25

10 0 0
                                    

Chapter 25: Coma.

Travis

Masakit para sa akin na iwan siya, pero mas masakit na malaman na ako ang dahilan kung bakit niya nagawa 'yon.

Nandito kami ngayon sa hospital dahil sinubukan niyang kitilin ang buhay niya. Kasalukuyan siyang nasa E.R.

This is all my fault.

Puno ang damit ko ng blood stains galing sa kaliwang kamay niya pero wala akong pakialam. Carrying her cold body makes me want to kill myself.

"Coffee.." sabay abot nito ng can of coffee.

Tinignan ko siya ng matalim, "What the hell are you doing here Steven?"

Itinaas naman niya ang dalawang kamay niya. "Chill.. hindi ako nandito para manggulo."

Steven John. He was my bestfriend bago ko makilala ang twin ni Xander ang kakambal ni Athena. Him and Kria, alam ni Steven kung gaano ko kamahal noon si Kria pero kinalaban niya ako at inagaw sa akin si Kria.

Sobrang nagalit ako sakanila noon lalo na sa kanya lalo na ng umalis sila ng bansa na magkasama pero dumating si Athena at minahal ako ng sobra ilang beses ko siyang ipinagtabuyan noon pero hindi niya ako sinukuan.

Hanggang sa isang araw hindi na niya ako kinulit dahil doon hinanap hanap ko ang presensya niya hanggang sa pagtawanan ako ni Xander dahil napaka in denial ko daw.

Xander asked Athena na tigilan niya muna ako para mapaamin ako, hanggang sa nag confess ako at inialay ko na sa kanya ang buhay ko. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil bumalik si Kria.

Pero nung bumalik siya ay huli na ang lahat, may ibang mahal na ako. She did everything para mapaghiwalay kami hanggang sa inaya niya ako na makipagkita sa kanya sa isang park dahil gusto na daw niyang tapusin ang lahat dahil wala naman na daw siyang laban.

Pumayag ako, nagusap kami pero nabigla ako ng bigla niya akong halikan natulala ako dahil sa pagkagulat then the next thing I knew  Athena was in front of me crying.

"How could you.." bulong niya sa akin at sinampal ako.

Sinubukan ko siyang hawakan pero hinawi niya ang kamay ko at tumakbo, sinundan ko siya hanggang sa makita ko kung paano siya mabunggo ng  rumaragasang kotse.

Napuruhan ang ulo niya noon which leads her to have an amnesia, selective amnesia to be exact.

I was devastated kaya pinili kong lumayo muna. Tinupad ko ang isa sa mga plano namin, ang mag aral sa probinsya nila at tumira sa apartment ng Tita niya.

Ang Tita niya lang ang sandalan ko ng mga panahong 'yon. I've become aloof and cold. Hanggang sa isang araw bigla siya lumitaw sa may pinto sobrang tuwa ko noong mga panahon na 'yon.

Kahit di niya ako naaalala ay masaya na ako tuwing nauuna siyang pumasok ay pasimple ko siyang sinusundan. Tuwing tulog siya ay pumupuslit ako sa kwarto niya para lang titigan ang tulog niyang mukha.

"Just.. just tell me, why the both of you are here?" Tanong ko.

He sighed. "Remember Rosetta? 'Yong naging kakuntyaba ni Kria para sirain kayo? She told Kria na nandito si Athena at nagkakalapit.." paliwanag niya. "You know how obsessed she is when it comes to you."

The Memories Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon