The Happy Ending (Chapter 2: Ang Nakaraan)

37 1 0
                                    

I am the coolest guy on Earth!

Lahat masaya! Everything was so cool! Lahat ng gusto ko, agad na nangyayari. I was so blessed not just with my complete and loving family but also because I was born with a lot of talents. Kumbaga, wala na ‘kong mahihiling pa.

But that was few months from now. Ramdam ko na ‘yung pagbabago sa sarili ko na sinasabi nila. Ito na ‘ko ngayon. Hirap maibalik yung dati.

I’m Ark. 16 years old. A fourth year high school student. Isa na siguro ko sa mga pinakamaswerteng nilalang sa campus anmin. Magaling akong mag-drawing. Marunong akong sumayaw. I can even sing. I can play guitar. I can act. I can write and compose songs. Kaya nga ako nagpapasalamat eh. Marami akong kayang gawin na hindi kayang gawin ng iba.

“Emo again, Ark?” Nilapitan ako ni Sandy. Tama siya, emo na naman ako. Ang lungkot lungkot ko na naman. Nakakainis kasi wala akong ibang mairason kung hindi siya pa rin.

“Hindi na ko dapat ganito… Masaya na si George o.” Si George ang first love ko. Nakakalungkot lang kasi, hindi ako ang first love niya. All I wanted is for George to be happy. Pero ngayong masaya na siya, bakit hindi ko kayang maging masaya para sa kanya? Hndi ko naman kasi inakala na, ito pala ‘yung bagay na magpapasaya sa kanya. At ‘yun ay ‘yung iwanan ko siya.

“I know Ark, you are the right guy for George. You’re the perfect one. It’s just that.., you’re not meant to be.. She doesn’t love you that much...”

“Hindi ba’t pareho lang ‘yon?”

“It’s different Ark. Ikaw ang lalaking karapa’t-dapat para sa kanya pero hindi siya dapat para sa’yo. She doesn’t deserve your love… I’m telling you Ark, ikaw lang din ang masasaktan.” Sandy’s right. Moving on is the only way to end this stupid thing. Even though its’s hard and painful, I have to.

Sandy is a close friend of George. Pero kahit na ganun, hindi ko alam kung bakit parang concern na concern sila sa ‘kin. Bakit pa kasi siya yung naispatan ng puso kong mahalin. Sana iba na lang. Sana hindi na lang siya.

Ang hirap pa ring maging masaya. Ang hirap pa ring mag-pretend na ok ka lang. Ang hirap makalimot sa taong araw-araw mo naman nakikita. Mag-isa lang akong naglalakad pauwi ng bahay. Tulala. Malungkot.

Ang mga memories ang pinakamatindi ‘kong kalaban. Sa tuwing naaalala ko lahat ng mga masasayang panahon na kasama ko siya, lalong sumasakit ‘yung nararamdaman ko ngayon. ‘Yung sakit na kahit sinuman, ayaw maramdaman.

Minsan, tinatanong ko sarili ko. May mali ba ‘kong nagawa kay George? Naging tapat naman ako sa kanya. Minahal ko siya without any doubts. Nakalimutan ‘kong may iba pa palang mundo na nag-e-exist sa buhay ko. Yung mundo na kung saan napapaligiran ako ng mga taong totoong nagmamahal sa akin. Pero lahat ng ‘yon, parang wala lang naman sa kanya. Hindi ako ang pinili niya.

I admire her for not choosing me. For choosing him. Hindi ako dapat magalit at wala rin akong dapat ikagalit. Tulad ng sinabi ko, tanging kasiyahan ang hangad ko para kay George. At kung ito yung magpapasaya sa kanya, nararapat lang na matanggap ko ‘yon ng buong-buo sa puso ko.

Ayokong isipin na ginamit niya lang ako. Ayokong isipin na pinaglaruan niya lang ako. Kahit konti naman naramdaman ko na mahal niya ko. Na kahit na sa maikling panahon lang, nagkaroon ako ng maliit na parte sa puso niya. At ginawa ko ang lahat para mapagkasya ang sarili ko ‘don.

Marami ang namamatay sa maling akala. At ayaw kong matulad sa kanila. Akala ko kasi mahal niya rin ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Hanggang akala ko lang pala ‘yon. Kelangan ko na siyang kalimutan. Gusto ko ng umusad. Ayokong mapag-iwanan.

I woke up early. I didn’t even care to eat my breakfast. All I wanted now is to go to school as early as I can, just to sit there and think. Think of her. Think on how to get over her…. Suddenly, I heard one familiar voice from behind. A voice I would not really love to hear right now.

“There’s something bothering me when I’m seeing like you that. Is that what you want? ‘Yung nahihirapan ako? Yung nakokonsensya ko?” George Ranillo... oh, please…Hindi ko pa kayang magsalita sa harap niya.

“Please George… leave me alone.”

“Please rin sa’yo Ark... Don’t make me look and feel guilty... I just did what I think is better for the both of us... You’re too immature for this Ark. And I guess you’re not that ready…”

“You’re too immature for this Ark. I guess you’re not that ready…” Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang mga huling katangan sinabi ni George. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero may bahagi ng utak ko na nagsasabing, “tama siya!”

The Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon