Ang haba-habang update. Sana basahin nyo. :)
____________________________________ELLE MADISSON'S POV
Monday na at ngayon ang official start ng one week sembreak namin.
Naawa naman ako kay best kahapon kaya niyaya ko syang mag outing.
- flashback -
Nasa dining room kami ngayon, kumakain. Makikita mo naman talaga na wala syang gana ngayon. Yung parang nasa state of shock parin sya kaso pinipilit nya lang talaga kumain. Ayaw nya kasing pumayat pa, sexy na sya eh. Pangit din naman kung sobrang payat na, hindi na yun sexy tignan. Kawawa naman yung bestfriend ko.
"Best! Outing kaya tayo? San mo gusto best?" sabi ko. Gusto ko kasi na ngayong sembreak mag enjoy siya para hindi na nya laging naiisip ang mga masasakit na pangyayari sa buhay nya. Gusto kong maka move-on sya.
"Uhmmm, ewan?" sagot nya.
"Aha! Alam ko na! Mag beach na lang tayo para ma expose ang iyong sexy body!"
at sakin rin. Mwahaha. At least dun may mga hot papables. May mga muscles, mga gwapo, at may mga abs.*O* I'm sure hindi maaalala ni best si Jeremy Walanghiya dun.
"Tayong dalawa lang? Hindi ba ang boring nun? Invite mo kaya ang housemate mo at yung barkada nya?" - si best
"Ayaw ko nga!" umangal ako agad. Meron akong taong hindi gusto sa grupo nila at mas lalong ayaw ko siyang makasama sa outing na ito.
Napa-pout si best sa pagangal ko.
"Fine. Fine. Bukas ha. 7 AM sharp. Sa bahay magkikita. 1 day lang tayo dun." may magagawa ba ako? Ayaw ko namang mag emote si best. Pagbigyan, broken hearted naman eh.
Pagkadating ko ng bahay, naabutan ko si WB na kumakain ng lunch.
"Hoy WB, bukas 7AM, pupunta tayo ng beach, 1 day lang tayo. Sabihan mo ang barkada mo, dito sa bahay ang tagpuan. Wag kanang umangal, wala ka rin namang choice."
Bago pa sya maka hindi, pumasok na ako sa room ko. Naks, galing ko talaga. Wala na kaya syang choice. Hahaha.
- end of flashback -
So ganun ang nangyari. =_= Sumama pa talaga ang Kids Next Door.
5:30 ako gumising. Handa na rin ang breakfast namin. Nag order na lang ako ng Lomi. Ang aga pa kasi, kawawa naman si yaya kung didistorbohin ko pa. Di bale ite text ko na lang si Tesa mamaya para hindi na siya mag abala pang magluto. Ibibilin ko nalang muna si rabbit sa kanya.
Tapos na akong naligo kaya ginising ko na si WB.
"I came in like a wrecking ball! *BOOM* I never hit so hard in love! *BANG* All I wanted was to break your walls! *BOOGSH* All you ever did was wre-e-eck me! *BOOM* Yeah, you, you wre-e-----"
"SHUT UP!!!"
Sabi na eh, magigising yan. Kinanta ko na kaya with kalampag sa door. Mukha na akong gumagawa ng parody dito. Yun din ginawa nya dati, patas patas lang. Haha. Kapag di pa yun nagising ewan ko na lang.
Teka, napansin kong nagiging wake-up call na yata namin tong kantang to?
Bigla syang humarap sakin with a murderous look. Creepy. Nginitian ko sya ng pagkalapad lapad at hinawakan sa balikat gamit ang aking dalawang kamay. Bigla siyang kumalma, nagulat naman ako dun. Anyare? Kanina lang halos katayin nya na ako, ngayon biglang lumambot ang expression nya tapos nginitian din ako. Nakakapagtaka talaga. Kaya ayun, binitiwan ko nalang sya agad. Creepy. Bipolar ba siya?!
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________