16

12 0 0
                                    

Chapter 16: Please don't go.

Third person

Hindi maintindihan ng lalaking nagngangalang si Travis, kung bakit ganun ang inaasta ng babaeng mahal niya.

Tama kayo mahal nito si Athena, simula pa lang noon. Kung hindi lamang nawala ang mga alaala nito kay Athena malamang ay masaya sila ngayon.

"What did I do wrong for her to treat me this way?" Pabulong na tanong nito sa kanyang sarili habang naglalakad papasok sa kanilang eskwelahan.

Naabutan naman nito si Athena malapit sa gate at nakita kung paano tumawa ang lalaking kausap nito, nakadama si Travis ng inis kaya naman ay hinila niya si Athena palayo sa lalaking 'yon.

Hindi niya maiwasan ang makadama ng selos naiinis siya sa sarili niya dahil wala siyang magawa. Kung hindi lang dahil sana sa nangyari noon malamang ay naipapakita niya talaga kung gaano siya nagseselos at nagsisisi ngayon.

Nauna na siyang pumasok sa room 302 at hindi na nag abalang antayin pa si Athena, ngunit nagsimula na ang lahat lahat ay di pa rin ito pumapasok.

Nasaan ka na ba Athena? Wala ka bang planong pumasok? Sana sinabi mo sa akin para nasamahan kitang nag ditch class. Boring pa naman 'tong first subject natin. Ikaw lang naman dahilan kung bakit napipilitan pa akong pumasok.

Nasa kalagitnaan sila ng diskusyon ng may pumasok na babae, "Excuse me, Si Travis po? Pwede po ba siyang mahiram saglit? Emergency lang po."

Napatingin naman siya dito at tinaasan ng kilay tila nagsusumamo ang mga mata nito kaya naman tumayo 'to sa upuan niya at kinuha ang bag niya.

"What is your emergency? Make sure that it's important or else I'll ki--"

Pinutol nito ang sasabihin dapat niya, "Rooftop. Help her! Bago pa siya mapatay ni Rosetta." Natatarantang sabi nito.

Tila tumigil ang pagtibok ng puso niya. Kilala niya si Rosetta dahil kaibigan 'to ng babaeng 'yon.

Nang makabalik siya sa wisyo ay dali daling tinahak ang papuntang rooftop.

Agad na sinipa niya ang pinto at tumambad sa kanyang harapan ang babaeng duguan at ang babaeng hahampasin na muli siya.

Agad siyang lumapit dito at inagaw ang tubo at itinapon palayo at tyaka niya itinulak ang babaeng humampas sa kanya nito.

Nanlumo siya sa kanyang nakita, "S-Selene?" Pagtawag nito sa pangalan ng babaeng kanyang minamahal.

Unti unting dumilat ang mga mata nito at sumilay ang matamis ngunit nanghihinang ngiti ni Athena Selene.

"Y-You c-came T-Travis.." bulong nito dahil upang yakapin siya ng binata.

Binuhat niya ito at nagmamadaling bumaba, halos pagtinginan na sila ng mga studyante at lahat sila ay napapasinghap sa nakikita.

No! It can't be happening again! I can't lose her again! Sigaw nito sa kanyang isipan.

Isinakay niya ito sa kanyang sasakyan, sasakyan na ni minsan di naman niya ginagamit dahil mas gugustuhin niyang maglakad habang sinusundan si Athena.

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon