The Happy Ending (Chapter 16: Ang Lalaking Nasa Likod ng Kasawian)

6 0 0
                                    

10:00 am. Starbucks Coffee.

Kapag sinabi kong hindi ako male-late, hindi ako male-late. Lalo na’t isang napaka-espesyal na tao ang nagrequest ‘non. =)

“Eton a ‘yung bayad para sa lahat ng gastos mo kahapon sa kapatid ko. Bawal mong tanggihan ‘yan. It’s a law. “

“Hindi ko naman ‘to tatanggihan eh. Sayang naman ang pera kung ibabalik ko pa ‘di ba?”

“Oo nga naman… So Ark, what’s new? Kumusta ka na?” Hanggang ngayon, naaamaze pa rin ako sa gandang taglay ni Sandy. Sobrang iba talaga. “Eto, masaya naman. Finally, director na ‘ko. at makakagawa na rin ako ng mga pelikula… which was a dream come true…”

“And guess who’s the writer of my first film?!” I got excited. Ano kayang magiging reaction ni Sandy ‘pag nalaman niya na si Ram ang magsusulat ng first film ko?

“Huh?” medyo nalito si Sandy. “Just name names of writers you know…”

“William Shakespeare?”

“Nope. Ang swerte ko naman kung ganun.”

“Stephenie Meyer?”

“No again. Imposible pa ‘yun Sandy.”

“J.K. Rowling?”

“Hindi rin. Busy pa siya sa Harry Potter Sand.”

“Andrei Niffenegger?”

“No again…” I’m enjoying this… =)

“Last na ‘to ah… Nicholas Sparks?”

“Wrong!... It’s Ram! Ram Benitez! Siya ang magsusulat ng first film ko!”

“Wow! Congrats! Naglevel-up na talaga kayo ni Ram ah…” Biglang napatigil si Sandy.

“Ark, can I ask you omething?”

“Sure… Ano ‘yon?”

“May girlfriend ka na ba?”

“Wala pa eh… I never had one after high school…”

“After high school?... Hindi naman siguro dahil ito doon sa nangyari dati… you know…”

“Of course not! It’s just that… I haven’t found the perfect one for me…” Isa na namang kasalanan ang nagawa ko sa Diyos. Mapapatawad Niya pa kaya ako? “Eh, ikaw? Kumusta? Kumustang pagdodoktor?

“Katulad mo masaya rin… Lalo na kapag, nakakaligtas ka ng buhay ng isang tao… o ng marami pa. Masaya kapag nakakatulong ka sa kapwa mo…” Sandy is an extraordinary girl. Tama siya sa sinabi niyang nakakatulong siya sa kapwa niya. Kaya nga ako, natulungan niya ring makapagmove on.

“Siguro may boyfriend ka na ngayon ‘no?” pabiro kong tanong kay Sandy.

“May boyfriend ka na ‘no?” inulit ko ang tanong ko. I already prepared myself for anything that she will utter. Medyo matagal din bago siya nakasagot.

“Oo…” ang sabi ni Sandy.

And then a moment of silence. Wala ‘kong sinabi. Hindi ko alam kung anong magising reaction ko. so may boyfriend na nga talaga si Sandy. Great.

Ngumiti lang ako. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Ayokong isipin na wala na naman kaming happy ending. Na dahil sa may boyfriend na siya, kailangan ko na naman siyang pakawalan. Just like before, mare-rewind lang ang lahat.

Umalis kami ng coffee shop at dumiretso sa restaurant na business ng mama ni Sandy. Lunchtime na rin kasi at inaya niya na rin ako na ‘dun mag-lunch. Gusto rin daw akong makilala ng mama niya.

“Fan din si mama ng mga dinirek mong series ‘no. Pati nga si Carl eh, pinanunuod din ‘yon.”

“Carl?... your boyfriend?” Tumango lang si Sandy at ngumiti.

Carl. So that’s the guy’s name. “Makikilala ko na rin ba yang boyfriend mo?”

“Gusto mo ba siyang makilala?”

Why not? Parang ang guilty ko naman kung ayaw ko siyang makilala. Huwag lang talagang magkamali ang lalaking ‘yon, kundi uupakan ko ‘yun eh.

23 years old na si Sandy. Pareho kaming binago na ng panahon. Pagtungtong mo ng 20s, siguradong magbabago na ang mga pananawat priorities mo sa buhay. Mas magiging mature ka ng mag-isip. Kaya nga hindi talaga dapat tayo magsalita ng tapos, kasi baka sa huli… kainin lang din natin ang mga sinabi at sasabihin natin.

“You’re mom really did a great job on this…” ‘Yon lang ang nasabi ko after a tour on the restaurant. Pagkatapos ‘nun ay nakilala ko na ang anay ni Sandy, at kasabay din naming siyang nananghalian. Their food was good. Mas masarap kaysa doon sa mga nakasanayan kong restaurants.

Sandy’s mom thanked me for saving his son. Hindi ko alam kung bakit at sa kung anong paraan ko nailigtas si Kevin.

Kakasimula pa lang naming kumain nang dumating ang isang lalaki.

“Hey, sorry babe, sorry tita… I’m late…” Hinalikan ng lalaking ‘yon si ang mama ni Sandy at si Sandy. And, si Sandy ba ang tinawag niyang babe?

“Direk Ark?” He called me.

“Oh, by the way babe. This is Ark Villanueva, a friend from high school and now a director of RMB. And Ark, this is Engr. Carl dela Cruz, he’s the head of the engineering department of RMB… and also my boyfriend…”

“Nice meeting you Ark…”

“Same with me Carl.” Nag-shakehands kaming dalawa. Hindi ko alam pero parang may something na kumurot sa puso ko.

So he’s the guy… Siya ang taong magiging hindrance para sa isang buhay na happy ending kasama si Sandy.

The Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon