STOF STEPHENSON'S POV
"Naku, ikaw Stephen, nagbibinata ka na talaga! Ingatan mo yang anak ko dahil masyadong emo yan! Kulang na lang eh mag bangs at mag eyeliner with matching metal earings! Naku talaga! Ingatan mo ang pagkakahawak jan! Wag mong diinan at wag mong itutulak dahil napakadali masaktan niyan! Ikaw talagang bata ka, habang tumatagal mas nagiging tahimik ka at mas nagiging makulit. Buti naman at hindi ka masyadong tinatarayan ng anak ko. Alam mo kasi dati eh sobrang sungit niyan pero bumait siya ng makilala ka niya. Eh paano ba naman, dinaig mo ang pagka moody at mataray niya. Naalala ko pa dati ang palagi niyang line ay, 'Maganda kasi ako at ikaw hindi.' aba'y tama nga naman yun. Mana kasi sa mommy niyang magand---"
"Mom?"
Hello, ladies? I'm here pa kaya! Hindi ako invisible, teh!
"Kita mo yan, Stephen? Nagpapa-humble effect na naman siya. Tanda ko pa nga dati nung medyo bumait na siya sinabi niyang, 'Hindi na yun kailangang sabihin, obvious naman na na maganda ako eh.' with matching roll-eyes pa yan ha! Hindi ko nga alam saan nagmana ang katarayan niyan eh kasi napakabait naman namin ng tito mo pero siya, ewan ko. Siguro namana niya ang katarayan sa aso namin dat---"
"MOM?"
"Aba, aba! Dati pa man ay nagagalit agad yan sa tuwing sinasabi kong baka nagmana siya sa aso namin. Napakapikon niya. Wag ko daw kausapin ang boyfriend niya at baka kung anu-ano na naman ang masabi ko. Tsk. Tsk. Sabi niya pa nga, 'Mom! Mukhang mas okay pa kung sasabihin mong nagmana ako sa mga tanim niyo sa garden--sa mga daisy at orchids mo.' sabi pa niya na, 'Walang binatbat ang beauty ng isang Japanese garden sa beauty ng isang Nova Jane--'."
"MOM?!"
"Okay, okay. Kailangan na naming umalis ni Nova at mag ma-malling pa kami. Pwede ka namang sumama sa amin Stephen, yun ay kung ayos lang sayong samahan kami doing our girly things like shopping, salon, and the likes. Pwede ka rin namang mag-stay if you want."
"U-uhhmm." tinignan ko si Nova.
Help me, girl!
"Ah, mom! Stof needs to go home now. Ciao! Let's go Stof, hatid na kita."
Sabi ni baby girl tapos hinila na ako. Pagdating namin sa labas,
"Thank you, baby girl. Buti na gets mo!"
"Of course! You know how brilliant am I."
"Here we go again." I said as I rolled my eyes.
"Hahaha. Fine. Just thank me because I saved your gay soul."
"THANK.YOU.HA. Para namang ikaaangat yan ng bansang Pilipinas! FINE! Bye na, girl!" I said tapos nag beso-beso kami.
_____________________________________
ELLE MADISSON'S POV
*sigh*
Kararating lang ni Stof. Obviously, magkasama na naman sila ni Junk Food. At talagang half day siya dun? Hapon na kasi.
Tinignan ko siya habang naglalakad papasok ng bahay, masakit parin. Kaya nga nag mo-move on, diba? Sinabi ko sa sarili ko nung nakaraang araw na last na yun. Oo, nahihirapan ako, pero last na talaga yun.
Ano kaya ang katotohanan behind those girly things? I need to know the truth para na din mawala na ito sa isip ko at matahimik na rin ako, para tuluyan na nga siyang mabura sa isip ko.
Pumunta ako sa malapit na grocery store at binili ang mga kakailanganin ko para sa plan ko at pagkatapos, umuwi na ako.
"STOF!" tawag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________