42

8 0 0
                                    

Chapter 42: His point of view.

Travis

Napangiti ako. Dahil sa muling pagmulat ko ng mga mata ko ay siya ang unang bumungad sa akin.

Hahawakan ko na sana ang pisngi niya ng pumasok si Ate Winzy. "My! Travis.. may masakit ba?" Agad naman siyang lumapit sa akin.

Umiling lang ako. "I am fine Ate." Sagot ko habang nakatingin kay Athena Selene.

"Hindi na kayo pwede Travis." Napatingin ako sa kanya habang nakatingin siya kay Athena Selene.

Kumunot ang noo ko. "How can you say that, You know how much I love her." Sagot ko sa kanya.

May kinuha siya sa may bulsa niya at iniabot sa akin. "I'm sorry little brother."

Umiling ako. "N-No.. this can't be." Sagot ko habang umiiling.

"Alam natin pareho na hindi nagsisinungaling ang mga nakalagay dyan." She tapped my shoulders and smile weakly.

"Leave me for awhile, Ate. I need to think."

Lumabas si Ate at nilukot ko ang papel na iniabot niya sa akin.

Kakagising ko pa nga lang ganito agad sinalubong sa akin ni Ate. Damn!

Ano na nga lang ba ang laban namin. Napabuntong hininga na lang ako dahil masasaktan ko nanaman siya. Masasaktan nanaman kami.

Hinawakan ko ang buhok niya at hinimas 'yon, nakita ko ang dahan dahang pagbukas ng mga mata niya. Mga matang nagpahulog sa akin.

"T-Travis?" Hinawakan niya ang pisngi ko. Kitang kita sa mukha niya ang sobrang kasiyahan "My God! Thank youuuu!" Sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit.

Kahit gaano ko kagustong yakapin siya pabalik ay hindi ko na pwedeng gawin.

"T-Travis? May masakita ba? Tama! Tama! Teka tatawag ako ng doktor." Paalis na siya ng hinawakan ko ang kamay niya. Nanginginig 'to.

"They already checked on me." I said coldly.

Nakita ko kung paano gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata.

Itinaas niya ulit ang mga kamay niya para hawakan ang mukha ko at tinabih ko lang ang kamay niya. "Don't touch me." I'm sorry Athena Selene, but I have to do this.

"W-What's wrong?" Nanginginig na tanong niya. Nanginginig dahil sa takot na mabasag ang boses niya.

"What are you even doing here? You're not needed here. Go."

I'm sorry, Athena. Mahal kita. Mahal na mahal pero hindi na tayo pwede pa.

"W-What's w-wrong with y-you?" Nabasag na ang boses niya.

"Nothing's wrong with me, I'm doing great can't you see that? Thank you for watchinh over me. You may go now. And please don't talk to me anymore."

Nakita ko ang pag-atras niya at paghawak sa upuan na para bang doon na lamang siya humuhugot ng lakas.

Nakita ko kung paano siya tumalikod at damputin lahat ng mga gamit niya, dinig na dinig ko ang paghikbi niya. Masakit. Masakit para sa akin na marinig ang hikbi ng taong minamahal ko.

Tumakbo siya papuntang pinto pero pagbukas niya ay nakabunggo niya ang ate ko. "What's wrong?" Narinig kong tanong ni Ate.

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon