[a/n:]
EPILOGUE na po ang next update.
Masyado na kasing cliché pag pinatagal pa, so ayun nga.
Thanks :)
_____________________________________
ELLE MADISSON'S POV
Another day. Second day naming in a relationship. Hindi parin ako maka recover. He's my second boyfriend. My first crush. My true love. My destiny.
Hay, ano ba to! Ang aga-aga kinikilig na ako. Ni hindi ko pa natatanggal ang aking morning star.
*1 message received*
Excited kong binuksan ang message at hindi nga ako nabigo, galing nga kay Stof. Sa boyfriend ko.
From Stof:
I'll be there in an hour. I'll introduce you to my parents. I love you Elle :) See you later.
Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Ipapakilala niya ako sa parents niya! Nakakakaba! Kailangan talagang ngayong araw na? What if hindi nila ako magustuhan? Tapos ipapahiya nila ako at paaalisin sa bahay nila. Tapos nagmatigas ako kaya ipapakaladkad nila ako sa security guards. Tapos maiiwan akong luhaan. Tapos--- tapos--- Hala! Ba't ang nega ko? Hindi ba pwedeng 'Nice to meet you, iha' ang maging resulta?
*1 message received*
From Stof:
Hoy! Wag na mag-isip nang kung anu-ano. I'm sure they will like you. Ikaw pa ;) Ligo na po at susunduin na kita mamaya.
Automatic akong napangiti. Kilalang-kilala niya na talaga ako.
^_________________________^
Rereplyan ko sana kaso pagtingin ko sa time, 30 minutes nalang at nandiyan na siya! 09:30 na kaya dali-dali kong ginawa ang mga dapat gawin.
*beep beep*
"Wow. Ang ganda mo talaga, Elle. Ang ganda talaga nang girlfriend ko."
"Thanks."
Pakiramdam ko nag-blush ako sa compliment niya. Sanay naman akong sinasabihang maganda kaso iba parin talaga kapag mahal mo ang taong nagsabi nito.
"Tara na?" sabi niya at in-escort ako papuntang sasakyan habang nakahawak siya sa kamay ko na para bang isa akong prinsesa.
10:20 nang makarating kami sa mismong bahay nila--- or should I say mansion? Napa 'wow' nga ako eh. Mas malaki pa naman ang bahay namin sa kanila kaso nakamamangha lang talaga ang disenyo nito. Modern mansion kumbaga.
Ngiting-ngiti ako sa pag greet sa parents namin---I mean niya. Ano ba yan, kinakabahan nga kasi ako.
"Hi po. Ako po si Elle, proud to be girlfriend po ni Stof." masayang ngunit nahihiyang bati ko. FYI, three times ako nag toothbrush bago umalis sa bahay.
"Hello, Elle. Nice meeting you. Call us tito and tita." bati rin nila. Napahinga naman ako nang maluwag at mas ngumiti pa. Mabuti naman at walang problema.
"Ooh, nice meeting you." sabat nang isang babae sa likuran nila tita.
Biglang nawala ang saya na nararamdaman ko at biglang nainis. Ayokong ma turn-off ang parents ni Stof kaya nginitian ko nalang ang babaeng to kahit obvious naman na ngiting aso. Oh gosh! Bakit nandito to?!
"Elle eto nga pala si Nova. Naku, tamang-tama at sabay na tayong kakain mamaya." sabi ni tita at pumalakpak pa sa ere. Nginitian ko na lang siya.
"Yes, tita. Magkaklase po kami. Block section." sabat ni babae.
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________