“Ginagamit mo pa rin pala ‘yan?” tanong ko kay Sandy nang mapansin kong gamit niya ang panyong binigay ko sa kanya noon. Walang nasagot si Sandy. Marahil ay muli na namang bumalik lahat ng alaala. ‘Yung panahong kausap ko siya sa labas ng bahay nila… at basing-basa kami sa ulan…
Nasa isang park kami kasama si Kevin. Hinawakan ko ang mga kamay ni Sandy.
“Sandy…” Pero tinanggal niya rin iyon kaagad.
“Late na rin pala… Kevin! Tara na! uuwi na tayo!” Tumayo si Sandy pero nagawa ko siyang pigilan.
“Sandy, mag-usap tayo…” I tried to chased her, pero lalo siyang lumalayo.
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa Ark…” Patuloy pa rin siyang naglalakad palayo.
“Pero Sandy mahal kita! Sandy, mahal na mahal pa rin kita!!” Hindi ko na alam kung ano ‘yung nasabi ko. Pero alam kong sa mga oras na ito, ‘yun lang ang totoo.
Napatigil si Sandy at naglakad pabalik sa harap ko.
"Gago ka ba talaga Ark ah?! Ano ba talagang gusto mo? Gusto mo bang mahalin din kita? Katulad ng dati?? Eh tarantado ka rin pala eh…” Kitang-kita ko na ang galit sa mga mata ni Sandy.
“Pero Sandy mahal kita… At kahit anong gawin ko, ‘yun at ‘yun pa rin ang nararamdaman ko…” Mahal na mahal ko pa rin si Sandy… Sobra…
“Ark, hindi na tayo katulad ‘nung high school. Hindi na basta-bastang mundo ‘tong pinasok natin. Hindi na issue dito kung mahal pa rin kita o hindi… Ang issue dito, hindi na pwede maging tayo… hindi na kita pwedeng mahalin dahil may boyfriend na ‘ko… Meron na akong obligasyon sa iba… ‘Wag mo akong papipiliin Ark… dahil ayokong masaktan ka lang…” Tinalikuran ako ni Sandy. Doon lang naming napansin na naroon pala si Carl. Nakatitig sa amin.
Carl didn’t say any word. Natapos ang buong magdamag na ramdam ko ang sakit na naramdaman ko na rin dati. It’s the thing that I never wanted to feel again, pero nararamdaman ko pa rin. At ngayon mukang mas tumindi pa ang sakit. Nakakainis kasi parang na-rewind lang ang lahat. Nakakasawa. Nakakapagod. Paulit-ulit na lang.
Nakakapagod ng magparaya. Kailan ako magiging okay nang buung-buo? Mapag-aaralan mo ba kung kailan mo dapat ipaglaban o bibitawan ang taong mahal mo? Meron bang kursong nagbibigay ng espelisasyon sa mga ganon?
Alam kong isang malaking courage ang magparaya. Pero ‘pag nagin hobby mo na ang pagle-let go ng mga bagay-bagay, hindi ba’t katangahan na ang tawag ‘don?
Pare-pareho lang tayong mga tao. Naghahanap tayo ng kung anu-anong dahilan, kung sinu-sinong dapat sisihin, kung bakit kahit kailan ay hindi tayo pwedeng maging Masaya. Kung bakit kahit kailan ay hindi tayo karapa’t-dapat mahalin…
Kinuha ko ang isang box mula sa aking drawer. Dahan-dahan kong binuksan ‘yon.
“Alam kong darating din ang panahon na maibabalik kita sa kanya… At ‘pag ginawa ko ‘yun, sisiguraduhin kong nakapagmove on na ko…” Kausap ko ang singsing na binigay sa akin ni Sandy. Of course I’m not expecting any replies from the ring. Mahal ko si Sandy pero hindi naman ako ganon katanga.
Movin on has never been an easy thing to do. Suntok sa buwan ang pagkalimot sa taong nagging malaking parte na ng buhay mo. Akala ko ‘nung una, handing-handa na akong harapin ‘yung bagong chapter ng buhay ko, pero hindi pa pala.
“Ark, kumsta ka na? Miss ka na naming dito… Kailan ba talaga ang uwi mo ah? Ingat ka dyan parati anak ah. I love you!” Pinidot ko ang answering machine ko sa side table. Nakikinig lang ako habang nakahiga. Gusto kong marelax. Gusto ko munang makalimutan ang mga problema ko.
“Oy Ark. Balita ko may pelikula ka na dyan? Galling talaga ng anak ko! proud na proud kami sa ‘yo anak. Ipagpatuloy mo lang ‘yang pangarap mo dyan… Ingat ka parati.” Galing kay mama ‘yung una, ang pangalawa naman ay kay papa. Sobrang miss ko na rin ang pamilya ko. ang hirap mabuhay mag-isa. Ang hirap mabuhay kapag wala ‘yung mga taong alam mong totoong nagmamahal sa ‘yo.
“Hey Ark! Alam kong problemado ka ngayon… Forget about the past! Take it as a lesson! And keep moving forward! C’mon Ark! Look at the bright side! We still have our movie! ‘Wag mo ng ipilit ang sarili mo sa mga bagay na hindi naman para sa ‘yo!” Okay din ‘tong si Ram eh. Best friend talaga. Kung sa unang tingin akala mo walang kwentang tao pero ‘pag nakilala mo ng mabuti, marami kang matutunan sa kanya.
Forget about the past. Take it as a lesson. And keep moving forward!
Tama si Ram. Ito na ang tamang gawin ko ngayon. Para na rin sa ikabubuti ni Sandy. At para na rin mabawasan ang bigat na nararamdaman ko ngayon. Sobra-sobra na kasi ‘yung sakit. Sobra-sobra na.