3

21 0 0
                                    

Chapter 3: Seatmate.

Athena

"So tell me Athena, how are doing this past few days?" Biglang tanong sa akin ni Psyche.

Sabay sabay kaming kumakain ngayon, si Travis naman ay tahimik lang na sa katapat na upuan ko.

Humarap naman ako kay Psyche at nginitian siya, "Okay naman." Maikling sagot ko.

Naramdaman ko naman ang pagtitig sa akin ni Travis kaya agad akong napatingin sa kanya, habang siya naman ay nakangisi lang.

Pinandilatan ko siya ng mata baka kasi sabihin niyang halos naglalasing lang ako.


Napailing na lang 'to at ipinagpatuloy ang pagkain.

Bigla ko naman naalala 'yong naging usapan namin kahapon, "Sino pala 'yong sumagot sa tawag ko sayo kahapon?"

Nasamid naman siya at biglang humarap sa akin habang nagkakamot ng batok, nagdadalawang isip kung sasabihin ba sa akin o hindi.

Agad naman akong umiling, "N-No. Wag mo na lang sabihin." Mabilis na pagbawi ko.

Naramdaman ko ang biglang paghapdi ng aking mga mata kaya naman itinuon ko na lang ang pansin ko sa kinakain ko.

Matapos kumain ay si Travis na lang daw ang maghuhugas habang si Psyche naman ay dumiretso sa kabilang kwarto para magpahinga na.

Napatingin ako kay Travis at kitang kita na hindi siya marunong maghugas.

Natatawa ko siyang nilapitan at kinuha 'yong sponge sa kamay niya, "Really Travis? Sige na ako ng bahala dito." Sabi ko at saka siya nginitian.

Pero hindi 'to umalis o magsalita man lang kaya tinignan ko siya habang siya naman ay nakatingin sa mga pinggan.

"Just wash it, I'll watch you." Maikling sagot nito at umupo sa may ibabaw ng lababo.

Umiling na lang ako at nagsimula ng maghugas, "Ano nga palang course ang tinitake mo?" Tanong ko sa kanya.

"Info Tech."

"What?!" Biglang tanong ko sa kanya.

"Uh-huh." Inosenteng pagtango nito.

Natawa na lang ako habang umiiling.

Nangunot naman ang noo nito, "Why? What's wrong with my course?" He asked innocently.

"Nothing, it's just that I'm taking the same track as you." I explained.

"How about him?"

Kumunot naman ang noo ko habang naghuhugas, "Who?" I asked as I glanced at him.

"Psyche." Pagbanggit nito sa pangalan ng natutulog ng si Psyche.

"BM."

Tumango tango naman ito at tinulungan akong ilagay sa mga lalagyan 'yong hinugasan ko.

Tunalikod na 'to at pumunta sa kwarto niya.

Naghilamos lang ako sandali at dumiretso na din sa kwarto ko.

Nahiga ako habang nag-iisip kung ano nga ba ang gagawin ko bukas kasabay ng pagbigat ng talukap ko habang may ngiti sa aking mga labi dahil sa wakas ay nagkaroon na kami ng small talk ni Travis.

--

"Wake up, Athena." Ani ng isang tinig habang tinatapik tapik ang braso ko.

But instead of waking up I pulled my blanket up to my head.

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon