The Happy Ending (Epilogue)

9 0 0
                                    

Pababa na ako ng lobby ng RMI Building. Kagagaling ko lang sa isang contract signing kasama si Sir Jaime Kameron. Nakilala ko na rin ang magiging director ng first ever movie ko. Si Ark. A friend from high school. Shocking man pero ganun talaga ang buhay eh, kailangan nating tanggapin ‘yon.

Hindi ko na alam kung anong nakain o nakita ko pero bigla akong naalala si papa. Kumusta na kaya ‘yung walang kwentang erpats kong ‘yun? Buhay pa kaya ‘yun? 4 years old pa lang ako nang iwan kami ni papa. Maraming dahilan kung bakit niya ‘yun ginawa. Dahil sap era, relasyon niya kay mama, relasyon niya sa ibang babae, sa pamilya niya, sa pamilya ni mama at marami pang iba na hindi nailista pa sa utak ko. Baka kasi kapag nalista pa ‘yun sa utak ko, tuluyan ko ng ipa-salvage ang sarili kong ama. And it is a mortal sin… ayokong magkasala ng dahil lang sa letse kong tatay.

Hindi ko talaga alam pero parang tatay ko yata ‘yung nakikita ko… Nilapitan ko ang isang kumpulan ng mga tao sa may kalsada. Naki-usyoso na rin ako sa pinakalatest na updates sa labas ng RMI Building.

Baka nagtataka ka kung sino ako. Ako nga pala ulit si Ram Benitez. 23 years old. At ako ang magsusulat ng pinakunang pelikula ni Ark Villanueva… isa raw siya sa mga brilliant directors ng RMB… Weh? Ows? ‘Di nga? Kailangan niya munang mapatunayan ‘yun sa akin bago ako tuluyang maniwala.

Nagulat ako sa nakita ko sa paglapit ko sa kumpulan ng mga tao. Isang lalaking nabundol ng isang Hammer. Kawawang nilalang naman ‘to. Pero mas ikinagulat ko nang nakita ko si papa doon… Humahagulgol. Yakap-yakap ang lalaking nabiktima ng isang lasing na driver.

“Papa?” Unti-unti siyang lumingon sa akin.

“Ram?” At patuloy na lumuha…

Umupo ako sa harap ng papa, sa gilid ng malamig na bangkay… “Anong nangyari sa inyo?”

Parang ang awkward naman nito. Parang ang bilis. Parang kanina lang naalala ko si papa tapos ngayon ay kaharap ko na siya…

“Anong nangyayari sa inyo? Sino siya?” ang muli kong tanong kay papa. Tinignan niya ang bangkay na ewan pero parang pamilyar siya sa akin. Pagkatapos ‘nun eh, nilingon ulit ako ni papa…

“Patay na si Paolo…” Paolo? Parang natatandaan ko na…

“Patay na ang kapatid mo…” Malungkot na tugon ni papa kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Doon ko lang napansin ang suot ng bangkay na yakap ni papa. Napaatras ako sa sobrang pagkagulat. Nakauniporme pangsekyu ang lalaki… This couldn’t be…

“Teka… hindi pwedeng… teka…” Napatayo ako kasabay ng pagtayo na rin ng mga balahibo ko. Malakas ang kutob ko na tama nga ang hinala ko.

“Siya ba ‘yung guard na ayaw akong papasukin kanina?”

“Opo sir. Siya nga ho ‘yun…” sumagot ang isang lady guard ng RMI Building. Tama bang mga naririnig ko ngayon?

Siya ‘yung guard na muntik ng ‘di ako papasukin… tapos ngayon, KAPATID ko pala siya?” O_o

                                                                  See You sa Part 2!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon