14

17 0 0
                                    

Chapters 14: Result.

Athena

After I take my exam ay umalis na ako kaagad at hindi na hinintay pa si Travis.

Hindi naman ganun kahirap 'yong exam pero natatagalan si Travis, di ko alam kung sinasadya niya ba 'yon o ewan. Magaling naman siya eh.

I'm heading to the hospital para sa appointment ko.

Kahit na ano mang sakit ko tatanggapin ko 'yon.


Sumakay na ako sa jeep at tumingin lang sa bintana.


Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko at ang pag flash ng pangalan ni Travis sa screen. He's calling me.

Di ko 'to pinansin at inilagay sa bag ko ang cellphone ko.

Nang makarating ako sa hospital ay dumiretso ako sa nurse station.

Sometimes you need an advice from the experts para naman alam mo kung ano ba talaga nangyayari sayo.


"Excuse me, may appointment kasi ako kay Mr. Madrigal, may I know where is his office?" Magalang na tanong ko.

Tumingin naman 'to sa akin bago tumingin, "May I know your name Mam? Para po ma-check namin 'yong list."

"Athena Villanueva."

Tumingin naman 'to sa akin at parang gulat na gulat pa. Why? Masyado bang maganda pangalan ko? Hahaha. Just kidding.

Ngumiti naman ako na naging dahilan ng pagkurap kurap niya. Ngumiti na din 'to at tinignan ang monitor niya.

"Nurse Maesi, pakisamahan naman si Miss Athena kay Doc madrigal." Sabi nito sa kasama niya at ngumiti.

"This way Miss Athena." Sabi nito at ngumiti ng matamis.


Sumunod lang ako sa kanya at napapatingin tingin din ako sa paligid, this hospital is quite familiar.


Naramdaman ko nanaman ang pamilyar na sakit ng aking ulo kaya naman napahawak lang ako dito at kinalma ang sarili ko.


Kumatok si Maesi at binuksan ang pinto, nakita ko naman ang isang lalaki na sa tantya ko ay nasa late 20's na 'to pero kahit ganun ay hindi maipagkakailang may itsura 'to.

"Oh please come in, come in." Sabi nito.

Kaya naman pumasok na din ako, ng malapit na ako sa kanya ay tumayo 'to at nakipag-shake hands.

"Hi Miss Villanueva, I'm Doc Madrigal, Mathias Madrigal. Please sit down." Sabi nito at ngumiti.

Ngumiti lang ako sa kanya at umupo na, "So Miss Vil--"

"Athena na lang po Doc."

Natawa ito ng bahagya at saka nagseryoso ulit, may saltik din ba 'tong doktor na 'to? Tatawa tapos biglang magseseryoso. Tsk. Tsk.

"Athena? Your name sounds familiar, Okay Athena, kelan 'yong last na sumakit 'yong ulo mo?"

"Kanina po bago ako makapasok sa opisina niyo." Diretsong sagot ko.

Tumango tango naman 'to, "Tingin mo paano nagsimula ang pagsakit nito?"


Napaisip naman ako. Ano nga bang dahilan ng pagsakit ng ulo ko kanina?


The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon