(2) Si Sandy. Sa mga oras na ‘to, magiging hnest ako sa sarili ko. Mahal ko si Sandy. Mahal ko si Sandy pero natakot ako sa reality nab aka ma-reject ako ni Sandy. ‘Yun na rin siguro yung mali ko, ‘di ko pinakinggan ‘yung utak ko kahit na araw-araw niyang pinagsisigawan sa akin na hindi na tama ang lahat kasi alam niyang ito lang din ang kahahantungan ng pag-asa ko.
I just love her. I shouldn’t have expected… pero lahat naman siguro ng tao ‘pag nagmamahal, merong kahit na maliit na parte ng puso nila na umaasa pa rin. It is not worth it to cry. Hindi siya ‘yung tipo ng babaeng dapat ‘kong iyakan. Hindi niya ko gusto. At kahit kelan. Hinding-hindi kami magiging mutual.
Photoshoot naming ngayong araw. Nawala ‘yon sa utak ko, sobrang dami ng problema. At sa photoshoot na ‘yon, makakasama ko si Sandy. Pa’no ko siya haharapin? Pa’no ko siya kakausapin? Pa’no magiging maganda ang resulta ng photoshoot kung meron kaming ilangan na nararamdaman para sa isa’t-isa?
Ilang minute na rin akong nakaupo sa studio, as usual, late si Sandy. Sandy was so elegant and of course beautiful in her white-cocktail dress. She’s a witty princess in her own way. Mas lalo ‘kong nahihirapan sa pagpipigil na mahalin siya.
Everytime our eyes met, matinding pagsisisi ang nararamdaman ko. Buti na lang nakayanan ‘kong gawin ng maayos ang photoshoot kahit medyo uncomfortable talaga kami sa pinapagawa sa amin. Kapag hinahawakan ko ang mga kamay niya, nanlalamig ako. At kapag nagdidikit ang mga katawan naming…… hay… (mapapabuntung-hininga…)
Kapag may problema ang mga tao sa paligid ko… ang dali-dali para sa ‘kin na tulungan sila. Pero ‘pag ako naman ang nasa sitwason nila,. Nagmumuka rin naman akong tanga. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.
Unexplainable ang feeling ‘pag alam kong nakatingin si Sandy sa ‘kin. Parang roller coaster kaya nako-concious ako. Tinanong ko ang sarili ko, “Anong dahilan ni Sandy para iwasan rin ako?” Kasi kung tinanggap niya rin bilang joke ‘yung sinabi ko kahapon, malamang kakausapin niya ko e. kaso hindi e. anong ini-imly nito? Na gusto niya rin ako? Hindi. Kelangan ko ‘tong makalimutan. Kelangan ko siyang matanggal sa isipan ko. Hindi pwedeng araw-araw na lang ganito ko.
March 22, 2010. 3:42 pm.
“You’re such a stupid guy Ark!” Ito ang unang sinabi ni Ram pagkatapos ‘kong ikwento sa kanya ang nararamdaman ko para kay Sandy. Hindi ko na kaya. ‘Di ko na kayang itago pa ‘to. Balak ko ng sabihin kay Sandy ‘tong something na ‘to para sa kanya. Hirap na hirap na ‘ko sa pagpipigil, ‘di ko rin naman pala kayang pigilan.
Wala na akong pakielam kung mutual kami ng feelings, basta ang mahalaga masabi ko na gusto ko siya…. Na mahal ko siya. Para na rin sa ikapapanatag at ikatatahimik ng buahy ko. Sapat na ang 4 buwan para mabulabog ng husto ng babaeng yon ang buhay ko.
March 24 ang scheduled finale ng highschool life ko. At ‘yon na rin ang simula ng panibagong kabanata ng aking buhay. Pagkakataon upang tuluyan ko ng makalimutan si Sandy at mag-move forward na para sa college. Kelangan ko ng magseryoso kahit ‘di ko naman gusto ang kursong kukunin ko.
“I know… kaya nga balak ko ng sabihin ‘yon sa kanya bukas..”
“Well, you better be fast!... Bago pa man mahuli ang lahat!..” Huh?
“Teka. Teka… bakit ba parang mas excited ka pa sa’kin?”
“Ark, can’t you see what’s really happening?? Nakikita mo ba ang kondisyon ni Sandy araw-araw?” Medyo hindi ko pa rin talaga magets ang sinasabi ni Ram. “Nakikita mo ba kung gaano siya nasasaktan nang dahil sa joke mo??.”
Now I understand….. “Ark, gusto ka ni Sandy! Mahal ka rin niya!” Pagkarinig ko ‘nun… wala na ‘kong iba pang maramdaman.