“Tapatin mo nga ako Sandy, mahal mo pa rin ba si Ark?” Tinanong ako ni Carl pagkatapos niyang maibigay ang isang baso ng juice sa ‘kin. Anong isasagot ko?
“Huh? Ano bang klaseng tanong ‘yan?”
“Just answer it. Do you still love Ark?” I prepared myself. Siguro naman bilang boyfriend, karapatan ni Carl na malaman kung anong totoo mula sa akin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“It doesn’t matter Carl if I still love him or not. What matters most is that I’m now with you and we will always be inseparable…” Gusto kong iparating kay Carl na sincere ako sa mga sinabi ko. ayokong isipin niya na niloloko ko lang siya, dahil hindi naman talaga.
“Hindi nga ba?”
Gusto kong sagutin ang tugon ni Carl pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko na kayang magsalita pa sa harap niya.
“Mahal kita Sandy. Mahal na mahal. But I never expected that because of someone like Ark… magiging ganito tayo…” And then he left.
Tears run down my face. Hindi ko na napigilan ang mga luha na kanina pa nakaimbak sa mata ko. ginugulo ni Ark ang mundo, for the second time around. Bakit ba kailangan ko pa siyang Makita ulit? Buong akala ko eh nakalimutan ko na siya pero bakit ganito? Bakit parang muling nabuhay ‘yung parte ng puso ko na nagsasabing…
“Mahal ko si Ark! At gagawin ko ang lahat para lang sa kanya!”
“Irrr!!!!” Nasa balcony ako ng kwarto ko. Gusto kong maging klaro ang lahat para sa akin. O ano na Sandy? Maging tapat ka nga sa sarili mo… Mahal mo pa rin ba si Ark? Kung mahal mo siya, sinong mas matimbang sa puso mo? Kung mas matimbang si Ark, kaya mo bang iwan si Carl para sa kanya? Kung kaya mo nga, sa tingin mo ba magiging masaya ka na? Magiging happy ending nab a ang lahat?
Pero teka teka teka… Bakit parang pabor kay Ark lahat ng tanong mo? Anong ibig sabihin nito? Sa tingin mo ba mahal mo pa rin si Ark?
Isang thought ang sumagi sa utak ko. naisip ko si Carl. Naisip ko na malaking factor si Carl kung bakit hindi ko maamin-amin sa sarili ko ang totoo. Ang katotohanan na mahal ko pa rin si Ark. Na hanggang ngayon, kung papipiliin ako, si Ark pa rin ang mananaig sa puso ko. pero naiisip ko si Carl. May boyfriend na ako, at sa kanya ko dapat ituon ang buong puso ko. Kay Carl na. At kay Carl lang.
“Kailangan mong pumili kung saan ka magiging Masaya. Dahil kung hindi ako mamimili agad, mas lalo ko lang silang masasaktan…”
Lahat tayo walang ibang hinahangad kung hindi ang isang happy ending. Lahat tayo nakatakdangmaging Masaya, pero iilan lang ‘yung tumatagal hanggang huli. Alam kong kapag pinili ko si Carl, merong masasaktan. At kapag pinili ko naman si Ark, meron pa ring masasaktan. Sa mga oras na ‘to, ang sarap tawagan ng COMELEC at idaan sa isang election na lang itong magiging desisyon ko. majority wins na lang, para wala ng sisihan pa.
Mahal na mahal ako ni Carl, at alam kong hinding-hindi niya matatanggap kapag nalaman niyang mahal ko pa rin si Ark hanggang ngayon. Alam kong nahalata na niya ‘yon ‘nung hindi ko nasagot ang tanong niya ng diretso sa huli naming pag-uusap. Nagi-guilty ako sa mga nangyayari. Kahit na anong isipin ko, ako pa rin ang lalabas na nanloko. Kung kaya ko lang sanang pigilan ‘tong love na ‘to, ginawa ko na…
1:02 am. Nasa ospital pa rin ako. Nasa loob ako ng operating room ngayon. Pilit na isinasalba ang buhay ng isang lalaking nabangga ng ten-wheeler delivery truck. Biglang pumasok sa utak ko si Ark. Nakita ko si Ark sa katauhan ng lalaking pilit kong isinasalba.
“Tooooooooooooooooottttt!!!”
Nagflatline ang heatbeat detector. Unti-unti na rin akong nawawalana ng pag-asang maisalba pa ang lalaking ito. Pero hindi ko maintindihan kung bakit si Ark ang nakikita ko. hindi ko na talaga kaya…
“Time of death… 1:31 am…”
Kahit kailan, hindi naging madali ang propesyon ko. Lalo na pagdatin sa mga ganitong sitwasyon. Isang napakalaking kabiguan sa aming mga doctor ang hindi maisalba ang buhay ng mga pasyente namin. Pinakamhirap na part ‘yung ipapaalam mo na sa mga kamag-anak nila na patay na ang mahal nila sa buhay. It’s either they’ll accept it or they’llblame you. Pero kadalasan… mas pinipilit kong sisihin ang sarili ko, kahit na alam kong ginawa ko naman ang lahat ng kaya ko…