11

17 0 0
                                    

Chapter 11: Broken. Sick.

Athena

Wala sa sariling naglalakad ako pabalik sa apartment namin.

Para siyang barko at ako naman ang anchor, anchor na humihila at pumipigil sa kanya para umusad. Ganun ba ako? Naging pabigat ba ako sa kanya? I laughed at my own thought.

Wala akong pakialam kung pinagtitinginan man ako ng mga tao. Ano bang alam nila sa sitwasyon ko? Sa pinagdadaanan ko. Iyak tawa na ang halos ginagawa ko.

May nakita akong upuan sa di kalayuan lumapit ako dito at umupo.

Gusto ko na munang magpahinga dahil pagod na ako, pagod na pagod na.

He already give up I should do the same, ayoko naman maging selfish ayokong angkinin ang isang bagay na alam ko namang sa simula pa lang hindi na naging sa akin.

Naitakip ko ang mga palad ko sa aking mukha, just the thought of it makes me cry in pain.

I'm tired. I'm fucking tired.

Nahiga ako at pinagmamasdan ang kalangitan na ngayon ay madilim na at puno ng mga kumukutitap na bituin. Night sky really makes me smile.

Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang lamig ng hangin.

I am alone. I feel alone, ganito ba talaga ang pakiramdam ng nasasaktan? I admit. I really hate this kind of feeling.

May naramdaman akong biglang pumatak sa aking braso. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko kung paano natakpan ng makapal na ulap ang kalangitan.

Kasabay nito ay ang sunod sunod na pagpatak ng mahina hanggang sa papalakas na ulan. I closed my eyes again and feel the rain pouring in my cold numb body.

I feel so empty, so cold. I can't even feel and find my emotions.

Kasabay ng muling pagpatak ng ulan sa aking mukha ay siya ring pagsabay ng muling pagpatak ng aking luha.

Hinayaan ko lang na malaglag ang kamay ko sa basang semento at mas dinama pa ang lamig ng hangin na tumatama sa aking balat tila tumatagos ito hanggang sa kaluluwa ko.

Kumunot naman ang noo ko ng di ko maramdaman ang ulan sa mukha ko pero ang katawan ko ay patuloy pa ring nababasa.

Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at nakita ko ang payong na sumasangga sa pagpatak ng ulan sa mukha ko.

I smiled weakly as I look at his hand fidget, "What are you doing here?" Walang buhay na tanong ko.

You came Travis, you came.

Umupo ako at napahawak sa aking mga tuhod kasabay ng pag-upo niya sa tabi ko.

Hindi siya nagsalita at isinilong ako nito sa dala niyang payong ngayon ay siya naman ang nababasa ng ulan. How rude.

Humarap ako sa kanya. I don't know what he is thinking right now, nakatitig lang ito sa kawalan at hindi man lang mababakasan ng kahit anong emosyon.

Umusod ako sa tabi niya, "Can I rest my head on your shoulder?" I asked because I badly needed one. I need shoulders to cry on right now.

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon