3 weeks later.
Bago pa man matapos ni Ram an gang script, umuwi muna ako ng Gensan. It feels so good o be home. After 2 years, ngayon lang ulit ako nakauwi sa mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Sila ‘yung mga taong kahit kailan, hindi ako bibitawan at iiwanan. I have a wonderful, loving and supportive family. Gusto ko ng makuntento ‘dun.
“Anak, may problema ka ba?”
“Po?” Alam kong kilala ako ng papa. Alam niya kung kailan ako talagang masaya at alam niya rin kung kailan pinepeke ko lang ang lahat.
“Babae ba?”
“Opo…” Tinabihan ako ni papa sa hagdanan papasok ng bahay. “Pa, bakit ganun?”
“Bakit ganun ang ano?”
“Bakit ganon kapag nagmamahal ka? Kung sino pa ‘yung pinakamamahal mo, siya pa ‘yung pinakamahirap maabot? Bago mo siya makuha, andami mo pang pagdaraanang bagyo… Matitinding bagyo kaya wala ka ng iabng choice kung hindi ang bumitaw na lang… Binitawan mo kasi alam mong hindi na tama… may masasaktan ng iba, at may mga tutol. Kaya kahit na sobrang sakit, nagsasakripisyo pa rin tayo…” Namuo ang mga luha sa mga mata ko, dahil na rin siguro sa bigat ng pakiramdam ko.
“Mahal mo ba talaga siya anak?”
Hindi naman siguro ganito ang feeling ko kapag hindi ko mahal si Sandy papa ‘di ba? Tanga ka ba papa? Huminga na lang ako ng malalim bilang sagot kay papa.
“Anak, kahit kailan walang mali lapag nagmahal ka. Kapag sumobra na, doon na nagiging mali ang lahat. Hindi ibig sabihin na kapag nasasaktan na kayong dalawa eh, mali na ang pagmamahal niyo… Hindi naman tayo nawawalan ng mga pagpipilian eh. Palagi lang nating iniisip ang kapakanan ng ibang tao kaya sinasabi nating wala tayong ibang choice, kung hindi ang bumitaw na lang. kung magiging matapang lang sana tayo sa pagharap sa lahat ng posibilidad, pwede mo naman idaan sa maayos na paraan kung gusto mo talaga siyang ipaglaban ‘di ba? Basta ba’t ‘wag ka lang maduduwag anak…”
“Sabi nga nila, learn when to hold on and when to let go… Tandaan mo ‘yun Ark! ‘Wag kang magparaya nang dahil lang sa mababaw na rason…”
After 2 days, bumalik na ‘ko ng Maynila. Pero hanggang ngayon, pabalik-balik pa rin ang mga sinabi ni papa sa utak ko.
“Kung mahal mo talaga siya, at kung siya lang talaga ang magpapasaya sa ‘yo, then have the courage to fifgt for her no matter what! Alisin mo ‘yang ugali mong masyadong mapagparaya… ‘Wag mong isipin ‘yang courage na ang hilig-hilig magparaya!”
“Tulad ng sinabi ko sa ‘yo Ark… Ayaw kong maging miserable ang buhay mo habambuhay… Ayokong gagawa ka ng mga desisyon na buong buhay mong pagsisisihan. Hindi masamang ikonsidera din natin ‘yung magpapasaya sa atin paminsan-minsan… Alam kong matapang ka anak! Alam kong kayang-kaya mo ‘yan!
That made me laugh. Tama nga si papa. I should have the courage to fight for Sandy. To fight for our love. Kasi alam kong ito lang ‘yung love na magpapatibok ng puso ko for the rest of my life…