15

12 0 0
                                    

Chapter 15: Hatred.

Athena

Lutang at wala sa sariling umuwi ako sa apartment namin. Naabutan ko naman si Travis na nakasandal sa may tapat ng pinto. Travis..

Napatingin siya sa akin at umayos ng tayo. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Damang dama ko ang paninigas ng katawan niya dahil sa pagkagulat, "Hey. What's wrong?" Tanong nito at ginantihan ang yakap na ibinibigay ko.


Sometimes hug is what all you need para maibsan ang sakit nararamdaman mo.

Yes, I've decided na dumistansya na muna sa kanya, pero pwede bang time out muna? Di ko pa kaya eh. Lalo na ngayon dahil sa nalaman ko.

Hindi ko mapigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan nung nasa hospital pa ako. Masakit na malaman na may memorya akong nakalimutan. Pakiramdam ko hindi ako mabubuo kung wala 'yon.

Nadama ko ang pagkalas niya, "Please 5 more minutes.." bulong ko sa kanya. "I badly needed one T-Travis." Hagulhol ko.

He tapped my back, and caressed my hair, "Hush down now Athena. Tell me what's wrong?" Mahinahon niyang tanong.

This is the second time na tinawag niya ako by my first name una is 'yong tinakot siya ni Andrea and now.

Mas naiyak ako ng maalala 'yong mga pinagusapan namin nila Doc Madrigal at Velasco.

Mas lalong napakapit ako sa batok niya dahil parang hindi ko kakayanin pang tumayo.

Binuhat ako bigla ni Travis, at binuksan nito ang pintuan. Ang tahimik ng apartment namin. Bakit parang walang tao?

Napansin yata ni Travis ang biglang pagtahimik ko, "Emergency they said. I've been calling you for hours to tell you that they are leaving today." He explained.

That's why he's been trying to reach me.


"Sorry.." Bulong ko.

He just sighed, "You should rest Miss Villanueva." Cold na utos nito habang tinatahak ang daan papunta ng kwarto ko.

Tumango lang ako bilang sagot.


Kelangan kong lumayo kay Travis dahil pag hindi ko ginawa 'yon, I might crave for him even more. Ayokong maging selfish at angkinin siya.

Yumakap ako one last time dahil pakiramdam ko ito na ang huling beses na mangyayari 'to.

"T-Travis? Is it okay if you stay with me? U-Until I fall asleep." Nagsusumamong tanong ko.

Tinitigan niya ako sa aking mata at tyaka ngumiti, itong ngiting 'to sana palagi kong masilayan.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan siyang paglaruan ang aking buhok, pero hindi ako makatulog nahihirapan akong matulog.

I heard him sigh, "What's the matter now Selene? You're always like this everytime there's something bothering you." Bulong nito sa kawalan.

Pakiramdam ko ay mawawalan ako nh hininga, Selene? He never called me Selene, I've never told him my second name, at hindi ko din 'yon sinusulat sa kahit na anong papel.

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon