Graduation Day. March 24, 2011.
Kahit sino, kahit kalian… hindi naging puro saya ang graduation. Siguro meron pa ring kasiyahan pero mas nangingibabaw ‘yung lungkot. Pero ako? Ayokong maging malungkot. Dapat Masaya. Naniniwala kasi ako na … aabot din ‘yung panahon na kung kailan, magkikita muli kami. Hindi man sa parehong lugar o sa mas medaling panahon, ang mahalaga, magkikita-kita pa rin kami.
Halo-halo ang emosyon ko sa pagtanggap ko ng aking diploma. Ang sarap sa feeling. Medyo nakakatakot din. Isa na kasi ‘yon sa mga sandata ko para harapin ang mga tunay na zombies ng buhay… lalo na sa college.
“Sandy…” Thank you Lord kasi bago pa man magsiuwian ang lahat… nagawa ko siyang kausapin.
“Bakit?” Nakatitig lang ako kay Sandy. Dahil sa sobrang ganda niya, medyo natagalan ako sa pagsagot…
“Gusto ko lang sanang… mag-goodbye…”
She smiled… “Goodbye Ark…”
“Paalam Sandy…” Nilapitan ako ni Sandy. Tinanggal niya ang singsing niya at binigay sa akin. Gustung-gusto ko siyang ipaglaban. Kaso lang hindi na pwede. Hindi na dapat. “Tago mo ‘yan ah… Para ‘di mo ko makalimutan…”
“Thank you. Thank you sa lahat… Mamimiss kita.” Kahit na masakit, kailangan kitang pakawalan.
“Ako rin =)” Pinangako ko sa sarili ko ang isang bagay. Mamahalin ko si Sandy hangga’t kaya ko. Hanggang sa tumuntong ako ng 25 years old, at hindi ko muling nahanap si Sandy… ‘Dun ko na siyang tuluyang kakalimutan. Tuluyan ng mabubura lahat ng kanyang alaala… sa puso’t-isipan ko…
“So anong gusto mong mangyari ngayon Ark?” Tanong ni mama matapos niyang mabasa ang results ko sa UP. Full scholarship ang iga-grant ng UP sa ‘kin.
“Gusto ko sanang… dyan ako mag-aaral ma… Total, full scholarship naman ang nakuha ko.”
“Hindi… ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo na sa MSU ka mag-aaral… Engineering ang kukunin mong kursong at hindi ‘yang filming.”
“Pero ma—“
“Tapos na ang usapang ito Ark! Matulog ka na…” Papasok na sana si mama ng kwaro pero nagawa ko pa rin siyang pigilan.
“’Yan naman ang hirap sa ‘yo ma eh… lagi na lang ikaw ang nasusunod…” Hindi ko inakalang makakaya ko ‘yung sabihin kay mama.
“Aba bastos kang bata ka ah!... –“
“Emma! Hayaan mong magsalita ang anak mo!” Natahimik ang mama ng dahil sa sinabi ni papa…
“Ma, please naman…” Hindi ko mapigilan ang maluha nang dahil sa mga nangyari… “’Ni minsan ba naisip niyo ‘yung gusto ko? ‘Ni minsan ba naisip niyo na hindi ko gusto maging engineer? Na kahit kailan hindi ako magiging Masaya ‘don…”
“Ma, gustuhin man ng utak ko na sundin ka, na respetuhin ka… Iba pa rin ‘yung sinisigaw ng puso ko. Nakakasiguro ko na kapag sinunod kita, habambuhay akong magsisisi. Buong buhay ko magiging miserable. At kung darating man ‘yung point na yayaman ako dahil sa pagiging engineer.. hindi pa rin ako magiging masaya…. Kasi ito ‘yung bagay na pinakaayaw ko pero ginawa ko pa rin… para sa isang taong pinakamamahal ko…”
“Minsan ba naisip mo ‘yun ma?” Hindi ko na napansin na umiiyak na nga pala talaga ako.
“Malamang hindi… kasi napakabusy mo sa pag-aasikaso ng mga papers ko para sa MSU… para sa letseng engineering course na ‘yan…”
Wala na akong hinintay na salita mula kay mama, ‘ni kay papa. Agad akong dumiretso sa kwarto ko. I’m a straight guy pero minsan talaga, may hinanakit at problema tayo na hindi natin madala sa simpleng inuman lang. minsan, kailangan mo rin ‘yang iiyak…
Bukas hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Lalo na sa amin ni mama. Ayokong maisip o isipin niya na binastos ko siya kanina. Mahal na mahal ko si mama pero mahal ko rin naman ang sarili ko.