Alam ko ang corny ko na. =_=
Anyway,
Don't forget to:
VOTE.
COMMENT.
FOLLOW.
_____________________________________
ELLE MADISSON'S POV
Hay, umalis na si mom.
Grabe asan ang housemate ko?! ANG BORING MAG ISA. Wala na ngang magawa dito sa bahay wala pang matinong mapanood sa TV! Nakakasawa lang pakinggan ang mga paulit-ulit na patalastas. At lalo pa nga akong na bored dahil mabagal ang internet connection. Kainis! Ano ng gagawin ko dito, aber? Kumain ng bulak?
Siya nga pala, wala akong yaya. Men! Ang daming pera ni mom tapos pasuweldo lang para sa iisang katulong di pa niya maggawa. Ayoko ngang solohin ang bayad, mauubos ang allowance ko.
Sa canteen na nga lang kakain.
Ay! tama! Wala nga pala akong sundo.
Talagang naga-adjust pa ako sa bagong buhay ko ngayon. Hindi pa ako sanay kaya madalas ay nakakalimutan kong wala na palang ibang taong maaasahan. Tanging sarili ko na lang.
Mag co commute na lang ako. Haist. >_< Mas gugustuhin ko ng mag commute kesa sa maglakad. Kapag naglakad ako mapupudpod lang ang sakong ko.
Well, ma try nga. First time ko eh. Nakaka excite lang na nakakatakot. Parang natuwa pa yata akong ma-experience ito. That's new.
*lakad . lakad . lakad*
Naglakad-lakad ako pero wala akong mahanap na taxi kaya nilapitan ko na lang yung manong na nakatambay sa tapat ng bahay niya.
"Uhmm, manong, asan po ba ang parahan ng taxi dito?" tanong ko. Siyempre baitan mode muna tayo, pampa-good shot.
"Ano ba yan! Wala kang galang na bata!" nagulat ako ng biglang nagalit si manong. May mali ba sa tanong ko? Wala naman ah. Problema ne'to?
"Ako po? Bakit po?" Not guilty. Wala naman akong sinabing mali. =_=
"Hindi ako manong miss kuya ako! Hindi manong! Alis nga!" naiiritang sagot ni manong.
Kung hindi lang to matanda naku, kanina ko pa to sinagot sagot. Makakatikim siya ng Elle Super Litanya. Nagtatanong ng maayos eh, iba rin ang isinagot. Kahit na ganito ako ay may respeto rin naman ako sa matatanda. Kung sinagot ko siya eh parang sinagot ko na rin ang parents ko kung ganun.
Dahil sa wala akong nakuhang matinong sagot kay manong ay napagdesisyonan kong magtanong na lamang sa iba. Di bale, tinandaan ko ang mukha ni manong para mailagay na siya sa block list ko. Hindi na ako magtatanong ulit no. Baka makilala niya ulit ako at pagalitan ulit. =_= Para tuloy akong pinagalitan ni dad.
*lakad . lakad . lakad*
May nakita akong babaeng nakatalikod na naglilinis sa bakery. Pakiwari ko'y siyang tagabantay dito. Siguro naman ito, di na magsusungit, kaya nilapitan ko na.
"Uhmmm, miss? Pwede po ba mag tanong? Asan po ba ang parahan ng taxi dito?" ngiting-ngiti pa ako ng i-approach ko siya ngunit hindi siya lumingon kaya ang matamis na ngiting iginawad ko kanina, nagmistulang ngiting aso na.
"uhhmm, excuse me miss magta---" pag-uulit ko.
Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil nag slow motion ang paligid. At dun ko nalaman kung bakit ang tagal niyang lumingon. Hindi pala siya naglilinis, nangungulangot pala. Joke.
Kaya pala ang tagal lumingon, mister pala to, hindi miss!
"Ahh. *beautiful eyes* ganda, walang taxi dito eh. Mag jeep ka na lang. Dun ka lumiko sa kaliwa, tapos tumawid ka. Dun ang Farmville University." sabay turo nya sa ID ko. Well, sikat nga ang school namin kaya agad niyang nalaman kung saan ako pupunta.
"Ahh. Salamat miss."
Naks. Feel na feel niya yata ang pag tawag ko ng miss ah. Sige na nga lang, pag bigayan na total sinagot niya naman ako ng maayos.
*lakad . lakad . lakad*
Hay. Thank you. Ayun ang jeep!
Tinignan ko ang malawak na daan na punong-puno ng mga mabibilis na sasakyan. At ang talagang nagpagimbal sa'kin ay dahil ang daming truck na dumadaan.
Homeergeerd!! You mean tatawid pa ako? Paano? Hindi ako expert tumawid! I'm so scared! Paano? Andaming sasakyan!
Nagpalinga-linga ako, nagbabakasakaling makahanap ng paraan.
*ting!* - a bright idea had struck me!
Ay salamat naman at may kasabay akong tumawid ng ganito kaaga.
"Wait! Wait! Hintayin mo ako kuya!!!"
Tinawag ko siya pero sheemay! Ang bilis mag lakad ni kuya! Dinaig niya pa ang nurse sa bilis niyang maglakad.
Howmaygolly!! Ang layo niya na. Ayokong tumawid mag-isa. Nataranta ako kaya hinila ko na lang yung---
unfortunately, nahila ko yung mahabang part nya na naka tayo na mabalahibo.
Mukhang shocked si kuya, tumigil pa para lang titigan ako ng matalim. Kita ko na yung ngipin niya sa galit. OMG! Nakakatakot! Di niya naman sinabing sensitive pala siya kapag hinahawakan. Nahila ko yung ANO nya. Yung ---
yung buntot niya para bumagal.
"Grrrrr. Arf! Arf!" nagulat pa ako ng bigla siyang kumahol. Halatang galit na galit nga siya.
"Ah h-he-he-he! ASDFGHJKL!! OH MY GOLLY GULAY!! NOOO!!"
Napatakbo ako nung bigla niya akong hinabol. Wala akong ibang dapat gawin ngayon kundi tumakbo. Isang pagkakatisod ko lang and I'm dead!
Pero wag kayo! I am so proud of myself right now. Para yata akong professional athlete ngayon. Athlete na ang kalaban ay ang kamatayan.
"Wait lang! Jeep! Jeep!"
Tinawag ko ang jeep na mabagal na tumatakbo dahil na rin sa traffic. Ito na lang ang natatanging pag-asang makatakas ako sa asong ito! Focus. Focus. Matapos kong kalkulahin ay napagtanto ko ang kailangang gawin. Ang kailangan ko lang ay mag jump ng 68 degrees!
*takbo . takbo. hiyaaaa!*
Muntik ko pang hindi matapakan ang step dun sa jeepney kung hindi lang talaga ako kumapit ng mabuti. Muntik na akong magkaroon ng tragic ending dun! Hinarap ko ang aso na papalayo na sa aking paningin.
"bleeh! :p. Kala mo ha!" - ako
---------- sa school --------
Pagkatapos kong dumaan sa canteen at kumain, nag toothbrush nadin ako, retouch, then classroom.
5 minutes later ...
" ... naging mag text mate kami. Tapos nagkita. Well, doon kami nagkakilala actually, ... blah blah blah."
1 hour later ...
" ... alam nyo guys, ang hirap mag decide sa love. Dati kasi akala ko, yung first girlfriend ko na, tapos sa second. Ang saya ko nga eh, pero wala akong ma pili pili sa kanilang dalawa.Yung parang pantay lang sila, pero ngayon alam ko na kung bakit ganun, kasi pare pareho lang pala kaming lahi ni eba . Ang hirap nun kasi .... blah blah blah."
3 hours later ...
" ... guys, tigilan niyo ako sa love love na yan. Wala ako niyan! ... blah blah."
"BITTER!" - sabay na sigaw ng classmates ko.
Kahit college na dito, feeling highschool ang may-ari eh. Gusto nya daw kasi na maranasan parin namin kahit konti lang ang pagiging highschool kasi wala raw kapantay ang saya nun. Well, may point.
Alam nyo yun guys? yung pag 1st week ng class getting to know each other muna. Tapos ang topic puro love life. Hindi na man sa bitter ako ha, ang co corny lang. Kasali yata to sa schedule ng mga prof eh.
Nag school na si bestie bestfriend. Nag shift pala ng course ang loka kasi di nya daw kaya ang accountancy. Nag Civil Engineering ang peg. Magkaiba ang sched namin afternoon sya. Ang sched ko naman si mommy ang pumili. =_= Aba ang loka-loka nag enroll pa! First week na First week shift na ang lola niyo?!
Hay grabe. Magkakaroon na naman ako ng another journey pauwi. =_=
Wag naman po sana maulit yung encounter ko sa aso. T__T
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________