The Happy Ending (Chapter 11: Ang Huling 24 Oras - Part 2)

13 0 0
                                    

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Parang nakisabay ang panahon sa roller coaster na feeling ko ngayon. Alam naming pareho kaming mababasa sa ulan ‘pag ‘di kami sumilong… pero nanatili kami ni Sandy kung saan kami nakatayo. Parang ayoko ng matapos ‘tong gabing ‘to. Niyakap ko si Sandy para mas maiparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya. Napakamagical ng moment na ‘to para sa ‘kin, habang yakap ko si Sandy. Sulit lahat ng naranasan ko bago ko ma-realize na mahal ko siya. Sobrang kaligayahan ang nararamdaman ko ngayon.

Sa kabila ng kasiyahang nararamdaman ko ngayon, hindi ko pa rin maipaliwanag ang mga hikbi na naririnig ko mula kay Sandy. Hinarap ko siya dahil alam kong may gusto siyang sabihin sa ‘kin. May dapat siyang ipaalam sa akin.

“Mahal na mahal kita Ark…” Ramdam na ramdam ko ang mga salitang nanggagaling kay Sandy. Lahat galing sa puso. Alam kong lahat, ay totoo.

“Kaso lang… masyado nang huli ang lahat para sa ating dalawa… Bilang na ang mga oras at magkakahiwalay na rin tayo…”

“Pero Sandy, susundan kita… Kung saan ka man mag-aaral, ‘dun din ako mag-aaral… I promised to myself that I will never leave you… and we wwill always be together… Na hinding-hindi tayo maghihiwalay…” Hawak-hawak ko ang mga kamay ni Sandy. Ewan pero parang biglang bumalik ‘yung takot at kaba ko nab aka mawala ko na naman si Sandy. Pareho na kaming basing-basa sa ulan. Umiiyak pa rin si Sandy…

Pero binitiwan ni Sandy ang kamay ko.. “Hindi ganon kadali ang lahat Ark…”

“Pero Sandy, mahal kita—“

“Kaya mo ba ‘kong sundan hanggang Cebu?..... Kaya mo ba Ark?”

“Cebu?”

Nanginginig na ang boses ko.

Biglang tumigil ang mundo ko. Wala akong maramdaman. Para akong na-paralyze. Tama bang narinig ko?.. Sa Cebu mag-aaral s Sandy?

March 23, 2011. Last day of school.

Ginawa ko ang lahat para pilitin ang sarili kong pumasok ngayong araw. Ayoko na kasing lokohin ang ibang tao at ipakitang okay lang ako. An hirap-hirap maging Masaya lalo na sa tuwing nakikita ko siya. Naaalala ko lahat ng katangahang ginawa ko. Pati na rin ‘yung sakit.

Masyadong masakit ‘yung katotohanan na kahit kailan… hindi kami magiging masaya na kahit kailan… hinding-hindi kami magkakasama. The destiny never gave me the chance to show how much I value and love her. Kahit na nasa 500% na ang effort mo, kung ‘di talaga agree ang destiny… walang-wala pa rin. True love n asana, kaso lang… naudlot pa.

This day was filled by sadness. Marami ang nag-iiyakan, marami ang nalulungkot at maramiang iiwanan. Graduation na kasi bukas. Bukas na an gaming highschool finale. Malungkot man, pero lahat kami dapat maging matapang sa pagharap ‘non. Kahit na ako, sobrang malungkot din… Apat na taon ko rin nakasama ‘tong mga mokong na ‘to. ‘Yung iba… since elementary pa nga. We see each other’s growth, lalo na sa mga immaturities naming.

Binigyan ako ng isang envelope ng adviser ko. Hindi ko alam kung ano ‘yon…

“Letter from UP… Lahat kayo makakatanggap niyan,” sabi ng adviser namin.

A letter from UP? Anong ibig sabihin nito? I opened the envelope gently. Ayokong itanim sa kokote ko na tama ang hinala ko. Na nakapasa nga ako.

“Congrats Ark!! You passed!!” sigaw ng mga kaibigan ko…. “Yoh Ark! Scholar ka oh!”

“Ang galling! Wow!” Walang kalagyan ang saya sa puso ko. Iyon lang ang nasabi ko matapos ang resulta ng exam ko. Feeling ko daig ko pa ang nanalo ng Oscars dahil dito. Now I can really say… ITO NA ANG KATUPARAN NG MGA PANGARAP KO! =)

But I remember someone. Si mama. Papayagan niya kaya ako? Papayagan niya kaya akong lumuwas ng Maynila para mag-aral ng filming sa UP? Sana lang oo. Ayoko na kasing umabot ako sa point na pati sarili kong pamilya tatalikuran ko para lang sa pangarap na ‘to.

The Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon