The Happy Ending (Chapter 24: Ang Happiest Ending)

17 0 0
                                        

“Dingdong!”

Kahit na parang ayaw ko pa ring bumangon, pinilit ko pa ring tumayo. Ewan pero sariwa pa rin ang lahat ng nangyari sa akin kanina sa airport. Mahirap na sigurong burahin ‘yon.

“Sandy??!” Nanlaki ang mga mata ko sa pagbukas ko ng pinto. Totoo ba ‘to?! Si Sandy ba talagang nakikita ko??!!

Agad akong sinalubong ng yakap ni Sandy. Hindi nga ako nagkakamali. Si Sandy nga ‘to!

“I love you so much Sandy…” sabi ko sa kanya habang yakap ko siya…

“Mahal na mahal din kita Ark…” Kahit hindi ko na naintindihan ang mga nangyayari, kakaibang saya pa rin ang nararamdaman ko. biglang binuhay ng yakap na ito ang katawang lupa ko.

“Sandy... Anong nangyari? Akala ko ba nakaalis na kayo?”

“Hindi natuloy eh…”

“Bakit?”

“Kasi dumating ‘yung isang taong pinakahihintay ko. iniwan niya pa ang kotse niya sa kahabaan ng EDSA para lang masundan ako sa airport…” Doon ko lang din napansin ang kotse ko, na nakapark na pala sa labas… Napangiti na lang ako…

“Bumili pa siya ng bike para abutan ang flight ko…”

Php 3,532.62. ‘Yan ang exact price ng bike na nabili ko, accidentally. Kung nalaman ko lang na goodbye lang din pala ang masasabi ko kay Sandy, edi sana hindi na lang ako gumasta ng ganong halaga… tsk3…

“At ang pinakamatindi sa lahat, nagawa niya pang magsinungaling sa guard at sabihing staff siya ni Mr. Volt para lang makapasok siya sa passenger’s area… At makausap ako…”

“I love you Sandy. ‘Yon lang ‘yung nag-iisang rason kung bakit ko nagawa ‘yung lahat. At kung kinakailangan kong gawin ‘yun ulit, gagawin ko… para lang sa ‘yo…”

Muli kong niyakap si Sandy. Ngayon, kabaliktaran na ang nararamdaman ko mula kanina. Unexplainable happiness ang nanalantay sa katawan ko. ibang-iba talaga.

Napansin ko si Carl na nakatingin lang sa amin. Hindi na ako nagdalawang-isip na puntahan siya…

“Maraming salamat Carl…”

“Don’t mention it… Masaya ko kasi masaya na kayong dalawa. Ayaw ko rin naman na may kahati ako sa puso ng babaeng mahal ko. That would be a big burden for me and for her…” Pumasok na ng kotse niya si Carl… at umalis na rin pagkatapos…

“Sandy…” Humarap ako sa kanya.

“Sobra kitang na-miss kung alam mo lang…” Wala na akong pinalampas na pagkakataon. Dahan-dahan kong nilapit ang mga labi ko sa mga labi ni Sandy at hinagkan siya. Feeling ko, ito pa lang ang unang beses na nahalikan ko siya sa labi. Ibang-iba ang pakiramdam kasi alam kong masaya ang atmosphere at malayo na kami sa mga masasamang espiritu… Ang saya-saya ko talaga! Sobrang saya!

Pantasya lang ang happy ending. Parati lang siyang andyan para maging inspirasyon natin para malampasan lahat ng problema at pagsubok sa buhay. Ang happy ending ang nagsisilbing hangganan sa lahat ng bagay at pagkakataon. In every situation, it is not a given option. Hindi tayo sigurado kung magiging masaya tayo sa bandang huli, that’s why we learn to take risk. At kapag nag-take ka ng risk, isa lang ang siguradong magiging resuta ‘nun… mapa-mabuti o masama man ang consequences for sure you will be a stronger, better and more beautiful person.

Ngayong masasabi kong ito na nga ang happy ending ko. Hindi ibig sabihin na kapag nakamit mo na ‘yung happy ending mo, pwede ka ng mamatay. Sa dami ba naman ng blessings na tinatanggap ko ngayon, may karapatan pa ba akong magreklamo?

My first 2 movies with Ram, entitled Bad Romance and Blank Tape were awarded as the Box-Office movies for this year 2018. At ngayon, ginagawa na naming ang sequel ng Bad Romance entitled Worst Romance, dahil na rin sa matinding public demand. Sobrang grateful ako sa mga taong sumusuporta ng mga pelikula ko.

Iba talaga ang feeling kapag sa bawat tagumpay mo ay kasama mo ang babaeng mahal mo. Mas lalo kang nagpupursige na magawa ng maayos lahat ng mga bagay na nakatakda nating gawin. That’s why we should make the most out of every single second na kasama natin ang ating mga mahal sa buhay. Dahil ang time at love ang dalawang priceless na bagay na nag-e-exist sa mundong ‘to.

Kuntento na ako sa banging tinalunan ko. Alam kong dito na ‘ko magiging masaya habambuhay. Alam kong ito ang desisyong hinding-hindi ko pagsisihan for the rest of my life. Basta ba’t kasama ko si Sandy at alam kong mahal naming ang isa’t-isa, hindi ako matatakot humarap sa lahat ng nakaambang pagsubok. I’m not just in love with Sandy. I live by her. Hindi ko na talaga kakayanin kapag nawala ko na naman siya.

Ngayon, sa tuwing biglang bumubuhos ang malakas na ulan, iba na ang naaalala ko. parang nakikisabay ang panahon sa roller coaster ride na buhay ko. wala na ‘yung dating sakit. Puro ngiti at magagandang alaala na lang ang naiiwan. At kahit na matapos man ang isang buong magdamag… hindi pa rin ako matatakot, kasi alam ko namang may naghihintay pa ring bukas. Isang bukas na nagbibigay ng panibagong saya, panibagong pag-asa at panibagong ason upang mabuhay. Ang sarap bumangon kapag kasama mo ‘yung babaeng ang tagal-tagal mong pinangarap makasama. Ang sarap mabuhay kapag alam kog nandyan si Sandy sa tabi ko. hindi na kami maghihiwalay. Hinding-hindi na.

Ipinagako ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ako mapapagod na mahalin si Sandy… hinding-hindi ako susuko kahit na ano pa mang problema o bagyo ang dumating sa aming dalawa… At kahit mapudpod na ang mga paa ko, hindi pa rin ako titigil hangga’t ‘di ko nakakamit ang HAPPIEST ENDING… na pwedeng marating dito sa mundo. Mundo na kung saan lahat ng nagmamahal, later on…, nagpapakatanga… =)

Masaya na ako dito. This. Is my HAPPY ENDING. And this is where the new chapter of my life begins… Of course with the one I love, Sandy… =D

                                                                              The End

The Happy EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon