Salamat sa bumasa, nagbabasa, at magbabasa. :)
_____________________________________ELLE MADISSON'S POV
04:30 pa lang ay nasa tabing dagat na kaming lahat. Naka upo at nakatitig sa dagat. Lahat ay tahimik at tila nagda-drama.
Mga ilang minuto din ang lumipas nang amin ng nasilayan ang ganda ng araw. Nagiging color yellow with the shade of orange ang kalangitan. Ang dagat ay nagmistulang gintong nagniningning.
WOW lang ang tanging masasabi ko. Bago pa man mawala ang captured moment na to, nagpicture picture pa muna kami.
May mga bagay kasi talaga na sadyang panandalian lang.
Wacky, formal, jump shot, kunwari-emote-shot, nakatingin-sa-taas-shot, kunwaring-may-tinuturo-shot, at kung anu-ano pang shot ang ginawa namin. Pati mug shot ay pinatos din namin.
Nang mawala na ang sunset ay kumain na kami. Dun naman kami sa Heaven's Delight. Ang inorder ng halos lahat sa amin ay bacon. Amoy pa lang masarap na.
Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad kami. Stone bricks na may irregular forms ang pathway dito na may mga palm tree sa gilid.
Napadaan kami sa garden. Dadaan lang sana ang plano ko dito kaso biglang pumunta si best doon at sinundan naman nila. Magpapa picture lang pala. Grabe teh, 20 minutes na kami dito pero hindi pa sila tapos. Naki picture na lang din ako. Ang ganda ko kaya at ang ganda rin kasi ng garden, bagay kami, parehong maganda.
Iba't ibang flowers ang makikita mo dun. May mga plants, crawling, aerial, and ground. May trees pa at benches.
Sa center naman ng garden, makikita ang isang fountain na may dolphin sa gitna na bumubuga ng tubig. Buti nga hindi si cupid na bumubuga ng tubig sa 'ANO' niya ang nakalagay sa fountain eh. Naku, wag lang talaga magaya sa UP Statue at baka mapuno ng mga malalanditerang magpapapicture dito.
At siyempre,
ang mga bulaklak dito halatang mamahalin at uncommon. Alangan namang santan o kaya euphorbia ang nakapalibot sa dolphin fountain diba? Kawawa naman ang mamahaling fountain niyan, bigyan naman ng hustisya.
After 42489347471280752980 years, natapos na din sila, sa wakas.
Anong oras na nga ba? Pagtingin ko sa phone ko, 8:45 na pala? Ang bilis ng oras.
Bawat dinadaanan namin humihinto sila kaya kami natatagalan.
*Heaven's Desire*
Pumasok kaming lahat dun.
Ganito pala ang feeling.
Ang gaan sa pakiramdam. Ang galing ng mga kamay nila.
Nakahiga ako sa parang kama at nakatalikod.
Nakakalito. Hindi ko malaman kung ano ang mangingibabaw, ang sakit o ang sarap? Pwede ba both?
Ang tagal namang matapos. 1 hour na. Ganun siguro talaga kasi nahihirapan pa sila. Di bale, na-eenjoy ko naman eh, naming lahat. Ang pinakasasaya dito, yung boys. =_=
Fudge, ang sarap.
Tumayo na ako at sinuot ang damit ko.
Nakakarelax talaga. Mukhang nagka muscle pain pa yata ako dahil sa pag swimming kahapon. Ang sakit lang nung hinilot nila.
Lumabas na ako sa massage parlor na yun. Paglabas ko nandun si WB sa labas.
"Di ka ba pumasok?" tanong ko. Bakit kaya?
Umiling lang sya as a response at umiwas ng tingin. If I know, nahihiya na yan sa pagtawag sa akin ng FLAT. Hahaha.
"Wag ka ngang tumawa dyan. Para kang sira."
BINABASA MO ANG
Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]
RomanceWould you mind falling in love, ng paulit-ulit? NOTE: This story is under major revision but you can read it if you want. _____________________________________ COPYRIGHT (c) 2014 by GUIANGEEE ALL RIGHTS RESERVED _____________________________________