CHAPTER 38: PLEASE TELL HER

15 3 0
                                    


Ka-stress ang araw na'to.
_____________________________________

STOF STEPHENSON'S POV

After nung madramang pag-iyak ko kagabi, magang maga ang mga mata ko. I'm glad at mukhang hindi na siya halata ngayon. Kailangan ko pa namang umalis dahil pupuntahan ko si Reil. Oo, pupuntahan ko nga ang hinayupak na yun. Napag isip-isip ko rin kasi na,

"Mahal ko si Elle kaya ipaglalaban ko to."

Mas okay naman yung ganun para walang regrets. At least kung wala na talagang pag-asa eh hindi naman ako magsisisi kasi ginawa ko naman ang lahat.

*calling Reil*

"Hello?" - Reil

"Pwede ba tayo magkita?"

"Fine. Dito sa condo."

"Absent ka din?"

"Oo. Punta ka na dito."

"Sige, sige."

*toot . toot . toot*

---- Reil's Condo --

Sa kanya condo sakin boarding house lang, mas mayaman naman kami ah. \('m')/ Okay lang naman dahil magkasama naman kami ni Elle eh.

*sigh* naalala ko naman siya.

Maka doorbell na nga

*ding dong*

*ding dong*

Ang tagal naman!

*ding dong*

*dantes*

O________O

ANONG KLASENG KABAKLAAN TO?! FAN BA NI DING DONG TONG LALAKENG TUKMOL NA NAKATIRA DITO?! BUTI SANA KUNG *marian* YUN EDI OKAY! GANDA NUN EH! HINDI PARIN PALA NIYA PINAPALITAN ANG DOORBELL NATO!

"Oh nandito ka na pala! Pasok ka."

Ay, hindi hindi, picture ko lang to, naglalakad siguro. Tsss.

"Okay. Teka, may kasama ka?"

"Ah, oo. Mga pre, si Stephen. Stephen, kabarkada ko. Tamang tama lang ang dating mo, tara sabay ka samin."

Nasa sala na kami ngayon. Napatingin naman ako sa mesa na nasa harap nila, 3 na kabarkada ni Reil ang nandito ngayon.

"Anong meron?"

Na curious naman ako bigla. Eh paano, may mga canned beer at chichirya sa mesa.

"Ah, yan ba? Celebration!"

"Para saan?"

"Para sa pagkaka pa---Babe! Halika! Tikman mo to dali!! Uy, Stof! Nandito ka pala! Long time no see! ^_____^"

"Aish! ALIIIS!!! Kita mo yang bestfriend mo Stof?! Ka stress! Nagpupumilit ba namang uminom eh alam namang allergic. Tapos kapag nangati na yan karga de konsensya ko na naman?! Paano kapag na hospital yan?! Edi ako na naman ang gagastos, ako pa ang papagalitan ng parents ng babaeng yan! Ako na nga ang gumastos para sa mga kinain niya, ako na naman ang gagasto---"

"OO NA! CHE! Kuripot talaga!! I get it na. You want Stof to take me home do you? So, you really hate me that much." - Nova

"Sige na Stephen, hatid mo na pauwi ang maingay na babaeng yan."

"Hey, I'm talking to you!" - Nova

"Mamaya na, mag-uusap pa tayo. Yung tayong dalawa lang."

"Ano ba?! Hello naman, I am here!" - Nova

"Sige, tara sa kwarto Stephen. Hahaha!"

"What are you laughing at?!" - Nova

"Hahaha! Pikon ka talaga!"

Pinaningkitan ako ng mata ni Nova. Ang cute niya talagang magalit, dati pa man ganyan na sya.

"CHE!" ayun at padabog na nag walk-out si Nova.

Okay, serious mode muna, si Elle na ang pag-uusapan eh.

*creeeeeeeaaaak*

Pumasok na kami ni Reil sa loob ng kwarto niya at isinara ang pinto.

"T-teka ano yan?"

May napansin akong isang familiar na bagay na nakapatong sa ibabaw ng dresser niya.

"Necklace. Bakit?"

"Hinahanap ko kasi yan nung isang araw kasi nawala ko. Anyway, sayo nalang. Hindi naman din kasi yan mahalaga so ba't ko pa kukunin. Eh isang necklace lang naman yan, hindi naman yan nakakain."

Bitter ako. I know. Masyado bang halata? Eh sa nasasaktan ako eh. Magagaya lang naman yan nung sinabi ni Reil kay Elle na ako nga si Mysterious Guy. Sasabihin lang din naman niyang, 'hindi naman yun mahalaga'.

"Anyway, anong pag-uusapan natin, Stephen?"

"Tungkol kay Elle."

"Elle na naman ba, Stephen?! Kelan ka ba titigil?"

Never! Itatak mo yan sa puso ni Elle!

"Kelan? Haha! Nagpapatawa ka ba? Alam mo naman ang sagot eh."

Wag mo kong pinaglololoko, Reil!

"Stephen naman! Tama na! Puro ka nalang Elle, pwede bang itigil mo na ang kahibangan mong yan? Can't you see? Ako nga ang pinili diba? Ako, Stephen. Wag ka namang magpaka tanga. Maawa ka naman sa sarili mo."

Shoot! Ang yabang yabang! Porket sinagot lang ni Elle eh! Ang sarap mo lang ipakain sa crabs! Arrrggggh!!

"Ano?! Kung makapag salita ka akala mo kung sino ka ah! Bakit?! Ano bang ipinagmamayabang mo?!"

Lumapit ako sa kanya at akmang susuntukin na sana siya nung bigla siyang tumawa.

"Hahaha! Patawa ka talaga, Stephen! Ikaw nga ang aangas angas jan eh! Ano? Susuntukin mo ako?! Sige! Ituloy mo! Tignan natin kung hindi magalit si Elle KO. Nga naman, sino bang hindi magagalit kapag sinaktan ang taong MAHAL nila. Ano, susuntok ka pa?! Sige, hahayaan kita!"

Ang kaninang nagliliyab na galit sa katawan ko, napalitan na ng sakit. Tama naman siya eh, magagalit lang sakin si Elle at hindi ko kaya yun. Ayokong nasasaktan si Elle.

"Ano, Stephen?! Titigil ka na? Libre na nga oh?! Asan na yung angas mo kanina?! Hahaha!"

Wala na akong ibang maisip na paraan. Ayokong masayang ang pagkakataong ito. Kailangang malaman ni Elle ang lahat. Lahat lahat. Handa akong lunukin ang pride ko para sa kanya. Magmukha man akong desperado at kaawa-awa, wala akong pake alam. Basta para kay Elle, para sa babaeng mahal ko ...

.

... luluhod ako.

"Please, Reil. Wala akong balak makigulo sa relationship niyo. Please, gusto ko lang malaman niya ang totoo."

Hinawakan ko sa magkabilang paa si Reil kasabay ng mahigpit na pagkakahawak ko sa pantalon niya. Nakakababa ng pagkatao, pero para kay Elle, para sa babaeng mahal ko ...

"Alam mo ba kung anong itsura mo ngayon, Stephen?"

Napakahangin talaga nitong lalakeng to! Gustong gusto ko na siyang sapakin pero para kay Elle, para sa babaeng mahal ko ...

"I don't care! Pagtawanan mo na ako, sige lang! Basta ipangako mo sa akin na sasabihin mo kay Elle!"

Nagmakaawa na ako't lahat-lahat, winasak ang pride kong kasing taas ng Mount Everest, lahat na ginawa ko, nagmakaawa, lumuhod, at sumugal pero sa lahat ng ito, isang salita lang pala ang sasabihin niya,

A cold voice that says,

"No."

_____________________________________

AUTHOR'S NOTE:

12 Chapters ang nawala kaya medyo sabaw na siya -_- Natagalan pa lalo.

Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon