4

22 0 0
                                    

Chapters 4: Laboratory.

Athena

I woke up early this morning dahil ako ang nagreready ng breakfast namin, while Travis is the one in charge of washing the dishes.

It's been one week simula nung pumasok ako and now, meron kaming laboratory activity.


Matapos kong magluto ay wala pa ring Travis na lumalabas. Tsk. Tulog mantika talaga.

"Travis? Kakain na, bumangon ka na dyan at baka malate pa tayo." Sabi ko habang kumakatok sa pintuan ng kwarto niya pero wala pa ding sumasagot.

Pinihit ko ang seradura buti na lang at hindi siya naglo-lock, nakita ko siyang nakadapa at mahinang humihilik.

He's really true tp himself, wala siyang arte sa katawan niya.

Nilapitan ko naman ang kama niya at niyugyog siya, "Travis?" Muling pagtawag ko sa pangalan niya.

Tanging ang ilaw galing sa lampshade niya ang nagsisilbing ilaw ko dahil sarado ang kurtina niya, madilim sa kwarto niya pero nakakarelax ang ambiance.

Tinitigan ko ang mukha niyang natutulog at hindi ko maipagkakaila ang kagwapuhan niya, ang dami nga may gusto sa kanya na ka bloc namin eh.

Trinace ko ang hintuturo ko sa ilong niya papunta sa pisngi, di ko napigilan na pisilin ito na siyang naging dahilan ng pagmulat ng mata niya.


"Villanueva!"

Natawa naman ako sa reaksyon niya kaya mabilis akong naglakad papuntang pintuan, "Come Travis. It's time to eat na." Pagtawag ko sa kanya.

Hinanda ko na ang mesa at naglagay ng dalawang plato at dalawang baso. Naglabas na din ako ng tubig at nilabas ko 'yong gatas ko.

Lumabas naman siya at dumiretso sa sink para maghilamos. Sabi sa inyo diba? Wala siyang arte kaya sa sink naghihilamos yan at hindi si banyo.


Kumain lang kami pareho habang ako ay nirereview 'yong mga notes ko.

"It's better if you finish your food first. You can review your notes later." He said coldly.

Ibinaba ko naman ang notes ko at inubos ang pagkain ko. About his coldness? Sanay na nga yata ako eh.

Tapos na din siyang kumain kaya naman tumayo na ito at kinuha ang pinagkainan namin, hinugasan ko na kanina 'yong mga ginamit ko kaya konti na lang 'yong huhugasan niya.

Dumiretso na muna ako sa banyo at nagsipilyo habang siya ay naghuhugas.

Matapos naman ay naligo na siya, habang ako ay kinuha na ang gamit ko at nag-iwan ng sticky note sa pinto niya saying, "Nauna na akong pumasok, dalian mo na lang because we have a laboratory activity."

Dumiretso na ako agad sa building namin, ito yung building kung saan nakalagay ang lahat ng computers na ginagamit ng buong campus, except sa internet laboratory na nasa kabilang building naman.

Minutes have passed at nagsisidatingan naman ang mga kaklase namin.

Nang dumating si Travis ay siyang pagdating din ng prof namin.

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon