12

11 1 0
                                    

Chapter 12: Diana.

Athena

Gising na ako pero ang katawang lupa ko ay tulog pa.

Naalala ko naman ang nangyari kahapon at kagabi, magkahalong sakit at tuwa pero mas nangingibabaw pa rin ang tuwa.

Sakit dahil sa kinahinatnan namin ni Psyche, at tuwa dahil dinamayan ako ni Travis.

Hindi ako mapakali lalo na ng may naramdaman akong mabigat na nakadantay sa akin, dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nanlalaking matang napatingin ako sa katabi ko.

What the f*ck is he doing here?! Gusto ko mang sumigaw ay tila may pumipigil sa akin. Napatitig ako sa mukha niya at maingat kong brinush ang makapal niyang kilay.

Mukha siyang anghel kapag tulog, ang sarap titigan ng mukha niya.
Makapal na kilay pero hindi sabog, mapupulang labi, matangos na ilong, medyo singkit na mata, at ang nunal sa ibabang bahagi ng kanang mata pati na rin ang malapit sa labi nito. He really do look handsome.

"I can give you a picture of mine, if you like." Nakangiting saad nito habang nakapikit.

Nanigas naman ang daliri ko at hindi agad nakakilos.

Hinigpitan nito ang yakap sa akin at napakurap ako ng tatlong beses.

"Kapal naman ng mukha mo. Wag na! Saksak mo sa baga mo yan. Bakit ka ba nandito?!" Naiinis na tanong ko.

Iminulat nito ang mga mata niya at tumitig sa mga nanlilisik kong mata.

He hug me again this time mas mahigpit, "You were trembling in cold last night thirty minutes after you fell asleep. I was worried, kaya niyakap kita para mainitan ka."

He was worried. Bago 'to ah, "Then you could've left after that." I said as my eyebrows narrowed.

He smile mischievously, "I fell asleep." Maiksing sagot nito.

Maski ako ay napangiti sa kapilyuhan nito, "You can let go of me now Travis, thank you again. "

"Can't we stay like this for awhile? I'm still sleepy."

I don't know what happened to him but I am happy knowing that he can be this sweet. I wish I could always see this side of him.

"But we have a class pa." I said as I pouted my lips.

Napailing naman 'to at hinipo ang noo ko, "You can't go to class today, you need to rest." Sabi niya habang tumatayo.

Nangunot naman ang noo ko, "No. I can't just ditch classes."

Sinamaan naman ako nito ng tingin, "I said, you can't go to class because you're still sick. I'll just lend you my notes."

Hindi ako mananalo sa kanya kaya naman pumikit na lang ako ulit. Pero agad din akong dumilat dahil walang makakain si Travis bago siya pumasok. Late din gumigising ang mga kaibigan ko kaya for sure walang magluluto.

Tumayo ako at pumunta sa kusina, narinig ko naman ang tubig sa banyo ibig sabihin naliligo na siya.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang paglabas niya. Napatingin ito sa akin at napailing.

"Stubborn."

Napangiti na lang ako at ipinagpatuloy ang pagluluto. Inayos ko na rin ang babaunin niya.

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon