CHAPTER 30: KASUNDUAN

12 3 0
                                    

_____________________________________

STOF STEPHENSON'S POV

TAE KA TALAGA REIL!! Gulong gulo na si Elle! Kung di ka lang talaga nandun baka okay na ang lahat ngayon! Naalala ko pa nga ...

- flashback -

Kami nalang dalawa ni Reil ang nandito. Tumakbo na kasi si Elle. Hindi na namin hinabol baka kasi mas malito pa sya. Alam kong kailangan nya ng space.

"Uy, pre! Ba't ka nandito? Pati si Elle?" sabi ni Reil na hindi maipinta ang mukha.

"Ha? Wala. Eh, ikaw? Ba't ka nandito? atsaka, ba't ganyan ang mukha mo?"

"Ah, natatae kasi ako. Buti nalang wala na kaso nauutot pa ako eh. Dito nalang sa garden kasi walang tao. Isa pa, kailangan din ng utot ang mga tanim dito. Atras pre, uutot ako. Hirap magpigil kasi nandito si Elle kanina. Alis na pre, shooo."

"Ha? T-teka---"

*PRROOOOOOOOTT!!!"*

"Yuck ka pre! Pffft--hahaha, ge alis na ako. Patawa ka talaga! Hahaha."

- end of flashback -

Galit dapat ako nun eh, kaso nakakatawa talaga ang rason nya. Isa pa, wala naman syang alam eh. Hindi nya naman kasalanan na tinatawag sya ng kalikasan. Hindi nya rin kasalanan kung bakit carbon dioxide ang compound ng utot at kung bakit ito ang kailangan ng mga tanim. At higit sa lahat, hindi nya rin kasalanan kung bakit nakalagay sa garden ang mga tanim. Tanim nga diba? Alangan naman na sa CR ilagay tong mga euphorbia? Tsss. =_=

Isa lang ang alam kong tama, dapat magkaroon kami ng kasunduan.

Napagpasyahan kong pumunta sa condo ni Reil. Buti pa sya condo, sakin hindi. Mayaman naman kami kaso hindi condo. =_=

Okay lang, kasama ko naman si Elle. Panalo parin ako. ^______^.

_____________________________________

REIL MIKAEL'S POV

*ding dong* *ding dong*

*dantes*

Ay, ang corny naman ng doorbell ko.

Binuksan ko ito at bumungad si Stephen.

"Oh, pre, musta?"

"Ah, gusto ko sanang magkaroon tayo ng kasunduan." - Stephen

"Kasunduan? Tungkol san?"

"Kay Elle."

Pinapasok ko na sya agad. About kay Elle eh. ^_______^

"Aaah, ganito kasi. Alam naman natin pareho kung sino ang totoong Mysterious Guy. Alam nating pareho na ako ang lalakeng hinahanap ni Elle. Alam nating pareho na ako yun kaya sana tulungan mo akong linawin kay Elle ang totoo."

"Ha? Hindi ko magets."

Ikinuwento nya naman lahat. Hindi ko akalaing gumagawa pala si Stephen ng ganun. Ni hindi rin nakuwento yun ni Elle.

"Kaya sana pre, matulungan mo ako."

"Sige makakaasa."

"Ah, teka Stephen!!" - pahabol ko dito.

"Alam ko namang kasama mo si Elle dun sa boarding house. Gusto ko sanang magkaroon tayo ng schedule. Alam ko namang naiirita na sya kasi pareho tayong gwapo. Haha. Sana sa school solo ko sya. Ikaw naman ang maghahatid sa kanya papunta at pauwi, pati sa bahay nyo di ako makikialam. Okay lang ba sayo pre?"

"Sige, ok lang pre. Para narin kay Elle. Salamat talaga. Una na ako pre."

"Sige."

And with that, umalis na sya. Kailangan ko pang maka tyempo upang sabihin na si Stephen talaga yung hinahanap nya.

_____________________________________

STOF STEPHENSON'S POV

Mabuti nalang si Reil ang karibal ko. Hindi nya ipinagkait si Elle. Tutulungan nya pa nga akong malinawan si Elle eh. Totoo ko talagang kaibigan to. Patas na ang laban.

Elle, gusto kong malaman mo na ako to. ^___________________^

Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon