6

13 0 0
                                    

Chapter 6: Glimpse.

Athena

Isinuot ko ang black dress ko pati na ang black heels ko.

Lumabas ako na saktong paglabas din ni Travis, magkatapat lang ang kwarto namin.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tyaka tinaasan ng kilay, "Where do you think you are going Ms. Villanueva?"

Inismiran ko naman siya, "Wala ka na doon. Doon ka na lang sa babaeng kasama mo!" Mataray na sabi ko sa kanya at naglakad na papuntang sala.

Nandoon na sila Joshua at Aaron.

"Wala pa ding pinagbago." Simpleng sabi ni Joshua.

Nginitian ko naman siya at tumabi sa kanya, "Ganyan talaga pag maganda." Sabi ko at tyaka tumawa.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na din sila Cass.

Lumabas na kami ng bahay, "I'll bring my car too." Sabi ko at sumakay na sa sasakyan ko.

Sumabay sa akin si Cass. Di ko alam pero pakiramdam ko may gusto siyang sabihin eh.

"Athena.." pagtawag nito sa akin.

Kasalukuyan akong nagmamaneho, kami ang nauuna at sinusundan na lang kami ni Joshua.

"Hmm? May problema ba Cass? Balisa ka." Malumanay na tanong ko sa kanya.

"Yung kasama mo sa apartment si.." di ko na siya pinatapos.

"Ahh. Si Travis Velasco 'yon, kaklase ko din siya ngayon." Simpleng sabi ko.

"Hindi mo ba siya natatandaan?" Wala sa sarili na tanong nito.

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya, "Why would I remember him? Ngayon ko lang naman siya nakita." Totoo naman kasi, ngayon ko pa lang siya nakita at nakilala.

Hindi na siya umimik.

Alas sais na at bigla ko namang naalala si Travis. Kumain na kaya siya? Di pa naman siya marunong magluto.

Tapos bigla ko namang naalala na nandoon pala 'yong babaeng kasama niya kanina. Malamng siya na lang magluto tss.

Nang makarating kami ay sinalubong naman kami kaagad ng nakakabinging tugtog na nanggaling sa mga stereos.

Dumiretso agad ako sa may counter at nag order agad, "Dirty Martini please." Sabi ko sa bartender.

"How dirty?" Malanding tanong nito.

"Make it filthy." Nakangising sagot ko.

"Right away Ms. Athena." Sabi nito at kinindatan pa ako.

Tinitigan ko naman 'yong bartender at naalala kong siya din 'yong nagserve sa akin noon.

Nakita ko naman sila Cass sa isang mesa at nag iinom na sila.

"Here's your drink Ms. Selene." Nginitian ko naman siya at naglakad na palapit sakanila Cassandra.

"This is a nice place Athena!" Nakangiting sigaw ni Aaron.

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon