31

9 0 0
                                    

Chapter 31: Well played.


Athena

Buong weekend na nasa apartment si Drake na walang ibang ginawa kundi pagtripan at pagtawanan ako.

"Seryoso ako Drake. Nakakasawa na mukha mo!" Natatawang sabi ko habang pinapanuod siyang magluto.

Tanghali ngayon at linggo na. Samantalang si Drake ay umuwi lang kahapon para kumuha ng damit dahil dito na daw muna siya.

Tumingin naman siya sa akin saglit bago ituloy ang ginagawa. "Baka nga hanap hanapin mo kagwapuhan ko eh."

"Asa ka naman!" Bulyaw ko sa kanya.

Sabay kaming natawa dahil sa kung ano ano na pinagsasabi namin.

Sumandok siya ng kaunting sabaw at lumapit sa akin. "Here. Taste this para malaman ko kung anong kulang."

Tinikman ko naman 'yon at saka nilasahan. "Dagdagan mo pa ng sili para mas masarap." Suggestion ko naman.

Tumango tango lang siya at muling naghiwa ng sili na idadagdag sa bicol express na niluluto niya.

"Alam mo kasi Athena pwede mo naman akong tulungan dito eh. Tumayo tayo ka naman lagi ka na lang nakaupo kaya tumataba eh." Pang aasar niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Wow! Hiyang hiya ako sayo ha. Kaninang tumutulong ako halos itali mo na ako para hindi na mangialam at maupo na lang tapos ngayon magrereklamo ka."

Bahagya naman siyang natawa sa kalokohan niya. Sarap lang upakan nito eh.

Matapos niyang magluto ay inayos ko na ang hapag kainan. Magsisimula na sana kami ng lumabas si Travis sa kwarto niya kasunod si Kria.

Ngumiti naman ako dahil hindi na ako bitter thanks to Drake na laging nandito sa tabi ko. "Kumain na ba kayo? Tara saluhan niyo kami." Pag anyaya ko sakanila.

Tinignan naman ako agad ni Drake ng sabihin ko 'yon para bang tinatantya kung ayos lang ba ako dahil sa sinabi ko. Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.

Tumayo ako at kumuha ng extrang plato, kutsara tinidor at baso tinulungan ako ni Drake habang ginagawa 'yon.

Nagsimula na kaming kumain ipinagsandok ako ni Drake ng kanin. Nakita ko namang nakatingin si Travis sa amin.

"Anong ipapangalan natin sa baby natin sweetie?" Malanding tanong ni Kria kay Travis habang sumusubo ito.

"Ikaw bahala." Malamig at maiksing sagot nito.

Napailing na lang ako sa sinagot ni Travis. "Here sweetie este Athena."

Natatawang isinubo sa akin ni Drake ang kutsarang may lamang kanin, maski ako ay natatawa dahil sa pag gaya ni Drake kay Kria.

Tumaas naman ang kilay ni Kria sa amin at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.

Tahimik lang kaming kumain dahil ang awkward na andito 'yong dalawa at kasabay namin. Hindi na din naman umimik si Drake dahil busy siyang kumakain oo as in ang dami nga niyang kinain eh parehas sila ni Travis.. I.. I mean matakaw talaga si Drake.

Nang matapos kaming kumain ay nauna ng tumayo si Kria kaya kaming tatlo na lang naiwan dito.

Tumayo na rin ako at magliligpit na sana ng pinagkainan namin ng biglang hinawakan ni Drake ang kamay ko at kunin ang kutsarang kakahawak ko pa lamang.

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon