Ilang hakbang na lang at papalapit na ko kay Sandy. This is really is it!
“Hey! Ark! Sandy! Next scene na tayo!” Sigaw ni Ram mula sa set naming. Saying! Ang lapit-lapit na ‘non!
“Sige, papunta na.” Mixed emotions ang feeling ko ngayon. Napakalaking pagkakataon ang binitawan ko. Pero teka, binitawan ko… o hinarang ni Ram? Ah basta, siguro nga.. hindi pa ito ang tamang panahon para magtapat. Kelangan ko pa ring maging sigurado sa bagay na ‘to. Sa nararamdaman ko para sa kanya.
“Can’t do this scene, Ram.” I said it after I read the script. Kelangan kongyakapin ng mahigpit at titigan sa mga mata si Sandy… dahil na sa parte na kami ng kwento kung saan magsisimula ang isang happy ending.
“You have to do this Ark, mahalagang parte ‘to ng movie natin…”
“You must let Sandy decide Ram, nakakahiya sa kanya.” At kapag napapayag niya si Sandy… hehe.. Mas ok ang lahat. Kahit na may takot at kaba akong nararamdaman, pwede ko namang i-dahilan sa sarili ko na… “Gagawin ko naman ‘to para kay Sandy e...”
“Ok… wala naman sigurong masama at maduming utak yan si Ark ‘e…” sabi ni Sandy na may halo na namang pang-aasar.
“Of course I’m not.. ‘Di ako katulad ng ibang lalake jan..” Wala akong pinapatamaan ‘don…
“Wala ‘kang pinapatamaan ‘don ah?..” Ram asked. Wala talaga! At kung natamaan si Ram, problema na niya ‘yun…
“Unless na lang kung… may pagnanasa ka sa ‘kin…” patuloy sa pang-aasar ni Sandy.
Huh? Paano niya nakakayang sabihin ‘yung mga ‘yon? Sa tuwing ginaganito niya ko, merong something na nati-trigger… at yun ay yung “ano” ko para sa kanya. Sobrang nakakainis kasi wala man lang akong maibato sa kanya.
“Huh… You’re not really the kind of my type Sandy… Sorry to tell you that...” Nagkasala muli ako sa Poong Maykapal. Nagsinungaling na naman ako. Tinignan lamang ako ni Sandy. Walang salitang lumabas sa bibig niya. At sa unang pagkakataon, nabara ko siya!
“As if type rin kita ‘no!... Mag-shoot na nga tayo!...”
We then started shooting. If it’s fine with her, then fine with me. Kelangan ko ‘tong gawin para sa film naming. I have to do this professionally. Gusto ‘kong kalimutan muna kung anuman ‘tong letseng pakiramdam na ito para kay Sandy.
“I trust you Ark...” I heard her whispering. I just smiled. Pero sa kaibuturan ng aking puso, gusting-gusto ‘kong tumalon sa sobrang tuwa. Ang sarap sa feeling kapag trusted ka ng taong mahal- gusto mo… Oo, gusto ko. Nakakasiguro ako na ‘di pa ‘to pagmamahal. Iba pa rin yung naramdaman ko para kay George. At ayokong matulad kay George. At ayokong matulad kay George na ginamit lang ako.
Hindi na ko tanga para isiping ‘di ako nagamit. Nagamit ako ng taong minahal ko at ayaw ko ‘yung maramdaman pa ng ibang tao. Lalong-lalo na si Sandy. Masyado siyang importante sa ‘kin para maramdaman pa niya ‘yung naranasan ko.
Marami kaming natapos na eksena. As much as possible, iniwasan ‘kong isipin ang nararamdaman ko para kay Sandy. Kahit na nakakatukso ‘yung mga eksena naming, I tried my best to do it professionally. Nang walang halong malisya.
I know this night will turn out to be a one big nightmare again. Siguradong makukulong na naman sa utak ko si Sandy, pabalik-balik…
Sa totoo lang, gulung-gulo na ang utak ko ngayon. “Ni hindi na ko sigurado kung nakalimutan ko na talaga si George. Hindi ko maipaliwanag kung anong nangyayari sa akin pero parang bumabalik ‘yung sakit. Lalong sumasakit ang ulo ko. Mas lalo akong nabibwisit sa sarili ko. Gusto kong maging sigurado sa lahat pero hindi ko magawa.
9:53 pm. Isa lang siguro ang maa-assure ko sa sarili ko. Na may gusto na nga ako kay Sandy. Pero sisiguraduhin ‘kong mapipigilan ko ‘to lalo na’t alam ko na kung gaano kasakit ang mahulog sa maling bangin. Gusto ko lang siya. Magmukha man akong defensive o guilty, wala akong pakielam. Basta’t alam ko sa sarili ko na gusto ko lang siya at hanggang ‘don na lang ‘yon. ‘Yon ang totoo!
11:49 pm. I hate it when I’m acting like this, when I’m being like this! Sarili ko lang ang pinahihirapan ko pero what can I do? Hindi talaga ako makatulog. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text kay Sandy. Just wanna say “Good night” to her. Baka sakaling maging panatag na ko ‘pag ginawa ko na ang lahat.. makatulog lang ako…
2:03 am. I’m staring at the ceiling, with my mind flying. Ngayon, kahit ang sarili ko hindi ko na maintindihan. ‘Ni hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Aminado na ko sa katotohanang gusto ko si Sandy pero pa’no si George? 3 months ago lang e, halos puro sakit ang nararamdaman ko. Pero nagyon heto ko…. Muli na namang sinusubukan ng letseng love na ‘yan. Bakit ba ako na naman ang parang binibiktima niya? Am I prone to it? O sadyang tanga lang talaga ako?
Ibang –iba talaga ang pakiramdam ko kanina sa shooting. Gusto kong magwalk-out nang dahil sa mga eksena naming ni Sandy. Kakaibang spark ang dumadaloy sa katawan ko sa tuwing mahahawakan ko ang mga kamay niya. Pinaghalong positive at negative charges ang feeling. Pinaghalong lakas ng proton, neutron at electron ang pakiramdam ko.
Gusto ko si Sandy. Peo inaalala ko si George at kapag naaalala ko ang sakit, napapadalawang-isip ako. Pero gustuhin ko mang gustuhin si Sandy, at magpahulog na lang….. hindi ko pa rin kaya. Walang kasiguraduhan…. ‘Ni hindi ko alam kung gusto niya rin ako…