The Happy Ending (Chapter 5: Ang Bangin)

23 1 2
                                    

“Ako?” I’m a little bit shock.

“Oo ikaw! Bagay naman kayo e..” said Frank. Frank was my friend too. Pero dahil hindi naman siya mahalaga sa kwento ko, ‘di na importanteng makilala niyo pa siya.

Hiyawan ang mga kaklase ko pagkatappos ‘nun. Medyo kinakabahan ako. I’m kind’a wanting for this pero ‘di ko naman inakala na ganito pala talaga ang mangyayari. “Hey guys.., I’m the director.. kaya ‘di na pwede..”

“I can do that job, Ark.” Pagpupumilit ni Ram. I faced him and gave him a threatening look, saying… “Huh.., nice one Ram… lagot ka sa akin mamaya!”

“Basta ako, I can do my job well kahit na sino pang leading man ko.. Guys, baka naman takot lang si Ark nab aka ‘di niya kayanin ang acting skills ko..” Hamon ni Sandy sa ‘kin… Mukang mapapasubo yata ako nito.. “Call?” Sandy was just being Sandy…

Nararamdaman ko na ang pawis ko. Aminado ‘kong medyo kinakabahan ako. “O, ano? Kaya mo?” She asked me again. Nanghahamon talaga. Pawis na talaga ko.

“Call!”

Syempre, ayokong maging talunan lalo na’t nanjan si Ram at Sandy. Gusto kong patunayan sa kanila na kaya kong umarte at the same time, magdidirek.

“Good! Galingan mo ah..”

“Pero teka, ‘di ba ko magmumukang selfish kung ako na ‘yung director, ako pa yung lead role?”

“Nope, as what I’ve said.a ko nga ang magmagdidirek diba?”

Ram’s really making everything para ma-challenge ako. Well, I’ll prove him that he’s wrong. Acting lang ba ang hanap nila? Hmmm….

First Shooting Day. First scene.

‘Ni minsan sa buong buhay ko, hindi ko naisipang gagawin ko ‘to. Ang umarte sa harap ng kamera, sa harap ng maraming tao. Ewan, pero parang mas dagdag kaba ang feeling ‘pag si Sandy ang ka-eksena ko. Nakaklimutan ko ang lines ko at natameme lang ako ‘pag kami na lang dalawa.

Our movie was a love story. Kaya ‘di maiiwasang may mga intimate scenes kami ni Sandy. May mga eksenang kelangan magkaholding-hands kaming dalawa, kelangan ko siyang yakapin, at magpalitan ng mga salitang…… kay George ko pa lang nasasabi… =) Para sa ‘kin, intimate na ang tawag don..)

Of course I let Ram do the job kung ganon ang eksena. Ayoko namang magmukang manyak sa mata ni Sandy. I don’t wanna waste the trust she have given to me. Habambuhay ko ‘yung pangangalagaan.

Simultaneous ang shooting ng movie naming. Masaya ko kasi araw-araw kong nakikita si Sandy. Nakakaasar nga lang hanggang gabi, siya pa rin nasa isip ko. Meron akong nakikita kay Sandy na parang ‘di ko naman nakikita sa iba. Meron siyang charm na sa kanya ko lang nakikita.

“Then, what makes her so special?” Kausap ko ang sarili ko sa kwarto. Ano na bang nangyayari sa ‘kin? Ilang beses na rin akong ganito. Hindi na mawala sa utak ko si Sandy. ‘Ni hindi rin ako makatulog ng maayos. Hindi niya ‘ko pinapatulog.

“Ark? Puyat ka ba?” Ram asked me, it was the second week of shooting. Puyat talaga ko. Hindi na naman ako pinatulog ng babaeng ‘yon na siguradong late na naman dumating. That night was a nightmare. Binulabog ni Sandy ang buong sistema ko.

“Aaaah!” Napasigaw ako sa inis.

“Oh, anong nangyari sa’yo?”

Anong nangyari sa ‘kin? Parati lang namang ginugulo ni Sandy ang utak ko. Kahit san ako tumingin, siya ang nakikita ko. Kahit anong gawin ko, siya parin ang naiisip ko. Tinamaan na yata ako ng babaeng yon. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit piling ko isang maling hakbang ang magpahulog sa bangin niya? Bakit ako natatakot? Nakapag-move on na nga ako kay George pero hindi yata ako nakapag-move on sa takot na mahulog at masaktan muli. Gusto kong mahulog, pero nangingibabaw ang takot. Kaya ako naiinis. Kaya sumasakit ang ulo ko. Pero hindi ko yun sinabi kay Ram. Hindi ito ang sinagot ko sa katanungan niya.

“Wala… trip ko lang sumigaw…” sagot ko kay Ram.

“Ganun?”

“Yeah…”

“Good morning guys! Sorry late ako…” Dumating na si Sandy. Narinig ko lang ang boses niya mula sa likod. Ewan ko pero parang ayaw ko siyang harapin.

“Hay salamat, andito na rin ang napakagandang artista naming…” Sinalubong ni Ram si Sandy. Naramdaman kong papalapit na siya sa ‘kin.

“Sorry talaga late ako… may inasikaso pa ako sa bahay eh…”

“PAK!”

Bigla akong nakaramdam ng isang malakas na batok.

“Hoy! Ano nangyari sa’yo? Bakit parang na-paralyze ka dyan?”

Binatukan ako ni Sandy, na gumising sa buong sistema ko. Ang sakit nun ah! Kaya gumanti ako ng batok sabay sabing, “Ewan ko nga eh! Siguro dahil batung-bato na ako sa kakahintay sa’yo!”

“Sorry na nga…”

“Sakit nun ah…” Hinawakan ko ang parte ng ulo kong binatukan ni Sandy.

“Sorry…” sabi niya sabay ngiti. Ang cute niya! Sobra!

“Pasalamat ka hindi kita matiis ha…”

“Uy! Hindi niya daw ako matiis…” sabi ni Sandy sabay yakap sa braso ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

“Sige na, sige na… I’save niyo na lang yan sa eksena niyo mamaya… basahin niyo na ang script at magrehearse na tayo maya-maya…”

Bumitaw agad si Sandy. Salamat Ram. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa ‘kin pag tumagal pa yung yakap niya. Siguro hihimatayin na ako.

Nagkaroon kaagad kami ng rehearsal pagkatapos naming ma-memorize ang script. Tapos nun nag-shooting na kami. At tapos nun hindi ko parin matanggal sa isipan ko ang ibang feelings ko para kay Sandy. Ewan ko ba… pero kahit takot ako, parang gusto ko paring aminin sa kanya -you know- gusto ko na siya! Umaatras abante lang naman ang lakas ng loob ko ko e… at tapang. Ang tapang na harapin ang takot ko. Hay naku… Ano bang gagawin ko?

Nakita ko si Sandy na mag-isang nakaupo sa isang bench sa tabi ng room naming. Matapos naming maka-shoot ng limang scenes nag-break muna kami at agad dumiretso si Sandy dun sa bench. Malalim ang iniisip. Naisipan ko siyang lapitan. Siguro hindi ko na dapat sayangin ang pagkakataong ‘to. Kailangan ko na yatang aminin. Kaya huminga ako ng malalim at nilapitan si Sandy. This is it!

The Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon