The Happy Ending (Chapter 23: Ang Happier Ending)

5 0 0
                                    

“Sandy?” I saw Sandy sitting in one of the benches there. Tumayo siya nang makita niya ‘ko…

“Ark, anong ginagawa mo dito?” Hinihingal ako pero pinilit ko pa ring makapagsalita. This is it!

“Sandy, nandito ko… Nandito ako ngayon para sabihin sa ‘yo na…”

“Ark?”

Natigilan ako sa pagsasalita.

Dumating si Carl at tinabihan si Sandy…

“May kailangan ka Ark?” tanong ni Carl. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang bigla akong nablangko. Ano na?!

“Ark, ano ‘yung sasabihin mo?” tinanong ako ni Sandy.

“Nandito ko para… Para sabihin sa’yo na… G-g-goodbye… Goodbye… Mag-iingat kayo sa Amerika… At sana, magkita pa rin tayo… So… I’m gonna see you soon…” Huminga ako ng malalim…

“Paalam… ‘yun lang…” At pagkatapos ‘nun, tinalikuran ko na sila at naglakad na ‘ko papalayo. Isa na lang ang gusto ko ngayon. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng magpahinga.

There will never be a happy ending. Lahat tayo masasaktan at mabibigo lang din sa huli. Kung anuman ‘yung nangyari sa akin ngayong araw, pinapakita lang ‘nun na kulang pa rin ang sipag, tiyaga, matinding determinasyon at inspirasyon para makamtan natin ang isang bagay. Kapag ang tadhana na ang kumokontra ng lahat, nagiging 50-50 na ang chance mong magkaroon ng happy ending. Nakakalungkot lang kasi kung kailan handa ka ng magmahal muli, ‘dun naman sumalungat ang tadhana sa ‘yo. ‘Dun siya kumontra.

When I got home, I felt hopless and helpless. Miserable na ang buhay ko. Una kong naisip ang pagmomove on. Matagal ko na dapat ‘yon ginawa, pero may nangyari ba? Nagtagumpay ba ko sa pagmomove on na sinasabi ko? paano ko makakapagmove on? Paano ko tatanggapin ang katotohanan na sa pangalawang pagkakataon, nawala ko na naman si Sandy nang dahil sa katangahan ko?

Akala ko handa ko ng ipaglaban si Sandy mula kay Carl. Akala ko na kapag mahal ko si Sandy, makakayanan ko na ang lahat. Nakalimutan ko ‘yung fact na hindi pala sapat ‘yung mahal lang naming ni Sandy ang isa’t-isa para maging masaya kami sa bandang huli. Sayang. True love n asana, for the second time, naudlot na naman…

Pinindot ko ang answering machine sa gilid ng kama ko. gusto kong magrelax. Gusto ko na sa kahit ilang Segundo lang, mawala itong bigat ng nararamdaman ko ngayon.

“Ark?... Ark, si Sandy ‘to…” Napalingon ako sa answering machine.

“Ark, alam kong nasa Gensan ka ngayon. Sana lang, hindi pa huli ang lahat para marinig mo ‘tong message na ‘to.. (deep breath) Gusto ko lang malaman mo na… aalis na ‘ko…Pupunta na kami ng Amerika… I’m gonna stay there for good na rin siguro…” Nararamdaman ko na ang mga namumuong luha sa mga mata ko.

“Mahal na mahal kita Ark. Pero hindi ko alam kung paano ka ipaglalaban. Hindi ko alam kung paano ko ‘yun magagawa ng walang taong masasaktan. I’m so sorry Ark. Sorry kung naparamdam ko sa ‘yo na hindi kita mahal. Sorry kung natakot sa kung anong totoo…” Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko. ngayon ko lang ‘to sasabihin… Hindi ko na kaya. Nakakapagod na ‘yung paulit-ulit na lang na ganito… Sobrang nakakasawa.

“Gusto ko sanang makapag-usap tayo bago pa man ako umalis. Gusto ko sana na, maging klaro ang lahat sa ‘tin. Ayokong umalis ng Pilipinas na may dala-dalang mabigat na feeling ditto sa puso ko… I love you Ark… Sana marinig mo ‘tong message kong ‘to…”

Tulala pa rin ako matapos kong marinig ang mga sinabi ni Sandy. Hindi ko alam kung anong susunod na gagawin ko. May dapat ba talaga akong gawin? Dapat ko pa rin bang ipaglaban? Hindi ko na alam. Ang sakit-sakit na. Wala na akong lakas.

The Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon