13

14 0 0
                                    

Chapter 13: Hidden Feelings.

Athena

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nung nag movie marathon at nagkatakutan kami.

Mas naging close kami ni Travis sa maiksing panahon at natutuwa ako dahil doon, 'yong tungkol kay Psyche? Nakakadama pa naman ako ng konting sakit pero hindi gaya nung una.

Nagluluto ako ngayon ng breakfast namin gaya ng nakagawian ko.

Pagkatapos kong magluto ay kumatok ako sa kwarto ni Travis.

"Travis?" Pagtawag ko sa pangalan niya. Hindi siya sumagot ibig sabihin tulog pa ito. Maaga ang klase namin ngayon kaya dapat bumangon na siya.

Pumasok ako sa kwarto niya at naabutan ko pa siyang tulog.

Tinitigan ko ang mukha niya. At dahan dahang hinaplos ang pisngi niya, napatitig ako sa kanya.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay ng panginginig ng aking kamay. Tinanggal ko agad 'yon at tinapik ng dahan dahan ang braso niya.

"Travis? Wake na. Breakfast is ready. Maaga pa tayong papasok. Exam ngayon diba?" I said as I try to wake him up.

"Five more minutes..." Bulong nito.

Napangiti naman ako at kinurot ang pisngi niya, "Gising na sabi Travis eh! Masamang pinaghihintay ang pagkain." Saad ko habang pinanggigigilan ang pisngi niya.

"Araaay! Ouch Villanueva! Fine, fine I'm up okay?" Bigla itong tumayo at itinaas pa ang dalawang kamay nito na parang sumusuko.


Natawa naman ako sa reaksyon niya at lumabas na ng kwarto niya. Hinayaan lang namin na matulog sila Cass dahil napuyat silang uminom kagabi.

Kita niyo na? Wala silang ibang ginawa kundi uminom inaaya pa nga kami kahit may klase kami kinabukasan, naaya naman nila si Travis pero ako nilolock ko pa ang pinto ko para di nila ako mahila.


I'd rather read poems and poetry, medyo iniiwasan ko uminom dahil may mga unexpected memories ang naalala ko na nagiging dahilan ng pagsakit ng ulo ko.



Kumuha na rin ako ng appointment para malaman ko kung ano ba 'tong nangyayari sa akin.



Pinanuod ko siyang kumain habang sumusubo ako, "You know Villanueva, I might think that you have crush on me."


Nabilaukan naman ako sa sinabi niya, "Letche Travis, saan mo ba nakuha yang ideyang yan? Di ba pwedeng nilalait ko ang pagnguya mo? Conceited mo masyado eh nu?" Sabi ko at inismiran siya.


"You can say that then explain to me why do I feel like I can see sparks in your eyes? Are you in love of me or something?"


I snorted, "What the. Just eat!" Pikon na saad ko.


Natawa naman 'to sa reaksyon ko. Tinapos namin ang pagkain namin at tumayo na siya, "Ako na maghuhugas, maligo ka na."



Nagkibit balikat na lang 'to at naligo na habang ako naman ay hinuhugasan ang pinagkainan namin.



Why do I love staring at him? Why do I love talking and teasing him? Damn! Do I like him? No! That can't be.


I'd rather choose our friendship kesa umasa ako sa isang bagay na malabong mangyari. Tama! I will get over this.



Matapos maghugas ay kinuha ko na ang bag ko pati na ang sticky note ko.

Mag-iiwan ako ng note sa pinto niya saying na mauuna na akong pumasok, gaya ng araw araw na ginagawa ko.


The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon