ELLE MADISSON'S POV
Ano pa nga bang gagawin ko? Gabi na pero hindi parin ako makatulog. Uminom na ako ng tatlong baso ng gatas ngunit napaka wide awake ko pa rin. Uminom ako ng maraming tubig pero wala naman yung ibang nagawa kundi padamihin ang body liquids ko. Halos lahat na yata ng positions ng pagtulog nagawa ko na: patagilid sa kaliwa, patagilid sa kanan, patihaya, pagharap sa kisame, at pagbaluktot. Lahat walang epekto.
---- SuppaHotness Bar ---
Pumunta na lang ako sa bar. Kanina pag labas ko, mukhang walang tao sa bahay. Tulog kaya siya? Nahihirapan akong matulog pero para sa kanya, wala lang. Hindi siya affected kasi wala naman na akong halaga sa kanya, alam ko yun.
*toogs . toogs . toogs . tototoogs . toogs . toogs*
Hanggang ngayon yun parin ang tugtog nila.
Pagpasok ko sa loob, napaka familiar ng pakiramdam. Namiss ko din tong nightlife ko. Dapat ngayon ay magsaya! Tuluyan na akong nakapasok tsaka sumigaw ng,
"Yeah, men! Rock and Roll!" at nag rock sign.
De joke lang. Paulit-ulit ba ang joke ko? Deja vu eh. Tawa naman kayo jan! Sabi ko magsasaya ako diba? Sinusubukan ko na nga.
Agad akong pumunta sa counter at umorder ng drinks. Napagmasdan ko na naman ang bartender na nag f-flaire. Siguro para sa iba ay nakakamangha ito, oo nga't nakakamangha, pero para sakin, hindi na. Napagsawaan ko ng panoorin ito at nakakapagod na.
Agad kong tinungga ang alak ng dumating ito. Masyado akong depressed. Sabi nila, kapag uminom ka ng alak, makakalimot ka, pero bakit ganito? Ba't parang dumagdag ang init ng katawan sa sakit na nararamdaman ko? Wala man lang nabawas. Pakiramdam ko tuloy, sa bawat sakit na nararamdaman ko, katumbas ng pagliyab ng katawan ko na para bang namamaga ito sa sakit, sakit ng puso at hindi sakit ng katawan.
"Ma'am, tama na po." sinubukan akong awatin ng isang waiter habang nililigpit ang anim na boteng alak na nasa harapan ko. Andami ko ng nainom ngunit parang walang epekto. Akala ko ba matapang to?
"Leave me alone." derektang sabi ko.
"Okay lang po ba kayo, ma'am? Kaya niyo pa ba?"
"Of course, just leave."
Totoo yun, kayang-kaya ko pa nga. Pakiramdam ko, tubig lang ang tinutungga ko. Agad na umalis ang waiter nang marealize niyang okay pa nga ako.
Lumingon ako sa likod pero sana hindi na lang. Nandoon ang taong mahal ko kasama ang babaeng pinaka ayaw ko. Talagang nag-selfie pa sila.
Agad kong binawi ang tingin ko at tumitig na lamang sa mga kamay kong nanginginig na ngayon sa galit at sakit. Mukhang hindi naman nila alam na nandito ako. Eh ano naman ngayon kung nandito ako? Wala naman siyang pake alam. Buong akala ko ay natutulog siya pero nandito lang pala. Talaga bang nawiwili siyang kasama yung babaeng yun na mas ginusto niya pang umalis sa bahay para mag-bar? Anong meron dito na wala doon? Dahil ba sa babaeng yun?
Lumingon ako pero sana hindi ko na lang ginawa. Hinalikan ng babaeng yun ang pisngi ni Stof! At si Stof? Ayun, pangisi ngisi! PSH! Ginusto niya?! REALLY?!
Agad akong lumabas dahil masyado na silang masakit sa mata. Baka hindi ko kayanin. Ni hindi ko pinahalik si Reil sakin, ni pisngi wala, tapos siya?! Tapos sa babaeng yun pa?! I really hate her! I really, really do!
Kung makapagsalita naman akala mo may karapatan. Girlfriend ako, girlfriend ako?! HAHAHA! Oo nga pala, hindi naman.
ARRRRRRGGGHHH!!
Paglabas ko ng bar, para akong ibong walang tiyak na dereksyon. Pagod na ako sa ganitong buhay, pagod na pagod na ang katawan ko. Gusto kong umuwi para magpahinga pero alam kong kailangan ko munang ilabas ang galit ko. Pumunta ako sa lugar kung saan alam kong pwede kong ilabas lahat,
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________