CHAPTER 6: JOHNNY BRAVO

38 4 0
                                    


Don't forget to:

VOTE.

COMMENT.

FOLLOW.

_____________________________________

ELLE MADISSON'S POV

Nakaka-stress yung scene sa canteen kahapon. Masyado akong maganda para i-bully. No way. Hindi ang mga tipo niya ang babawas ng ganda ko dahil hindi naman talaga ito nababawasan.

Hay. uuwi na naman ako. Jeep ulit.Sinubukan ko ngang paki usapan si mommy eh. Andaming sinasabi, tamad daw ako, irresponsable, dependent, ek-ek chuchu. In the end, no choice pa rin ako. Mamumuti na ang mata ko sa init dito.

Kanina nga, may dalawang nag aagawan para lang maka tabi ako, oh di ba ang haba ng hair ko! Dinaig pa si Cleopatra!

Naglalakad na ako pauwi sa bahay ng may mapansin akong kahina-hinala. Pag baba ko ng jeep at pag tawid ko, meron nang sumusunod sa akin. Siguro naman na timing lang to, kasi na man baka tatawid rin. Hindi ko nakita ang mukha nya e.

*lakad. lakad*

Kinakabahan na ako ng makitang nakasunod pa rin siya. Ilang beses na akong lumiko pero nandiyan parin siya. This is not funny anymore. Laking tuwa ko ng bigla siyang huminto. Buti na man at huminto sya sa tindahan di kalayuan sa bahay.

Papasok na ako ng bahay ng biglang sumulpot sa akin ang likod ng lalakeng iyon. Na recognize ko siya sa suot niyang black Skinny Jeans, black rubber shoes, at black shirt with black leather jacket. Bigla akong kinabahan. Baka naman si Kenjie to ng She's Dating The Gangster! Teka, maiksi ang buhok niya, hindi 'to si Kenjie. Naalala ko tuloy yung movie, Men in Black. Ganitong ganito rin yung napanuod ko sa TV.

"Aaaahhh!!" nagmamagandang sigaw ko.

"Tumahimik ka!" sabi ni mister unknown at tinakpan ang bunganga ko.

Anong gagawin niya sa'kin?!

"AAAAAH!!" sumigaw pa ako ulit ng mas malakas kaya hinigpitan niya pa ang pagkakatakip sa bunganga ko. Nahihirapan na akong huminga. Balak ba akong patayin nito?!

Sa naisip ay bigla akong nataranta. What if mamamatay na nga ako? As in, now na? Hindi ako makakapayag na mamatay ng virgin!

Tiningnan ko ang paligid ko para humanap ng paraan upang makaligtas. Sa halip ay muscles niya ang nakita ko. Napa 'wow' pa ako. Naalala ko lang na bad guy pala siya ng nahirapan na talaga akong huminga.

Kinagat ko ang daliri niya para mabitawan niya ako at nagtagumpay naman ako.

"Aaaaah!" at siya naman ang napasigaw ngayon.

Tatakbo na sana ako para tumakas ng bigla niya namang hilain ang bag ko kaya napaatras ako pabalik sa kanya.

"Where are you going, miss?" sabi ng isang malalim na tinig. Sa pagkabuo ng boses niya eh nanindig ang mga balahibo ko.

Unti-unti ko siyang nilingon at sa halip na matakot ay nagulat pa ako. Kilala ko tong taong to eh!

"I-ikaw si ..." nakamulat na sabi ko.

"Tama ang hinala mo miss." sabi niya.

"SINASABI KO NA NGA BA! IKAW SI JOHNNY BRAVO!!" napasigaw pa ako sa gulat. Siya yung kaklase kong mahilig lumapit sa mga babae, gaya ni Johnny.

"Yes, miss. Can I get your number?" sabi niya at ginaya pa ang famous line ni Johnny. Sabay kaming nagtawanan.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" nagdududang tanong ko.

"Bibisitahin ang kaibigan ko. Eh ikaw, ba't ka nandito?" nagtatakang tanong niya.

"Huh? Eh dito ako nakatira eh." takang tanong ko rin.

"What? So you are his new housemate?" nagulat pa siya.

"What do you mean?" ang weird talaga ng isang to.

------- sa loob ng bahay -------

Ngayon malinaw na sa akin ang sinasabi nung classmate ko kanina. Yung balahurang may attitude problem ang housemate ko. Kung minamalas ka nga naman.

Sa dinami-dami ng bahay sa mundo bakit dito pa! Kainis naman.

"Hoy, tumabi ka jan! Dadaan ako!" pabalang na sabi ko sa kanya. Lahat na yata ng inis ko ngayong araw ay itinapon ko na sa kanya.

Inaasahan ko siyang tumabi pero hindi niya ginawa. Magaspang talaga ang ugali ng isang 'to.

"Alam mo, sa panahon ngayon, hindi na uso ang quote na 'ladies first' kaya tumabi ka." sabi niya sabay tulak sa akin

Sa sobrang inis ay tinapunan ko siya ng sapatos.

"Aray!"

Napatawa tuloy ako ng malakas. Masyadong emosyonal ang pagkakasigaw niya ng "Aray!".

Paulit-ulit, Na Naman? [De Javu]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon