The Happy Ending (Chapter 8: Ang Bagay na Pinakaayaw Kong Maging...)

35 1 0
                                    

Isa akong malaking tanga.

Umuwi ako ng bahay nag alit nag alit sa sarili ko. Hindi ‘ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko pa binawi at ginawang joke ‘yung sinabi ko. S***! Bwisit! Ang tanga-tanga ko talaga! Malung akong umuwi ng bahay, at malungkot din ang bahay nang sumalubong sa ‘kin.

“PA, anong nangyari?” Nakita ko ang papa. Nakaupo sa may balkonahe ng bahay at naninigarilyo. Bakas ko ang kalungkutan sa mga mata niya. “Nag-away kami ng mama mo..” Umupo ako sa tabi ng papa.

“Bakit po?” Matagal-tagal din akong nag-antay sa kung anung maririnig ko mula kay papa. Ito ang unang beses na ipinaalam sa akin ni papa ang totoong kundisyon nila ni mama. Alam na rin siguro nilang matanda na ko at kaya ko ng intindihin ‘yung mga bagay na ganito. Napabuntun-hininga ang papa.

“Isa lang naman ang ginusto ko para sa’yo ‘nak e… ‘Yung matupad mo lahat ng pangarap mo. Ayoko ‘yung gagawa ka ng isang bagay na habambuhay mong pagsisihan. Gusto ‘kong makamtan mo yung tunay na nilalaman ng iyong puso..”

Tulala lamang ako. Pero tumatak sa puso’t isipan ko lahat ng sinabi ni papa. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sila nag-away ng mama. Niyakap ko ang papa. “Maraming salamat pa…” Ramdam ko ang namumuong luha sa mga mata ko.

Agad na ‘kong pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko rin kagad ang mama na nakaupo sa may dining area. Lumapit ako sa kanya para magmano. At pagkatapos ‘nun, papasok na sana ko ng kwarto ko nang tawagin ni mama ang pangalan ko. “Po?” Bumalik ako sa may dining area.

“’Yan yung resulta mo sa MSU.” Ibinigay sa ‘kin ng mama ang isnag brown envelope… at naroon nga ang resulta ng exam ko sa MSU. “Atnakapasa ka…” Walang nagging reaction ang mama. Hindi ko siya nakitaan sa kasiyahan lalong-lalo na kalungkutan.

“Engineering ang gusto ‘kong course na i-take mo… Gusto ‘kong maging engineer ka.” Wala na ‘kong lakas para tanggihan pa si mama. Gustuhin ko man pero sapat na siguro ‘tong kaparusahan sa ginawa kong katangahan kanina. “Yan lang paraan para maging proud ako sa’yo”.. Lumayo na si mama, at pumasok sa kanilang kwarto.

Naligo ako bago tuluyang humiga sa kama. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Feeling ko ‘sang milyong kamalasan ang nangyari sa ‘kin sa buong magdamag. Gusto kong mapagdesissyunan isa-isa.

(1) Civil Engineer. This is the thing I never wanted to be. Kahit kalian hindi sumagi sa utak ko na magiging inhinyero pag tanda ko. Hatest subject ko ang Math, buong buhay ko ‘yung kinamumuhian. Tapos ngayon ‘yun pa ang nag-aantay sa ‘kin sa future?

Pero natigilan ako ng naisip ko si mama at papa. Siguradong mag-aaway silang dalawa kapag pinili kong mag-filming. At kapag sinunod ko ang mama, ‘di iimik ang papa. Hindi sila mag-aaway. Walang magaganap na gulo.

Ano nga bang mga posibleng consequences kung pipiliin ko ang kursong gusto ko? Anong magiging reaction ni mama? At anong mangyayari sa kanila ni papa? Possible nga kayang magkalabuan silang dalawa at tuluyan ng mauwi sa hiwalayan?

Alam ‘kong mahirap magkaroon ng broken family, kung sakali mang mangyari ang hiwalayang iniisip ko. Alam ko ang nangyari kay Ram at ayw kong mangyari yun sa ‘kin. Ayokong mawasak ang pamilya namin nang dahil lang sa desisyon na gagawin ko. Yes, I still have to decide… kahit na sobra-sobra kung mangampanya si mama sa kursong engineering para sa ‘kin.. pero kung susundin ko si mama, paano naman ang sarili kong kagustuhan? Pa’no ko magiging masaya sa magiging kinabukasan ko?

Siguro sa mga oras na ‘to hindi na mahalaga ang karapatan ko. At kung anuman yung gusto ‘kong marating. Ang issue ditto. E ang pamilya ko. Gusto kong maging open sa katotohanan na pwede nga silang maghiwalay nang dahil sa akin. Bata pa lang ako, pagiging inhinyero na ang paulit-ulit na binabanggit na gusto ni mama para sa ‘kin. Wala pa ‘kong kamuwang-muwang ‘nun kaya oo lang din ako n goo. Engineering din kasi ang gusting kunin ng mama nung nasa kolehiyo pa siya, kaso nga lang e hindi kakayanin ng lolo’t lola ko ang gastos kaya nauwi sa pagiging teacher ng Math ang mama. At ngayon, principal na siya ng isang pampublikong paaralan dito sa Gensan. Ipinangako niya sa sarili niya na kung sakali mang mahuli na ang lahat para matupad niya ‘yung dream niyang ‘yon, kami na ang tutupad ‘nun para sa kanya. Pumayag ako ‘nun, dahil wala pa sa puso ko ang pangarap na maging director someday. Ang sa akin lang dati e makanood ng paborito kong palabas at artista e ayos na..

Engineering na lang siguro ang kukunin kong course. Pipilitin ko na lang maging masaya sa kursong ‘yon alang-alang kay mama. Ito na lang pipiliin ko, kahit na alam ‘kong ito na yung desisyon na siguradong pagsisihan ko habangbuhay.

The Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon