5

13 0 0
                                    

Chapter 5: Stay in.

Athena

Gaya ng nakakasanayan ko ay maaga akong bumangon para magluto ng breakfast.

Kasalukuyan akong nagluluto ng itlog nang biglang may naramdaman akong presensya sa tabi ko, paglingon ko ay nakita ko si Travis na pinapanuod 'yong ginagawa kong pagluluto.

Hindi ako mapakali, bigla akong nataranta at sa hindi inaasahan ay napaso ako.

"Sh*t." Mahinang bulong ko at pinatay 'yong stove.

Palakad na sana ako papuntang sink ng bigla akong hilain ni Travis.

"I'll put some ice on it." Hinila niya ako papunta sa may ref at inilabas ang yelo doon. "Careless." Bulong nito.

Tinititigan ko ang ginagawa niya at naramdaman ko ang pag init ng mukha ko.

"It's okay now Travis." Bulong ko, sapat na upang marinig niya.

"You rest, I'll cook." Sabi nito at inalalayan akong maupo.

"But.." hindi niya ako pinatapos at tinalikuran na ako di naman kasi siya marunong magluto eh!

Muli niyang sinindihan ang stove at sinimulan magluto, pinanuod ko lang siyang magluto ng itlog habang tinitignan kung luto na ba 'yong kanin.

Matapos ang itlog ay sinunod naman niya 'yong hotdog.

"Travis! Sunog na!" Sigaw ko sa kanya at minadaling lumapit sa kanya para patayin ang stove.

"Sorry.." bulong nito.

Pagtingin ko sa hotdog ay tusta na 'to.


"Traaaaaavis naman eh." Maktol ko sa kanya at di ko mapigilang ngumuso.

Sinandok ko na lang 'yong hotdog, pwede pa naman 'tong kainin.

Nagsandok na ako ng kanin at kinuha ang hotdog na niluto niya.

"That thing cannot be eaten anymore.  Just throw that away." Cold na sabi nito.

"Masamang magtapon ng pagkain. Here." Sabi ko at inilagay 'yong itlog sa plato niya.

Tinanggal ko na lang 'yong balat at sinimulan ng kumain.

Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Travis kaya naman tinignan ko siya.

"Why?" I innocently asked.

"Nothing." Then he started eating.

Ang kalat niya pala kumain, hinarap ko ang mukha niya sa akin at inalis 'yong nagkalat na kanin malapit sa labi niya.

Bigla naman akong natigilan dahil sa ginawa ko. Shemay!

Agad ko naman siyang binitawan at tinapos na ang kinakain ko.

Nauna na akong pumasok at di na siya hinintay ni di nga kami nagsasabay, kahit da pag-uwi eh.

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon