36

12 0 0
                                    

Chapter 36: Travis.

Athena

Niyakap ko ng mahigpit si Travis ng sabihin ko 'yon sa kanya. I know that he'll wait for me.

Unlike any typical love story, our moment was destroyed because of a can.

A can that been kicked by a furious young man, young man na walang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako.

"So iiwan mo rin pala ako, Athena?" Naramdaman ko ang galit at paghihinagpis sa boses niya.

Nakaramdam ako ng takot. "D-Drake.." Nanginginig na pagtawag ko sa pangalan niya.

Itinago ako ni Travis sa likuran niya dahil kagaya ko ay nadama din niya ang galit sa kanya.

"Sumagot ka!!" Sigaw niya sa akin.

Pakiramdam ko ay tumakas ang kaluluwa ko dahil sa biglaang pagsigaw niya sa akin.

"I.. I'm sorry D-Drake.." bulong ko.

"Fvck, Athena! Akala ko iba ka!" Umiiling na sigaw niya. Galit siya. Malamg! Sino bang hindi? "Sinundan kita nung nakita kitang tumatakbo habang umiiyak tapos dahil lang pala dito?!"

"D-Drake.."

"Totoo nga ang sinasabi nila. Punong puno ka ng kalandi--"

Hindi na natapos ang sinabi niya dahil sa biglang pagsampal ko sa kanya. "Alam mong hindi totoo yan! Dahil alam mong sa umpisa pa lang si Travis talaga ang mahal ko!" Sigaw ko sa pagmumukha niya.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nakita ko kung paano dumilim ang mukha niya kasabay ng pagsiklab ng galit sa mga mata niya.

Napaupo na lang ako sa sahig ng mabitawan niya ako dahil sa pagsuntok sa kanya ni Travis. "You don't have the rights to say and do that to her!!"

Nagkakainitan na sila habang ako walang ibang ginawa kundi umiyak lang. "T-Tama na." Awat ko sa kanila.

Hindi nila ako pinakinggan at sinugod ni Drake si Travis.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari lumakas ang pagsugod niya kaya nawalan ng balanse si Travis at ngayon ay nakasabit siya sa railings.

"No! Drake tumigil ka na!!" Sigaw ko.

Pero hindi niya ako pinakinggan nakasabit ang dalawang kamay niya at wala akong magawa. Wala nanaman akong magawa.

"Ikaw lang naman balakid sa aming dalawa ni Athena eh." Sabi nito at inapakan ang kaliwang kamay.

Napaiwas ako ng tingin ng dumaing si Travis sa sakit. Hahayaan ko lang ba siyang mamatay? Heck no!

"Pag nawala ka ngayon, mapapasa akin na siya habang buhay." Saad nito at tumawa pa ng malakas.

"You're crazy! Hindi ako magiging sayo! Never!" Sigaw ko.

Humarap siya sa akin at nakita kong galit na galit ang mukha niya parang hindi siya 'yonh Drake na nakilala ko noon.

Humarap siya ulit kay Travis. "Kasalanan mo 'to eh. Kasalanan mo kung bakit hindi ko makuha si Athena."

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon