Sunday. Kalalabas ko lang mula sa sinehan.
I always think of being a director someday. Pangarap ko na mapanuod ‘yung totoong nilalaman ng utak ko at ang imahinasyon ko sa isang napakalaking screen. Gusto ‘kong mapakita sa mga tao na kaya ng Pinoy na makagawa ng mga pelikulang kakaiba ng sa Amerika.
“Ano? Gusto mo maging direktor? E ano namang kinabukasan ang makukuha mo dyan?? ‘Yan ang sabi ng mama sa tuwing nababanggit ko sa kanya ang pangarap ko.
“Pero ma, wala naman ‘yung course na gusto ko rito ‘e. ayokong mag-aral dito.” Tumanggi ako sa eskwelahang gusto ni mama para sa akin. 1st year pa lang, ini-insist na niya na dito ko mag-aral.
“Engineering ang gusto ko para sa’yo Ark. At kapag MSU ka nag-aral, siguradong mapapsa mo ang exam!”
“But ma, this is not what I want… I want filming…” Matindi talaga ‘tong pangarap na ‘to e. Ito talaga ‘yung sinisigaw ng puso o at malaman ikamamatay ko ‘pag hindi ko ‘to natupad.
“Tapos na ang usapang ito Ark. Sa ayaw at sa gusto mo, magsi-Civil Engineering ko gaya ng tito mo… ’Don ka mas magiging maunlad.. Hindi sa letseng filming na ‘yan..” At pumasok na si mama ng kwarto. Wala na ‘kong nasabi.
This is really unfair! Paano naman ‘yung gusto ko? Lagi na lang ba ‘yung gusto niya ang masusunod? Pero buhay ko naman ‘to diba? May karapatan naman siguro akong magdesisyon para sa sarili ko. Hindi na rin ako musmos para hindi malaman ang kung anumang nararapat para sa buahy ko. Oo nga’t, mothers know best, pero palagi na lang bang ganun? Paano lalaki at matututong maging independent ang mga anak kung lagi na lang natin itong paiiralin?
“So guys.. Good luck to your films.. I expect that to be pass next month.. Goodbye everyone!” At umalis na ng classroom ang English teacher naming.
“Magkagrupo tayo?” I asked Sandy and she just smiled… Oh damn! She’s so pretty!..
Honestly, mas ginaganahan akong gawin ang movie.. Lalo na’t nalaman kong magkagrupo kami ni Sandy. I don’t know but I really find Sandy so interesting. Parang para sa akin napakamisteryo ng dating niya… I really want to know her more…
“Ark, ako ng magsusulat ng story… please!” kagrupo rin pala kami ni Ram. Mukhang talon a yata ang kabilang grupo nito. Pinagsama ang magagaling! XD!
“Sige, pero dapat bukas tappos na…” hamon k okay Ram.
“Sige ba!”
At sinunggaban niya rin! Yan ang gusto k okay Ram. Walang inuurungan sa mga hamon ko. Minsan nga nagmumukha siyang tanga e. pero magaling si Ram. Lalo na sa pagsusulat. Sikat rin siya sa campus dahil sa mga stories na sinusulat niya. Kaya nga mala sang kabilang grupo eh. Kaya nga mala sang kabilang grupo eh. Pinagsama nila ang mga magagaling sa grupo naming. Si Ram, ako, at si Sandy!
“Oh, eto na!”
Natapos nga kaagad ni Ram ang story sa isang gabi lang. Impressive!
“Galing ah! Tapos agad! Akala ko di mo matatapos…”
“Huh… Mali ang akala mo…”
Payabangan talaga kami n’yan ni Ram. At ngayon nalamangan niya ako.
Binasa ko ang story na ginawa niya. Isang love story. Hindi ko alam pero sa aking pagbabasa, ang naiisip kong mga bida ay ako at si Sandy. Natatwa lang ako sa tuwing nai-imagine ko na si Sandy ang bidang artista at ako ang leading man niya. Ano bang nangyayari sa ‘kin? Hay naku. Nababaliw na yata ako.
“Okay, casting na tayo!”
Agad kong tinipon ang grupo pagkatapos kong magbasa, para sa isang meeting. Na-excite naman ang lahat. Pagkatapos kong masabi na casting na kami. Pinakwento ko muna kay Ram ang plot bago ako humingi ng suggestion sa mga kagrupo naming. Nauna si Ram sa pagsa-suggest.
“Ark, mas maganda ata pag kayo ni Sandy sa lead roles…”
Ako?