CHAPTER 10: OUTBURST

26 3 0
                                    

Don't forget to:

VOTE.

COMMENT.

FOLLOW.

_____________________________________

ELLE MADISSON'S POV

*NOW HIRING*

Yan ang nakalagay sa tarpaulin na ikinabit ko sa labas ng bahay na'min, bago lang.

Qualifications:

¤ At least an elementary graduate

¤ At least have an acceptable face

¤ At least be cholesterol-free/sexy

¤ At least know tagalog and some english

Requirements:

¤ NBI clearance

¤ 8 x 8 wacky picture (2 pcs.)

¤ Your body

¤ Your face

¤ Your attitude

¤ Your presence

That's all thank you!

Ano nga ba yan? Siyempre qualifications para sa magiging yaya. Si Wrecking Ball ang gumawa nyan. Nakakainis, nagpumilit pa. Para daw fair kasi ako nga daw ang gumawa ng rules kahapon. =_=. Mga lalake talaga. Tsk. Tsk.

Nagsidatingan na ang mga applicants. Sa panahon ngayon, mahirap ng makahanap ng katulong pero hindi na rin ako nagtaka kung bakit madaming nag-apply. Dahil yan sa pagmumukha ng halimaw na yun. (!-_-)

Nakita kong inisa-isa ni Wrecking Ball ang mga aplikante. Tinitigan mula ulo hanggang paa. Kung makatingin nga lang siya sa iba, para siyang nakakain ng hilaw na mangga sa asim ng mukha niya.

Hinayaan ko na siyang makipag-usap sa mga aplikante. Ayokong ma-stress ang beauty ko kaya pinanood ko na lang siya.

"I am sorry to tell you, you don't have the body." kunwaring nalulungkot na sabi niya sa isang babae at pinaalis na ito. Umalis siyang nakayuko.

Sumunod naman yung isa pa.

"Are you serious you call that a face? With the looks of it, it's more like a talking butt. I suggest you to read the qualifications again, miss." pang-iinsulto niya pa.

Pinagmasdan ko siyang laitin ang panlabas na anyo ng mga babae dito at lalo lang akong nainis sa kanya. Napaka-walang manners niya talaga! Nakakagigil sa inis!

Ilang aplikante pa ang nagdaan at halatang naiinis na siya. Yan pa, eh ang iksi ng pasensiya niyan eh.

"Oh, may naglalalad palang pasayan, ipa perya kaya kita nang magka pera ako?" naiiritang pagsasagot niya sa babae. Nakakainis na talaga siya. Sumosobra na siya!

"Stop that! Can you please stop insulting others? Perpekto ka ba para manlait ng kapawa?" pasigaw na pangangaral ko sa kanya. Nakakainis na kasi talaga. Hindi ko na kaya pang pagmasdan ang mga kapwa kong babae na nasasaktan.

"And what is that to you? Pwede ba, mind your own business!"

Parang nagpantig ang tenga ko ng marinig kong sinigawan niya ako. How dare he! Siya na nga ang may kasalanan, siya pa ang may ganang magalit!

"What is that to me? Of course, nasasaktan mo na sila! What is that to me huh? Eh sayo, what is that for you? Wala ka bang maramdaman man lang kahit konting awa o konsensiya!" sa sobrang galit ko sa kanya, ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng dugo  ko. At talagang uminit ang buong mukha ko sa galit.

Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon