The Happy Ending (Chapter 10: Ang Huling Beinte-Kwatro Oras)

21 0 0
                                        

“You have to say that to her as soon as possible!.. and if possible, call her at sabihin mo na ‘yan lahat-lahat sa kanya!” Sa mga sinabi ni Ram, hindi ko talag alam anong una kong gagawin… Gustung-gusto ko ng tumalon mula sa kinauupuan ko ngayon at takbuhin ang bahay nila. Kung pwede lang sanang gawing 4:00 pm ang 5:00 pm na dismissal time naming… (sigh)

Sinubukan naming siyang tawagan. Pati sila Ram, Frank at iba ko pang kaibigan, tinawagan siya kaso lang… ‘di siya sumasagot. Kahit nang tawagan siya ng mga kaibigan niya, busy pa rin… Ano ng gagawin ko?!...

“Meron ka na lang isang araw para masabi ‘yan sa kanya Ark…” ang sabi ni Ram. Alam kong masasabi ko na ‘to sa kanya mamaya dahil desidido akong pumunta sa bahay nila, abutin man ako ng dis-oras ng gabi.

“I guess everything is too late… Kung sakali mang maging kayo, masyado na ring huli ang lahat… kasi ga-graduate na tayo eh,” sabi ni Frank. For the first time, nagkaroon ng sense ang sinabi ni Frank. At dahil sa sinabi niya… napadalawang-isip tuloy ako… Anong mangyayari mamaya? Anong sasabihin ko sa kanya? At pagkatapos ‘nun? Kami na? Pero masyado ng huli ang lahat… Paano sa college? Magiging kami pa rin kaya? Tatagal ba kami?... Gulung-gulo na ang utak ko!

“Headache!” Oh s***! Lalo lang sumasakit ang ulo ko. Hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras.

After class, wala na ‘kong sinayang na oras. Pumunta ako ng bahay nila Sandy exactly 2.3 kilometers from the school. Hindi ko kabisado kung saan sa subdivision na ‘to ang bahay talaga nila Sandy. Kailangan ko talaga siyang makausap. Kailangan kong masabi ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Baka sakaling may magbago pa. baka sakaling magkaroon pa rn kami ng isang happy ending.

6:32 pm. Hindi ko na alintana ang pagod. Sigurado na ‘kong mahal ko si Sandy at kung kaya ko, susundan ko siya hanggang kolehiyo. Kaya kong ipangako na habambuhay ko siyang mamahalin… bilang kapalit na rin sa lahat ng sakit at luhang idinulot ko sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na ganun din pala ang nararamdaman niya pareho lang pala kaming dalawa. Pipilitin ko si mama na mag-aaral ako sa school kung saan mag-aaral si Sandy. Just can’t imagine life without her. Mahal ko na nga talaga siya. Pero walang happy ending ang lahat hangga’t hindi ko nakikita ang bahay nila Sandy.

I suddenly stopped from running. Saan pa ba ang magiging destinasyon ko? Nalibot ko na ang buong subdivision, at hingal na hingal na rin ako.

Ram called… “Tinawagan ko na si Sandy… alam na niyang andyan ka sa subdivision nila…”

“Thanks Ram…” Tagaktak na ang pawis ko, at ramdam ko na ang kanina pang isinisigaw ng mga tuhod ko. I didn’t notice that I was already kneeling with my head bowed down. Hindi ko na alam ang susunod kong mararamdaman. Everything was so blurred and unclear.

Doon ko lang napansin na may tao nap ala sa harapan ko. Unti-unti akong lumingon pataas… Siya ang taong pinakakailangan ko sa mga oras na ‘to. Siya ang babaeng kanina ko pa hinahanap… Hindi ko na napigilan ang mapangiti ng makita ko si Sandy sa harapan ko…

“Tumayo ka na dyan… Baka pudpod na ‘yang tuhod mo kakaluhod dyan…” Tumayo ako sa harapan ni Sandy. Hindi man obvious pero parang gusto ng humiwalay ng puso ko sa sobrang sayang nararamdaman ko ngayon. “Oh ano na? bakit ka andito?”

“Sandy… Sandy, I’m sorry…” Ang dami-dami kong gusting sabihin kay Sandy at hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nakatitig lang siya sa akin. Nag-aantay sa bawat katagang lalabas sa bibig ko. “Sorry kasi… nagpakatanga ko… Naging unaware ako sa feelings mo…”

Nakikita ko ang mga namumuong luha sa mga mata ni Sandy.

“Just seven months ago… iniwan ako ni George. Iniwan ako ‘nung babaeng minahal ko ng sobra… Pakiramdam ko ‘nun katapusan na ng mundo ko… pero hindi pa pala… Nakilala ko ‘yung babaneg muling nagbalik nang nawasak na mundong ‘yun sa akin. ‘Yung babae na tinuruan muli ako ng tunay na pagmamahal. Medyo corny man, pero ‘yon talaga ang totoo…”

“’Nung una natakot ako. Natakot ako nab aka matulad lang din dati ang lahat. Na baka mabalewala lang ako at baka masaktan lang ako ulit. Natakot ako na baka ‘pag tumalon ako sa bangin niya, sasalubungin lang ako ng mga buwayang gutom sa dulo. Ang hirap na kasi kapag… nasaktan ka na naman for the second time around… At wala kang ibang masisi kundi ang sarili mo. Pero nawala ang lahat ng ‘yon… Nawala lahat ng doubts ko simula ‘nung maibalik ng babaeng ‘yon ang tiwala ko sa pag-ibig…”

“Araw-araw, bugbog na bugbog ako… Araw-araw akong nakikipaglaban sa katotohanang mahal ko na nga ang babaeng ‘yon. Kahit na ilang beses ko kasing i-insist sa sarili ko na… I shouldn’t expect anything in return… may maliit na part pa rin ng puso ko na… gabi-gabing nagdarasal n asana, usto rin ako ng babaeng mahal ko…”

“Minsan ko nang sinabi sa kanya na gusto ko siya… but because I’m stupid… I took it back… at sinabing joke ko lang ‘yon. Naduwag kasi ako sa pwede niyang isagot ‘don eh… Hindi niya alam kung gaano ko pinagsisihan ang joke na ‘yon… ‘Ni hindi ko nga alam kung paano ko siya kakausapin ‘nun eh. Wala akong lakas ng loob para harapin siya…”

Walang halong acting ito. Gustung-gusto ng lumabas ng luha ko ngayon pa lang…

“Pero ngayon, eto na ‘ko. Siguradong-sigurado na ‘ko sa kung anuman ang nararamdaman ko para sa kanya… Nang dahil sa babaneg ‘yon, mas buo na ‘kong tao ngayon. At handing-handa na ‘kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko kamahal ang babaeng nasa harapan ko ngayon!..”

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Tears of joy. Sa wakas, nakahinga na rin ako ng maluwag. Nasabi ko na rink ay Sandy ang bagay na halos 4 na buwan kong itinago sa puso ko…


“Sandy, mahal na mahal kita… at ayokong nakikita kang umiiyak ng dahil sa ‘kin…” Inalayan ko siya ng isang blue handkerchief na nakuha ko mula sa aking bulsa… para naman tumahan na siya kakaiyak.

“Akala ko kasi wala ng pag-asa… ‘Kala ko hanggang joke na lang ‘yun… Akala ko na hanggang doon na lang matatapos ang lahat… Pero hindi pala… Kung iniisip mo nab aka hindi kita magustuhan…, e tanga ka pala talaga eh. ‘Ni hindi mo man lang sinubukan para mas maaga mo nalaman na…… mahal na mahal ka rin ‘nung babaeng nasa harapan mo ngayon…” Sandy smiled. Isang napakameaningful na ngiti. Mas lalo ‘kong nai-in love kay Sandy. Mas lalo ko siyang minamahal.

The Happy EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon