“Dapat lang talaga na kalimutan mo na ‘yang si bagay na meron ka para kay Sandy. Hindi pwedeng maging kayo. Look at her Ark. Nakapagmove on na siya oh… Hindi na pwedeng maging kayo…”
Kausap ko si Ram, at sinabi ko lahat sa kanya ang nararamdaman ko. Kailangan ko ng advice mula sa ibang tao. Pagod na ‘ko ng kaka-advice sa sarili, tapos wala rin namang nangyayari.
Bakit ganun? Bakit hindi ako pwedeng maging Masaya? Bakit parang kahit kailan, kahit saan, hindi kami pwedeng magkasama ni Sandy ng panghabambuhay? Bakit ba parati na lang hindi pwede maging kami? Hindi ba pwedeng maging kami na lang at kalimutan na muna naming ‘yung ibang tao? Masama ba kung paminsan-minsan isipin ko naman ang sarili kong kaligayahan?
“Bakit Ark? Sigurado ka bang mahal ka pa rin ni Sandy hanggang ngayon?” Bigla akong natahimik sa sinabi ni Ram. Paano nga ba ako nakakasigurong mahal pa rin ako ni Sandy? Ngayong may minamahal na siyang iba? Mahal niya pa rin kaya ako?
Hindi nagging madali ang mga sumunod pang mga araw. Halos araw-araw ko ring nakikita si Sandy dahil kay Kevin. Palagian ko ring binibisita ‘yung batang ‘yon dahil sa gusto niya rin naman akong Makita. Sariwa pa rin ang mga sugat at galos sa katawan niya.
Carl is a nice guy. Ayokong paniwalaan ang mga instincts ko na nagsasabing lolokohin niya lang si Sandy. Mas gusto kong panigan ang positive side. Ayokong magmukang bitter kapag sinasabi kong compatible si Sandy at Carl sa isa’t-isa. They’re really good to see when they are together. Sobrang bagay sila para sa isa’t-isa. Sandy seems to be so happy now with Carl. Pero hindi ko pa rin maipaliwanag na kapag nagsasalubong ang mga paningin naming ni Sandy, pakiramdam ko may natitira pa ring love para sa akin.
“You don’t have to do this Ark. Baka sobra ka na naming na-iistorbo lalo na sa mga ginagawa mo. Ayoko namang sisihin mo kami ‘pag nag-flop ‘yang pelikula mo…” I hate it when she’s saying this. Pakiramdam ko pinapaalis na niya ‘ko at ayaw na niya akong makasama at Makita.
Ewan kung bakit, pero parang narerewind lang din ‘yung dati. Bumalik na naman ako ‘dun sa point na kung saan pinipigilan ko na namang mahalin si Sandy kahit na given na ‘yung bagay na mahal ko naman talaga siya. Makatarungan pa bang pigilan ang isang bagay kahit na alam mo namang mananaig din ‘yon sa bandang huli?
Lumilipas ang mga araw pero ‘yung nararamdaman ko para kay Sandy ay hindi pa rin kumukupas. Nakakainis kasi feeling ko araw-araw kong sinasaktan ang sarili ko. kahit na alam ko namang hindi tama, mas lalo pa ring tumitindi ‘yung pagkagusto k okay Sandy. Pabalik-balik na lang ang proseso pero kahit kailan, hinding-hindi ko pagsasawaan ang pagiging in love. Mahirap nga sigurong pigilan ang isang bagay na nakatakda na talagang mangyari.
“Sandy, masaya ka ba kay Carl?” Tinanong ko si Sandy one Saturday afternoon. Nasa isang fastfood cahin kami ‘non at hinayaan naming maglaro si Kevin sa playing area ng kainan.
“Oo naman…” Bakit ko pa kasi tinanong? Eh alam ko naman na ganun talaga ang isasagot niya. “Magwa-one year na rin kami ni Carl nextweek… He has been a great partner to me.”
Nagbabakasakali lang naman kasi akona baka maramdaman ko pa rin na meron pang nararamdaman si Sandy para sa akin. Wala na akong pakielam kung magmuka man akong desperado basta’t ang mahalaga, mapunta si Sandy sa lalaking nararapat talaga para sa kanya. At kung si Carl mang ‘yung lalaking ‘yon, kahit masakit tatanggapin ko. kahit na alam kong habambuhay na akong magiging miserable at takot na magmahal, tatanggapin ko pa rin. Ganun naman talaga ‘pag totoo kang magmahal ‘di ba? Kaya mong gawin ang lahat para lang sa taong mahal mo, kahit na ang kapalit nito ay ‘yung kirot na nararamdaman mo everytime na nakikita mo siyang Masaya sa piling ng iba…
Tama na nga siguro ‘yung 7 years na paghihintay. Sapat na siguro ‘yung mapatunayan ko sa sarili ko na mahal ko talaga si Sandy. Okay na ‘yung pitong taon na umasa akong muli kaming magkikita at muli niya akong mamahalin. Siguro binigyan kami ng Diyos ng ikalawang pagkakataon hindi para magkaroon ng isang happy ending. Maybe this is just a second chance to end things up. Nakakalungkot lang isipin na kahit gaano pa katindi ‘yung courage, determination at effort mo para ipaglaban siya, kapag disagree talaga ang destiny, kulang pa rin ang lahat. Lalo na kapag Siya (God) na ang pumagitna at nagsabing:
“Oooppss! Tama na! sobra na eh… Mali na ang lahat… Ayokong nakikita kang naghihirap para sa isang babaing inilaan ko naman para sa iba… Hindi ko kayang makita kang masaktan lang sa bandang huli…”
Okay na ‘ko. Handa na ‘kong kalimutan siya. Mas lalo ‘kong ginaganahang makapagmove on sa tuwing naiisip ko na wala rin namang magamdang patutunguhan kung patuloy ko siyang mamahalin. Bubuksan ko na ang pinakabagong chapter ng buhay ko. tama na ‘yung 3 times ko siyang iniyakan. Kakalimutan ko na ang kung anumang nararamdaman ko para kay Sandy. Hindi na ‘ko takot sa kung anumang mga possibilities ang mangyayari sa hinaharap. I want to be spontaneous and ready for anything. Gusto ko ng pasukin ang bago kong mundo na kung saan lahat ay Masaya at malayo sa pangamba at sakit na dulot ng pagmamahal…
