Siguro nga tama si George. I’m too immature. Wala pa akong alam. Pero paano ko matuto kung hindi man lang niya ko binigyan ng chance. First attempt pa lang. Basted na.
5:32 pm. Nakaupo ako sa isang bench sa gilid ng high school building. Kaunti na lang ang mga estudyante sa campus. Langhap ko ang sariwang hangin na mas lalong nagpapagaan ng loob ko. I am in a great mood!
I took off my bracelet. The bracelet given to me by George. And I guess this is my one way of moving on. I just placed it on the table. Hindi ko alam kung itatapon ko ‘yon o ano.
“’Di ka pa pala umuuwi?” It was Sandy.
“May practice pa sila sa loob eh.” I saw her staring at the bracelet.
“So, anong balak mong gawin sa bracelet na ‘yan?” As a response, I took a deep breath.
“Gusto mo akong gumawa?” I looked straight to her eyes. Worrying.
“’Wag ka mag-alala Ark, alam kong kaya mo yan…” She suddenly grabbed the bracelet and throw it far away. Ang galing ah! Halos hindi mahabol ng mga mata ko…
Hindi ko ma-explain ang feeling ko. Parang feeling ko kanina bigla lang nawala si George sa utak ko habang kasama ko si Sandy…. Kahit na si George rin naman ang pinag-uusapan.
This is the end of almost a month of sleepless nights. Pakiramdam ko unti-unti na akong nakakaahon sa isang bangin na punung-puno ng mga bawayang gutom sa dulo. Sa tuwing maaalala ko si George… wala na ‘yung sakit, yung lungkot. Ewan kung anong gayuma ang ginawa ni Sandy at bigla akong naging ganito. I felt that everything is falling into their right places. And nothing is going wrong. Everything looked so optimistic.
Nag-iinternet ako ng nakita ko ang Facebook profile ni Sandy. I checked it out. Hindi ko maiiwasang maaliw sa mga pictures niya. Sa mga cute niyang pictures. Ni-like ko pa nga yung iba. But a thought suddenly came into my mind. Tinanong ko ang sarili ko. Am I doing the same mistake George did? Am I using Sandy to move on and get over George? Sa paglayo ko sa bangin ni George, sasalubungin ko na naman ba ang bangin ni Sandy?
Naglog-out ako sa account ko. This is not right. Ayokong manggamit ng ibang tao. Gusto kong makalimutan si George nang ako lang… nang wala akong nasasaktan, nagagamit, o tinatapakang tao.
Monday. Start of another week. At pakiramdam ko, ang saya-saya ko at handing-handa na akong kausapin si George. Gusto ko na ring matapos na ‘tong gulong ‘to. Gusto ko meron na kaming closure. Gusto ko ng umusad ang buhay naming lahat at ang nangyaring iyon sa buhay ko kasama si George ay tuluyan ng makalimutan at maging parte na lang ng nakaraan. Nakaraan kahit kalian, ayoko ng balikan pa.
“Kumusta na kayo ni Eman?” Gusto ko lang itanong. Para malaman na rin niya na kahit papaano nakapagmove-on na ‘ko.
“That is not a usual question from you Ark…” Bakas ang pagkalito sa mukha ni George. Napangiti lamang ako. Kahit na kinakabahan ay pabiro ko paring tinanong, “Bakit, masama bang mangumusta?”
“Hindi naman… nakakapanibago lang…”
“Well… get used to it! Coz now, I’m a totally changed guy…”
Nalilito parin si George, pero ako, masayang masaya ako nang masabi ko ‘yun sa kanya.
“So, kumusta na nga kayo?”
“We’re fine. Actually, we’re going stronger. I didn’t expect na magiging masaya pa pala ako ng ganito.” She smiled. She really looks so happy.
“I’m happy for you George..” I won’t expecting for my response too.. Hindi ko in-expect ‘yung sinagot ko. But that was true. I’m really happy for her. Masaya ko kasi nararamdaman na niya ngayon yung kasiyahan na dati ko pa gustong iparamdaman sa kanya…. Knowing hindi naman ako ang makapagbibigay ‘non.
“Ang gwapo mo ngayon Ark ah..” Ibang-iba ang salubong ng mama sa akin.
I faced the mirror. Pakiramdam ko ibang-iba ang awra ko. Mas masaya, mas maaliwalas, mas buo. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sa tuwing naaalala ko kasi si George, wala na yung sakit. Basta’t alam kong nasa mabuti siyang kamay at masaya siya sa desisyon niya, kuntento na ‘ko.
Malaking tulong rin siguro yung pagiging positive thinker ko. In every situation I’m into, I always seeking for the optimistic side. Naniniwala kasi ako na kapag lagi mong iniisip ang mga negatibong bagay sa buhay mo, mahihila pati ang kinabukasan mo. Pati fortune mo, magiging negative na rin. Wala ng mangyayaring tama sa buhay mo. Lahat mali, hindi mo ginusto… negatibo. Lagi kong iniisip yung pinakamagandang bagay na pwedeng mangyari sa buhay ko at hindi ‘yung kabaliktaran.
Nagsisimula na ‘kong mahalin ang sarili ko. Natutunan ko na, sa lahat ng desisyon na ating ginagawa, hindi lahat ng oras kailanagn nating isipin ang ibang tao. Hindi ka rin magmumukang selfish kung paminsan-minsan e iniisip mo ang sarili mong kapakanan at hindi ng ibang taong umaasa at nakapaligid sa’yo.
Maswerte na rin siguro ako. Maswerte ako kasi meron akong akong courage para ‘wag matakot at harapin ang katotohanan. I chose not to be afraid of facing what is really happening. Ayoko ng umabot sa puntong wala na ‘kong ibang kayang gawin kung hindi ang mahalin siya, masaktan at muling magmukmok. Ayokong maging ganon. Nagging matapang ako sa katotohanang meron tayong mga gusto na kahit anumang gawin natin, hindi natin makukuha. Marahil na rin siguro, hindi ‘yon para sa atin. Ikanga nial, “Wish what you deserve, not what you desire..”
Kung eto man ‘yung sinasabi nilang “moving on” stage, kuntento na ‘ko. Masaya na rin ako na kahit papano, unti-unti ko ng nakakalimutan ‘yung naramdaman ko para kay George.
![](https://img.wattpad.com/cover/1351535-288-k690865.jpg)