The Happy Ending (Chapter 20: Ang Masaklap na Pagpapaalam)

10 0 0
                                    

Natagpuan ko na lang ang sarili kong tulala sa kawalan. Nag-iisip. Nasasaktan. Kailangan ko ng makapagdesisyon ngayon.

Hindi ko kayang saktan si Carl. Masyado siyang nagging mabait sa akin para lokohin ko lang siya ng ganito. Pero anong gagawin ko? Alam ng buong puso ko na mas mahal ko si Ark at sa kanya ko mas magiging masaya. Ngayon, alam ko ng dapat kong gawin. Hindi na rin masama kung paminsan-minsan magpakaselfish naman ako at isipin ang sarili kong kasiyahan. Wala na akong pakielam kung may masasaktan pang iba. Ang mahalaga ngayon, kung kanino ko mararamdaman ang happy ending na gusto ko.

Ti-next ko si Ark. Sinabihan ko siyang makipagkita sa akin sa terminal ng bus mamayang medaling araw. This is where I will be happy. Kung mahal talaga nila ako, maiintindihan nila kung bakit ko ito gagawin. Isa lang ako sa milyun-milyong tao na nagte-take ng risk para lang sa pag-ibig. Nakakatawa, O.A o corny man sa paningin ng iba, wala akong pakielam basta’t alam kong magiging masaya ako.

Oras na ang binibilang ng pag-aantay ko sa terminal ng bus. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng desisyon kong ito pero ito na lang ang alam kong natitira kong choice. Sana lang maintindihan ako ni Carl. Mahal ko siya, pero nagkataon lang talaga na mas mahal ko si Ark at sa kanya ko nakita ‘yung bagaya na halos 7 taon ko ring hinahanap, at ‘yun ay ‘yung parte ng puso kong hindi ko naibigay kay Carl kahit kailan. Carl, patawarin mo sana ako…

Ramdam ko na ang malakas na kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako nab aka hindi ako siputin ni Ark at baka kainin ko lang din lahat ng mga sinabi ko. Kahit na sa kanya ako magiging Masaya at siya ang mahal ko, pero hindi niya ako sinipot, wala ulit akong ibang choice kung hindi ang bumalik sa simula, at kalimutan na naman siya.

“Sandy…”

Wala na gaanong tao sa terminal. Nakita ko si Ark na papalapit sa akin. “Ark?!!..”

Tumayo ako at sinalubong siya ng isang napakahigpit na yakap. Wala akong ibang maramdaman ngayon kung hindi purong pananabik kay Ark. Pananabik sa naudlot na pagmamahalan noon pa man. Gustung-gusto kong maramdaman ‘yung kung paano mahalin ng totoo ng isang lalaking katulad ni Ark. Ang tagal kong hinintay ‘tong pagkakataong ito. Akala ko nga imposible na ‘tong mangyari eh. Akala ko wala ng pag-asa ang lahat. Meron pa pala.

“Mahal na mahal pa rin kita Ark… Sobrang mahal…” Tumulo na ang mga luha ko. Sinabi ko na ang totoo. Hindi na ko nagging duwag. Naging matapang ako sa lahat ng mga consequences ng mga desisyon ko.

“Mahal na mahal din kita Sandy…”

I felt nothing but overflowing happiness. Hindi na ko pumalag nang dahan-dahan na inilapit ni Ark ang mga labi niya sa mga labi ko. at unti-unti niya akong hinalikan. Hinalikan ako ni Ark sa labi… This is my first kiss… Sa mga oras na ‘to, pakiramdam ko totoo ang pantasya. Feeling ko nag-e-exist nga talaga ang magic. Hinding-hindi ko ito makakalimutan… =)

Pero tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. hindi na dahil sa nag-uumapaw na kasiyahan kung hindi sa matinding panghihinayang…

“Hindi mo ‘ko sasamahan?...” Pakiramdam ko sasabog na ako kakaiyak. Napansin kong walang dala ‘ni isang bagahe si Ark… Parang sasabog na ‘ko dahil sa sobrang sakit.

“This is too much Sandy... This is not what I want. Masyado na tayong nasasaktan… kahit kailan hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. Hindi ito ang solusyon sa mga problema natin Sandy. ‘Wag nating takasan ang problema.. Matuto tayong maging matapang na harapin lahat ng pagsubok… At hindi tayo magiging Masaya sa ganitong paraan…”

“Mahal na mahal kita Sandy… Pero kailangan na siguro nating tanggapin ‘yung katotohanan na hindi na tayo magiging masaya sa isa’t-isa…”

Hindi ko na kayang magsalita pa. It’s enough. Gusto ko ng lumayo. Ayoko ng umiyak. Manhid na ako sa sakit. Gusto ko na lag umuwi. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat ng nangyari… Hindi ko na kaya… Pagod na pagod na ‘ko…”

The Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon