39

14 0 0
                                    

Chapter 39: Photographs.

Athena

5 months. 5 months ko ng hindi naririnig ang boses niya ang pagtawa niya, limang buwan ko ng hindi nasisilayan ang mga ngiti niya.

Natapos ang taon na nakahiga siya ss hospital bed, nagpasko siyang nakahiga sa hospital bed. Nag title defense akong magisa, it's a good thing na pinayagan ako, kami ni Travis dahil naiintindihan daw nila at alam daw nilang kayang kaya ni Travis mag isa kung sakali.

Mas isinubsob ko ang sarili ko nung mga panahon na 'yon para tapusin 'yong thesis pati na din ang system namin. Ngayon naman ay demo teaching daw.

Napabuntong hininga naman ako at pinagmamasdan ko ang napaka amo niyang mukha. "Kailan ka ba gigising Travis? Miss na miss na kita." Bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya.

Mahaba na 'to tapos medyo mahaba na din 'yong balbas niya. Wala na 'yong benda niya magaling na din ang mga sugat niya.

Hinalikan ko ang noo niya at pinagdikit 'yon. "Mahal kita Travis." Bulong ko sa kanya kahit alam ko sa sarili kong wala akong makukuhang sagot.

Naging malapit kami ni Katlene at minsan ay dumadalaw dalaw siya kay Travis. Sila Cassandra naman ay hindi makapunta dito dahil sa sobrang busy nila sa school.

Lumabas muna ako at naglakad papuntang rooftop. Dito ako laging dinadala ng mga paa ko tuwing lalabas ako galing sa kwarto niya para ilabas 'yong sakit. Sakit at bigat na nararamdaman ko, minsan nga naisip ko na ding sumuko pero everytime na naaalala ko lahat ng pinagdaanan namin ay lumalakas ulit ang loob ko.

Sapo sapo ko ang ulo ko habang umiiyak dahil any moment ay mag bre-break down na ako.

"It's okay to cry because your a human."

Napatingin ako sa nagsalita. "Ganyan naman talaga ang ginagawa natin diba? Pag sobra sobra na 'yong sakit at bigat na ng pasan pasan natin."

Nakatingin siya sa malayo habang ako nakatingin lang din sa kanya. "Ate Winzy." Bulong ko at tumakbo palapit sa kanya.

Sinalubong naman niya ako ng yakap. She's been out of the country at kakabalik lang niya. "I've missed you Athena, masyado kang pinapahirapan ng kapatid ko ah." Biro nito na ikinatawa namin.

"Saan ka ba kasi galing Ate?" Tanong ko sa kanya.

Nakatingin na 'to sa akin at halata kong iba ang tingin niya hindi ko maipaliwanag kung ano ba 'yon. "W-Wala naman may inasikaso kasi ako."

Tumango lang ako. "How much do you love my brother Athena?"

Napatingin naman ako sa kanya. Bakit ba ganito siya makatingin sa akin? "Sobrang mahal na dadating sa puntong hindi ko kakayanin ang mawala siya."

She smiled weakly and turned her back. "Balik ka na doon Athena, dadaan ko lang si Matty."

Si Doc Mathias Madrigal, hindi ko alam kung anong meron sila pero bagay sila.

Gaya ng sabi ni Ate Winzy ay bumalik na ako sa kwarto ni Travis, naabutan ko naman 'yung nurse na naka assign kay Travis kaya nilapitan ko siya.

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon