CHAPTER 21: MABUTI PA ANG MOP

24 3 0
                                    

Uhhm, walang maisip na iba si author?

Pasensya sa lame update.
_____________________________________

ELLE MADISSON'S POV

12:30 na ng makarating kami ni WB sa bahay.

"HOY! Bilisan mo naman jan!"

"Teka lang!! Wag kang excited!!"

"Hoy, excuse me, 30 minutes ka na kaya jan! Tumatae ka ba?!"

Ang tagal tagal nya!! Nakakainis! 1:00 AM na at antok na antok na ako! Hindi naman pwede na matulog nalang ako agad no! Kailangan kong mag half bath!

"Oo na, tapos na!" WB

Lumabas na sya ng banyo ng hindi ako pinapansin, pagka lampas nya,

"Waaah, ang bango naman nya, super! At yung ano, yung ano, ABS. *gulp*" sabi ko sa sarili ko. Hindi ko akalaing may abs sya. Sayang at hindi pa masyado klaro sa memorya ko kasi wala pang 1 second nung makita ko yun eh.

"Ano?!" WB

"WALA!!" naku muntikan na ako dun, buti nalang hindi nya narinig.

Hindi muna ako pumasok sa banyo at binuksan ang exhaust fan to let the bad fumes out.

"YUCK! Hoy! WB, yung totoo, 1 week ka bang hindi nagbawas?!"

"Pake mo. Nakikiamoy ka na nga lang, nagrereklamo ka pa!"

"EEW! I WANNA PUKE!"

"Tsss."

After 5 minutes ay pumasok na ako. Natapos na akong naligo kaya dumeretcho na ako sa kama,

ABS.

ABS.

ABS.

ABS.

ABS.

Paulit ulit na bulong ng malandi kong utak.

"Whatever, matutulog na ako kaya manahimik ka jan sa ka a abs mo."

----------- kinabukasan ------------

Nandito lang kami sa bahay at walang ginagawa, rest day naming magbarkada kasi pagod kami these past few days.

"Hello, yaya? Pwede ka bang magluto ngayon para samin? ... sige, sige salamat."

Dala narin siguro ng pagod at puyat kaya tinanghali kami ng gising. Nauna nga lang nagising si WB.

Maka facebook na nga lang habang hinihintay si yaya. Mamaya na lang ako maliligo.

Nag update na lang ako ng status:

Yung feeling na kahit hindi pa malinaw at walang kasiguraduhan, masaya ka parin sa kung ano lang ang meron kayo. Ika nga nila, "Be contented for what you have."

Matapos kong ipost ang status ko, naalala ko ang Kids Next Door. Sinearch ko ang mga pangalan nila at in-add na.

Narinig ko namang bumukas ang pintuan kaya pinatay ko na ang laptop ko at lumabas na, malamang si Stone Wall na yun.

"Oh, yaya. Pakiluto na lang yung manok sa ref. Fried chicken ah?"

"Opo." nakangiting tugon nya.

After mga 1 hour, all is well na. Ready na ang rice, chicken, at juice. Inalok ko si yaya na kumain pero wag na daw at aalis na sya pero pinilit ko pa din kaya in the end, dito sya kumain.

"AHEMMM." malakas na pagpaparinig ko.

Paano ka makakakain ng maayos kung yung taong kaharap mo, iba ang gustong kainin? What I mean is, nagnanakaw ng tingin sa cleavage ni Stone Wall. Akala nya hindi ko alam yan? Madami ng nagdaan na lalakeng ganyan sa akin kaya alam na alam ko na. Mga lalake talaga.

Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon