Daglian akong napatakbo. Nasa emergency room ang kapatid ko! Ano na naman bang nangyari sa batang ‘to?! Nakakailang bisita na siya sa ospital… Naku naman talaga!
Hinanap ko kaagad ang kapatid ko pagdating sa emergency room. “Si Kevin? Saan si Kevin?!”
“Andun po doc…”
Agad akong tumakbo patungo sa kanya… “Kevin?”
“Oh ate?” Aba! Parang wala lang nangyari sa kanya!
“Anon a naman bang ginawa mo ha?”
“Naglalaro lang naman ako ate eh… Tapos biglang may kotse…”
“Sinong bumangga sa ’yo?!”
Biglang may isang lalaking lumapit. “Sorry talaga... Sorry… hindi ko sinasadya… madilim kasi… At saka ‘yung bata… Sorry! Sorry talaga!”
“Anong sorry? Sa tingin mo ganun lang kadali ‘yun?” Kahit hindi k siya kilala, nasigawan ko pa rin siya. “Muntikan mo nang mapatay ang kapatid ko!!”
“Ang O.A mo naman ate. Kaunting pilay lang naman ‘to oh. At saka ako ang may kasalanan. Ang sarap kasing maligo at maglaro sa ulan eh…” at ngumiti pa siya.
Okay. Pinahiya ako ng kapatid ko sa harap ng lalaking ‘o.
“Pasensya na po kayo kuya sa ate ko ah. Madaldal lang talaga ‘yan…”
“Anong madaldal? Ako na nga ‘tong nagmamalasakit tapos ganyan ka pa? Hindi ka kasi nag-iingat eh… Dagdag gastos na naman ‘to sa pag-oospital mo. At sino ang magbabantay sa ‘yo? Alam mong busy kami ni mommy… hindi ka ba talaga nag-iisip?”
“Sorry na ate…”
Naku… Kung hindi lang pilay ‘tong kapatid ko, binugbog ko na ‘to.
“Sorry talaga miss…” Nasalita ang lalaking nakabangga sa kapatid ko. Nakakainis ang kakasorry niya… “Kung gusto niyo po, ako na ang magbabayad sa hospital bills ng bata…”
Humarap ako sa kanya at nakita ko ng mas malinaw ang mukha niya. Medyo pamilyar ang mukha niya pero hindi ko na pinansin…
“Talagang ikaw ang magbabayad… Kahit naman aksidente ang nangyari … Ikaw pa rin ang nakabangga sa kapatid ko!”
“Alam ko po ‘yon… Kaya po ako humihingi ng dispensa…”
Biglang sumakit ang ulo ko…
“Naman oh… Ang dami-dami ko na ngang ginagawa tapos ito pa…”
“Sorry talaga ate…”
“Okay lang ‘yun… Pahinga ka muna.” Huminga ako ng malalim at niyakap ko ang kapatid ko… “Hindi kasi nag-iingat, nase-stress tuloy ang ate…”
“Sorry na nga ‘di ba?”
“Oo na!” Niyakap ko ng mahigpit ang kapatid ko. sobra na nga talaga akong stress. Sobrang dami ng mga ginagawa at mga problema. Palagi ko na lang ‘tong nararamdaman. Noong hindi pa ako makaget over kay Ark, sobrang stress. Sobrang sakit… buti na lang may tumulong sa akin.
“Pasensya talaga miss. Pasensya sa pagdagdag ko sa mga problema mo. Kung gusto mo, ako na rin mag-aasikaso sa kapatid mo, para hindi na rin kayo maisturbo… Don’t worry because this is for free.. Walang bayad…”
“Sige ate! Sige! Payag ako!”
Huh?
“Pro hindi natin siya kilala…”Napatingin ako sa lalaki. Hindi naman nakakapanghinala ang mukha niya pero ayaw ko paring magtiwala agad.
“Kilala ko siya ate!Ano ka ba? Hindi ka ba nanunood n T.V?”
Napakunot-noo ako, at tinignan ko ang lalaki. Hindi naman siya artista eh. “Bakit? Sino ba siya?”
“Siya si Ark Vilaanueva! ‘Yung director ng favorite nating teleserye!”
Biglang bumilog ang mga mata ko. may namuong kaba sa dibdib ko.
“A-a-a- ark?”
Tinignan ko ang lalaki… Kaya pala pamilyar ang mukha niya… Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon… Ano na?