maghuhugas ka pa ng plato hoy!" pano ba naman first dinner namin to together tapos sya ang unang naka assign para maghugas ng pinggan tapos tatakasan nya?

Hinila ko sya paharap pero mukhang galit ang mata nito, wala naman akong ginawa ah?

"Tumahimik ka." cold na sabi nya. Anyare, bipolar ba to?

"What did I do to you?!" nagtapang-tapangan na sagot ko.

"Wala. May naalala lang." badtrip na sabi niya. Sa sobrang lamig ng pagkakasabi niya ay kinilabutan ako.

Ang dami naman yatang new ngayon. Una yung new student at ang new seating arrangement, tapos yung new title nya at yung new title ko, yung first time namin mag dinner together tapos ako pa ang naglinis. Arggh, dapat sya yun eh! Ang daya!

Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon