_____________________________________
ELLE MADISSON'S POV
While I'm on my way home ...
Okay. Nakakapagod mag kwento nuhh. Basta yung nangyari kahapon na-deja vu lang. Sakay jeep. Lakad. Except sa aso thingy. Nakita ko nga kanina ulit eh, di ko na lang pinansin. *tampo* Ayoko na sa kanya. Di kami bati. Hmmp!
------------ sa bahay -----------
Bahay na ang tawag ko sa boarding house. Sa original house ay home ang itatawag ko. Sosyal dun eh.
Ibinaba ko na ang gamit ko at tinanggal ang shoes and socks.
"Mommmmyyyy! Oh myyy!!"
Nagulat pa ako kasi ang pula ng mukha ko!! Ang init kasi kaninang naglalakad ako. Naiwan ko kasi ang payong ko! *kurap . kurap* NOT BAD! Instat blush on. Yun oh! Ang cute kaya! Nahahalata ang pagiging smooth and sensitive ng skin ko!
Yan ang sinasabi nilang,
"Look at the brighter side."
kahit na ang totoo eh mukha na akong pinritong isda.
Nag order na lang ako ng pizza sa shakewhich at yun na ang dinner ko.
*tick*
Good night. In off ko na ang lamp shade ko. zzzzzz.
Paggising ...
"OHLALA!" 07:30 na pala! 08:00 na ang class.
Nag-alarm naman ako, naka full volume pa nga at pinili ko pa yung pinaka loud na music pero bakit hindi ko narinig na nag alarm ang phone ko?
Hindi ko ba talaga narinig o talagang pinatay ko nung nag ri-ring? Aba, malay ko. Ang alam ko lang ngayon, kailangan ko ng magmadali kung hindi mala-late na naman ako.
---------- sa school ----------
Ha! Hindi yata ako late ngayon!
Ganun talaga ang students, pag maaga nagising, matagal matatapos, pag 30 minutes na lang ang naiwan, daig pa si Flash!
Blah . blah. blah. Alam ko namang di kayo interested sa takbo ng lessons namin eh.
~ ... don't let them in, don't let them see. Be the good girl you always have to be. Conceal don't feel, don't let them know. Now they know. Let it go, let it go, can't hold it back anymore. Let it go, let it go, turn away and slam the door. Here I --- ~
Favorite subject na namin. RECESS. witwit. Ah kasi dito sa amin during recess, nagpapatugtog sila ng music. Background music teh. Sign din yun ng bell. Pag nag stop, recess is over. Pag nag play, it's eating time! Ngayon lang nila naisip ang ipa play na kanta kaya ngayon pa lang to mag s-start.
Mas masarap daw kasing lumamon kapag may background music na kasama.
------- sa canteen -------
Wala akong breakfast kanina =_= so ang inorder ko:
Burger, Coke, at ang aking cup noodles! Sea food flavor. Paborito ng mga taong hindi nag be breakfast. Ang famous nga ng food na ito.
Dito lang ako umupo malapit sa counter . Ang init kaya ng noodles kung dadalhin ko pa ng matagal para lang pumunta sa malayong pwesto.
Susubo na sana ako kaso may biglang umepal.
"Excuse me miss. Alam mo bang ako ang naka upo diyan. That place is reserved only for me." pagtataray niya na sinamahan pa ng pagtaas ng kilay.
Aba papatalo ba naman ako?
"Uhmmm. Asan ang name mo dito? Ba't hindi ko makita miss?" inosenteng sabi ko.
Talaga namang hindi niya upuan to. Sa pagkakaalam ko, this is owned by the university. At ang miscellaneous fee na binabayaran ng mga estudyanteng gaya ko ang ipinangbayad sa upuang to.
So ano? Galing pa sa bahay niya ang upuang to tapos dinala niya dito, ganun? Eh pag-aari niya raw eh.
"Guys? Hindi ba AKO ang naka upo dito?" tanong niya sa grupo ng estudyanteng nakaupo malapit sa'min.
"Opo! Opo ma'am!" sabay sabay nilang sabi.
What? Bakit sila nag-agree? I can't believe this! Siya na nga ang mali, siya pa ang kinampihan. Nakakainis.
"Oooh, pangalan mo ba itong dumi sa chair? Pasensya na miss wala kasi akong makitang ibang mark dito na nagpapatunay na sayo to except sa DUMI.Well, that explains everything." sabi ko habang nakatingin ng masama sa grupo ng estudyanteng tinanong niya kanina. Mukhang takot na takot sila kanina pa lang.
"Ughhhh! You freak!" sabi niya sabay tapon ng coke sa akin.
My gosh! Parang alam ko tong scene na'to ah! Ginaya niya yata sa isang pelikula. Yung,
"You're nothing, but a second way, trying hard, copycat!"
Naka-isip ako ng magandang throwback sa kanya.
*splaaasssssshhh*
"Walang sayo! Wala!" madamdaming sabi ko.
Naalala niyo sa Legal Wife? Yung,
"Walang sayo Nicole! Wala!"
Rinig kong napasinghap ang lahat nung binuhusan ko siya ng cup noodles. That's right. Dapat niyong malaman na hindi dapat binabangga ang isang Young.
Madrama din 'tong isang 'to eh. Artista search ba'to? Hindi naman ah. Kaartehan talaga ng babaeng to. Akala niya yata artistahin na siya, mas magaling pa nga ako eh.
"You're welcome." nakangiti kong sabi tapos nag walk-out.
Mabait ako, pero hindi sayo.
Ramdam ko ang mga matang nakasunod sa'kin paglabas pero hindi ko sila tiningnan. Walk like a queen--chin up, breast out, and walk gracefully. Hayaan mo ang mga inggitera. It was clear from the start na kasalanan ng mapagangking nilalang na yun. Problema niya na yun. Lagkitin sana ang damit niya. Haha.
Bago pa man mag bell ay pumunta na ako sa locker room at nagbihis. Buti na lang talaga ay may extra akong damit na laging tinatago rito.
Narinig ko na ang bell kaya dumeretcho na ako sa classroom.
"Good morning, students." siga na sabi ng guro namin. Nandito pa lang ako sa pintuan eh rinig na rinig na ang tinis ng boses niya.
"Why are you late in---"
Unti-unti kaming nagkatinginan mula paa hanggang ulo, wari sinusuri ang kagandahan ng isa't-isa, hanggang sa magkatinginan kami mata sa mata. Parang may invisible smoke na lumabas sa ilong niya't matang unti-unting sumisingkit. At dun ko lang napagtanto kung sino siya. Si cup noodles! Ramdam ko ring namula lalo ang kanina pang namumula kong pisngi. Nakakabadtrip ang pagmumukha niya.
"YOU?!" sabay na sigaw namin ng professor.
Aba, ang walang hiya prof ko pala. Lagot!
"Good morning, ma'am. A very good morning indeed." sabi ko at pumasok agad ng room na hindi hinihintay ang pagsagot niya.
Ngayon pa lang sinasabi ko na, malalagot to sa teachers evaluation. Pupunuin ko yung space for comments. Mukha niya pa lang nakakabadtrip na, paano pa kaya pag pinag-initan na ako.
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________